CHAPTER 35

149 43 3
                                    

KASISIKAT lang ng araw nang magising si Shein. Nag-inat siya sandali at agad na bumangon sa sahig. Nakapwesto siya sa bandang bintana ng clinic kaya agad niya nakita ang iilang mga zombies na nasa labas lang ng silid sa hindi kalayuan.

Nilingon niya sina Klay, Aziel, at One na natutulog pa rin. Nakapwesto ang mga ito sa bandang lamesa na nasa sulok ng kuwarto. Maliit pa siyang napangiti ng makita si Aziel na bahagyang niyayap si Klay at habang si One naman ay naka cross arms pang natutulog.

Mabilis siyang napaiwas ng tingin sa binata. Nagsisimula na namang magkarera ang kanyang puso nang masilayan ang parang anghel nitong mukha habang natutulog.

Nagsimula na siyang maglakad palapit sa cabinet kung saan may nakita siyang pagkain sa loob. Nang tuluyang makalapit ay mabilis siyang lumuhod at saka maingat niyang binuksan ang pintuan nito.

Kumuha siya ng limang noodles at dalawang itlog. Dahan-dahan niya ulit sinara ang pinto ng cabinet at agad na tumayo. Naglakad siya palapit sa lababo at doon niya inilagay ang limang noodles at dalawang itlog.

Sunod niyang ginawa ay kinuha ang rice cooker para hugasan. Nang matapos ay nilagyan niya ito ng tubig gripo at saka niya ulit inilagay sa cooker para iinit ang tubig nito. Isa-isang binuksan ni Shein ang noodles at kinuha ang mga seasonings nito.

Naghintay siya ng ilang minuto nang tuluyan nang kumukulo ang tubig sa cooker. Inisa-isa niyang inilagay sa kumukulong tubig ang limang noodles. Bahagya pa siyang napamura ng tumalsik sa kanang kamay niya ang mainit na tubig.

Nang matapos ay kumuha siya nang apat na plastic na tinidor sa cabinet. Kumuha rin siya ng apat na maliit na bowls, na hindi masyadong maliit. Maingat niya ang mga ito na inilapag sa lababo at saka niya binalikan ang noodles na ngayon ay kumukulo na. Kinuha niya ang isang plastic na tinidor at tiningnan ang noodles kung okay na ba itong kainin.

Naghintay pa siya ng tatlong minuto nang tuluyan ng naluto ang pasta at saka niya isa-isang binuksan ang pakete ng mga seasonings at inihalo sa noodles. Biglang kumalam ang kanyang tiyan na malanghap ang mabangong amay na kumukulong noodles.

Sa kabilang banda, ay dahan-dahang minulat ni One ang kanyang mga mata. Agad niyang inilibot ang kanyang paningin sa silid at nakita niya si Shein na ngayon ay nagluluto. Base sa kanyang naamoy ay sigurado siya na noodles ang niluluto ng dalaga.

Mabilis siyang napabangon habang hindi inaalis ang kanyang mga mata kay Shein. Hindi kasi siya makapaniwala na nagising ito ng maaga para magluto. Hindi niya rin ineexpect na marunong itong magluto. Buong akala kasi niya ay magbigay lang ng matatalim na tingin ang kayang gawin nito, nagkakamali pala siya.

Kasalukuyan siyang nakasandal sa pader habang nakatingin pa rin sa nakatalikod na dalaga. Tiningnan ni One ng mabuti ang mga kilos ng dalaga. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay aksidenteng natamaan ng dalaga ang isang baso sa kanang kamay nito. Buong akala niya ay tuluyang mahulog ang babasaging baso pero agad na nasalo ng dalaga ang baso gamit lang ang isang kamay.

Muntikan nang atakihin si One dahil akala niya ay mahuhulog ang baso sa sahig. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Shein. Hindi niya inaakalang ganon kabilis ang reflexes ng dalaga na mabilis nitong nasalo ang baso.

Bahagya pang napahawak si One sa kanyang dibdib dahil sa kaba. Pero ganon nalang ang gulat niya nang biglang humarap sa gawi niya si Shein. Literal na nagulat siya sa nangyari at ganon rin ang dalaga. Parang hindi talaga nila inaasahan na magkakatinginan silang dalawa. Napatutop ng bibig si One dahil sa pagkabigla at pekeng umubo bago umiwas ng tingin.

Hindi talaga inaasahan ni One na magkatinginan sila ni Shein. Pasimpleng nilingon ulit ng binata ang dalaga na ngayon ay nakatalikod na ulit sa gawi niya. Pinatay na ng dalaga ang rice cooker at sinimulang lagyan ng noodles ang mga bowls.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now