CHAPTER 005

329 141 45
                                    

“Professor Hilton, at Miss Luna, pwede ko ba kayong dalawa makausap sandali?

Napatigil sa pag-aayos ng kani-kanilang gamit ang dalawang professor ng bigla silang tawagin ng kanilang Dean.

Kakatapos lang ng kanilang board meeting at mag la-lunch time na. Wala silang nagawa kaya sabay silang naupo sa kanilang upuan.

“Balita ko, nakita niyo na ang nawawalang student?” panimula ng dean na bahagyang uminom ng kape sa kanyang tasa.

“Yes dean, nandon po siya ngayon sa clinic nagpapahinga dahil hindi maganda ang hitsura niya nang makita siya ng head nurse.” tugon ni Miss Luna.

Nagtatakang siyang tiningnan ng Dean. “Anong ibig mong sabihin, Miss luna?”

Bumuntong-hininga muna ang maestra bago nagsalita.

“Base sa sinabi sa'kin ni Alex, the head nurse. Nagulat siyang pumasok sa clinic si hannah at nanghingi ng tulong sa kanya kaya agaran niya itong ginamot. Galing na rin ako 'don kanina kasama si detective Aries.”

“How is she now? Is she okay?” nag-alalang tanong ng Dean.

“Yes dean, she's fine now. May binilinan akong estudyante ko na doon siya muna sa clinic para bantayan muna ang kaklase.” nakangiting sabi niya.

Magsasalita na sana ulit ang dean ng mabilis na tumayo si Professor Hilton at walang pasabing tumalikod at dali-daling lumapit sa pinto.

“Where do you think your going, Professor Hilton? Kailangan pa kitang kausapin—”

“I don't give a damn to your shits.” pagkatapos niyang sabihin ang katagang 'yon ay pinihit niya ang hamba ng pinto at lumabas, padabog niya ring sinira ang pinto na naging mitsa kung bakit bahagyang umuga ang flower vase na nasa gilid.

Nagmamadaling bumaba sa hagdan si professor hilton sa building. Hindi siya mapakali sa maraming dahilan.

Hindi niya alam kung narinig niya ng maayos ang maestra kanina.

Malalaki ang kanyang hakbang papunta sa second floor. Hindi na niya ininda ang pagod sa pagtakbo patungo sa science laboratory, agad niyang pinihit ang hamba ng pinto at tinungo ang isang silid.

Dinamba siya ng kaba ng makitang nakabukas na ang pinto ng silid kaya agaran siyang tumakbo palapit upang tingnan kung nasa loob pa ba ang babaeng kinulong niya.

Pero nang makapasok na siya sa loob ay nagulat siya sa nakita.

Wala na ang dalaga.

Lumapit siya sa kama at nakita niya ang iilang dugo sa unan. Pati 'yung posas, giba na.

Tiningnan niya pa ang paligid sa silid pero wala na talaga ang dalaga.

Napasabunot siya sa kanyang buhok sa inis. Hindi niya inaasahan ang lahat ng 'to.
Hindi pumasok sa kanyang isip na magawa nitong makatakas sa ganong lagay.

Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang makarinig ng mga sigawan sa gawing bintana sa labas ng silid. Nagmamadali siyang naglakad palabas ng kwarto at hinawi ang kurtina para matingnan kung ano ang nasa labas.

Bumungad sa kanya ang mga estudyanteng nagkakagulo sa labas ng building. Ang karamihan na sa kanila ay nangangagat ng kapwa nila estudyante.

Pati sa malawak nilang field ay may mga halimaw na naglalakad na parang hindi nila alam kung saan pupunta.

Ang kaninang kabang nararamdaman ay unti-unting napalitan ng isang malaking ngisi sa kanyang labi.

“It's starting. . . it's finally starting.”

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now