Chapter 4: Reward

201 8 0
                                    

“Welcome to our family, Mahana…”

Mula rito sa may main door ng bahay namin, rinig na rinig ko na ang masayang tugon na iyon ni Mama. Patakbo akong nagtungo sa may sala at  nakita ko ang babaeng kayakap ni Mama, nakadress ito ng babypink ang kulay na may kabagsakan ang buhok. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. Sumunod naman siyang winelcome ni Papa at huli sa pila si Alyssa na nagpipigil ng tili.

 “Anong welcome?” Pang-aagaw ko ng kanilang atensyon at doon ko na nakita ang kabuuan ng babae. Psh! Kagaya pa rin ng dati, ang pangit pa rin.

“Hi there, son..”

Lumapit si Mama sa akin saka niyakap ng sobrang higpit na talaga namang mararamdaman mo sa mga bisig nito ang tuwa. Kahit wala siyang sabihin, alam ko at ramdam ko na ang tuwa sa puso niya na sa wakas ay natupad na ang pinakamalaking pangarap niya sa akin at iyon ay ang makapag-asawa na.

“Bakit niyo winewelcome ang babaeng ‘yan?" Taas kilay kong tanong, nagpalipat-lipat pa ako ng tingin sa kanilang tatlo at huling itinapon ang tingin kay Mahana na animo'y inosente sa kanyang itsura. Nakaramdam lalo ako ng inis.

Bakit nandito ang babaeng 'to? Anong ginagawa niya rito?

"Luis, why are you talking like that? Gosh! Hindi mo naman sinabi sa amin na ikinasal ka last year, e 'di sana napaghandaan natin."

Makikita sa mukha ng bawat myembro ng pamilya ko ang tuwa lalong-lalo na kay Mama na halos mapunit na ang kanyang labi sa tuwa. Tumingin ako kay Mahana na inosente pa rin ang awra niya. Nakakainis.

"Ma, let me explain everything, okay?"

Itinaas ni Mama ang kanyang kanan na kamay, nagpapahiwatig non na itikom ko ang aking bibig.

"Ops! No need, Mahana already explain everything to us. Calmn down. Kung iniisip mo magagalit kami, anak, hindi. Actually, natutuwa pa kami dahil sa wakas, ang unico hijo namin at panganay ay may asawa na."

Pinanggigilan pa ako ni Mama at naramdaman ko na lang na kumirot ang pisngi ko sa pangpipisil nito. Sa aming lahat, ako lamang itong kaisa-isang hindi kayang gumuhit ang ngiti sa mga labi dahil wala akong ni katiting na tuwa na nararamdaman.

"Anak, naiintindihan ka namin kung bakit mo 'to itinago sa amin." Umakbay si Papa sa akin at nagsalita. "We know that you're not yet ready to settle pero atleast, mapapanatag na kami ng Mama mo dahil sa wakas ay may pagkukuhanan ka na ng inspirasyon."

"Pa, it's not what you think.."

Pinutol ni Papa ang pagsasalita ko dahilan para mapabuga ako ng malalim na buntong-hininga.

"It's okay, ang mahalaga ngayon, may asawa ka na, 'yon naman ang importante sa amin ng Mama mo e.  Can't wait to have my first apo, Luis." kinindatan pa ako ni Papa saka tinapik ng mahina ang balikat ko.

"What the hell?"

Gusto kong magmura ng malutong hanggang sa maibuhos ko lahat ng inis na nararamdaman ko. Gusto kong singhalan si Mahana dahil wala siyang ginawa kundi ang sumimsim ng juice sa may sofa habang sosyal na nakaupo. Seriously? Hindi manlang niya ipaglaban na hindi namin ginusto 'yong kasal na 'yon at nakatunganga lang siya na parang walang problema?

"Hey! What did you tell them about our fucking marriage?"

Kinuha ko ang kanyang atensyon matapos magpaalam sina Mama na may aasikasuhin saglit bago kami kumain ng dinner. Naiwan kaming dalawa ni Mahana dito sa may sala at kaagad ko siyang nilapitan upang komprontahin.

"Juice?" Alok niya sa baso ng juice na kanyang hawak.

Napabuntong-hininga ako ng malalim dahil kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Umaakto pa rin siya ng normal samantalang ako, nilalamon na ng kaba knowing na alam na ng family ko ang tungkol sa kasal namin.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon