Chapter 39: Pain

114 1 0
                                    

"Hindi ko alam kung maaawa ba 'ko sa'yo o matatawa."

Idinampi ng dahan-dahan ni Mahana ang basang bimpo na inilublob nito sa palanggana na may laman na tubig at alcohol. Inaapoy sa lagnat si Luis kinagabihan dahil sa pagligo nito sa ulanan. Napalitan ang excitement nito ng sakit ng katawan kaya hindi alam ni Mahana ang gagawin.

"Tsk! Alagaan mo nalang ako pwede? Dont laugh at me, hindi ko naman alam na ganito ang consequences sa pagligo ko sa ulan e." Naubo pa ng bahagya si Luis at halatang nanghihina ito na parang lantang gulay.

Buong magdamag syang inalagaan ni Mahana, kahit papaano, nakakaramdam pa rin siya ng kaba sa kalagayan ng lalaki. Napapansin na rin niya ang bahagyang pagpayat ni Luis mula nong namalagi sila sa probinsiya. Dala na rin siguro iyon ng pagtatrabaho nito araw-araw at hindi sapat na pagtulog tuwing gabi.

"Kumain ka na muna para lumakas ka. Dahan-dahan at mainit ang sabaw na 'to."

Ibinaba niya muna sa side table iyong dala ni Mahana na mangkok na may laman na sabaw. Inalalayan niyang makaupo si Luis at nilagyan ng malambot na unan na masasandalan nito sa kanyang likod. Pagkatapos ay nagprinsinta siyang pakain ang lalaki.

"Hindi bat may trabaho ka dapat ngayon?" Nanghihinang tanong ni Luis habang abala na pinapalamig ni Mahana iyong sabaw na naroon sa may kutsara.

"Hayaan mo 'yon, may nextime pa naman e." Sagot ni Mahana, sinenyasan niya na isusubo niya kay Luis iyong kutsara kaya tahimik na ibinuka ni Luis ang kanyang bibig para makakain.

"Pero may pinag-iipunan ka di ba? Pupunta ka pa mg Dubai.."

Natigilan si Mahana sa sinabing iyon ng lalaki. Alam niyang gustong-gusto malaman ni Luis ang kanyang dahilan kung bakit pupunta siya sa ibang bansa. Sobrang hirap sa kanyang sabihin ito sa lalaki dahil napakapersonal na bagay iyon.

Tanging ngiti na lamang ang naisagot ni Mahana. Hindi naman bumwelo si Luis upang magtanong ulit dapatwt tinugon nalang niya ang pagsubo ni Mahana sa kanya ng pagkain. Tahimik lamang si Luis na hinahayaan na pakain siya ni Mahana kahit gustong-gusto na niya itong kulitin upang sabihin ang totoo pero mas inisip niya ang privacy nito.

"E ikaw, kaya  ba gustong-gusto mong pumunta ng Canada kasi nandon si Misty?" Pambabasag ni Mahana sa katahimikan.

"Beside sa gusto ko ng katahimikan, yes.." napatango-tango ng marahan si Luis. "I want to go there for peace and Misty. Ibang-iba si Misty kina Mama, malaya ako na parang isang ibon kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko, nakawala ako sa hawla na kinalalagyan ko. She let me decide for myself. She let me choose whatever I want without hesitation. For her, I feel free, I feel to be loved. That's why I want to marry her."

May kung anong tumusok sa puso ni Mahana matapos marinig iyon kay Luis. Hinihiling niya na sana siya nalang ang mahal ni Luis. Sana siya na lamang ang gusto nitong pakasalan ng totoo. Siya nalang sana ang hinihiling nito makasama habambuhay.

"Mahal na mahal mo talaga siya no? Kaya siguro nakaya mong mag-antay sa kanya ng halos limang taon." Patutsada ni Mahana na pilit pinipigilan ang kanyang luha.

"Yeah." Proud na sambit nu Luis. "I want to settle my future with her. Wala ng iba pa."

At mas lalo pang nadurog ang puso ni Mahana. Nagsisisi siyang inopen ang topic na yon dahil sa huli siya lang din ang nasaktan. Sa bawat salitang binitawan ni Luis, lahat yon may bahid ng sakit sa kanya. Sinampal siya ng katotohanan na kahit siya ang nandon para kay Luis, kailanman ay hindi siya nito pipiliin.

Tumagal ang masamang pakiramdam ni Luis ng tatlong araw. Pagkatapos non, bumalik ulit sila sa pagtratrabaho sa bayan. Kaliwa't kanan ang kanilang naging raket na konti nalang ay makakaipon na ng sapat na pera si Luis para makauwi.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon