Chapter 45: Sugod

79 2 1
                                    

"Gago! Seryoso ka ba?"

Hindi maipinta ang kaba sa mukha ni Kenneth habang tinititigan ang kanyang kaibigan na si Luis na naroon sa sofa, nakaupo. Kaagad siyang pinuntahan ni Luis dahil kinakain ito ng sobrang takot.

"Pre, seryoso ako. Mukha ba kong nagbibiro?"

"Shit! Paano kapag nasundan ka nya dito sa condo ko? Pocha! Baka patayin rin nila ako, Luwi. Hoy! Kakasagot pa lang ni Alona sa'kin, hindi pa ko pwedeng mamatay." Aligagang usal ni Kenneth dahil masyado siyang kinakain ng pag-ooverthink.

"Kumalma ka nga. Kita mo na ngang kinakabahan ako dito, ginagatungan mo pa. Pwedeng mag-isip ka nalang ng paraan?"

"Paraan? Anong paraan naman ang gusto mong gawin ko? Pre, ultimo mata nila hindi namin kabisado e. Kumbaga, para tayong nakikipaglaban sa multo na nararamdaman natin pero hindi natin nakikita."

"Kenneth, wala na tayong oras. Ano, hihintayin ba natin na may kitilin muna silang buhay bago tayo kumilos?"

"Shit naman e!"

Nagplano sila ng gagawin dahil masyado ng delikado ang sitwasyon. Pinaalalahanan niya si Kenneth na mag-ingat ng mabuti pati na rin sina Rhaiven. Naghire na din siya ng magbabantay sa kanyang pamilya na kasalukuyang naroon sa ibang bansa. Pati sa bahay ng lola nito ay nagpalagay na rin sya ng security.

"Luis, may lakad ka ba?"

Napalingon siya nang marinig ang boses ni Mahana na bagong labas lang mula sa banyo dahil nagsepilyo ito. May nakasabit na towel sa balikat nito at abalang pinupunasan ang gilid ng kanyang labi.

"Bakit?"

"Magpapasama sana ako e."

"Saan?"

"Sa ospital, medyo sumasama ang pakiramdam ko e."

"Kaya mo na yan, Hana."

Nadurog ang puso ni Mahana matapos marinig ang sagot na iyon ni Luis.

"Hindi ko kayang byumahe mag-isa e. Baka naman pwede mo 'kong samahan?"

Tuluyan ng humarap si Luis kay Mahana. Inalis niya ang tingin sa relo na inaayos nito sa kanyang palapulsuhan. Itinapon nya iyon kay Mahana.

"Hana, uso ang taxi dito, madali ka nalang makakabyahe kahit mag-isa ka lang." Suhestiyon pa nito.

Paiyak na si Mahana sa pagiging madamot ni Luis ng oras sa kanya pero matinding pagpipigil ang kanyang ginawa.

"Alam ko pero baka kasi---"

"Kailangan ako ni Misty, Hana." Pamumutol ni Luis. "Hindi kita masasamahan ngayon dahil may pupuntahan kami ni Misty, hindi pwedeng macancel yon."

Walang ano-ano ay tumunog ang selpon ni Luis. Kinuha nya iyon mula sa side table at mabilis na sinagot ang tawag mula kay Misty.

"Yes, love...oo, papunta na ko. Okay, okay..." Pinatay na nito ang tawag saka isinuksok sa bulsa ang selpon nito. "I have to go, Hana. Go with yourself nalang muna. Bye." Hinaplos pa nito ang balikat ng babae saka walang kahirap-hirap na iniwan palabas ng kwarto.

At doon na bumagsak ang luha sa pisngi ni Mahana na kanina nya pa pinipigilan. Masyado siyang kinakain ng kanyang emosyon. Nasasaktan siya ng sobra. Simula nong bumalik sila ng Manila, pakiramdam niya, bumalik na din sa dati ang lahat. Bumalik ang pang-iiwas ni Luis sa kanya. Bumalik ang pandededma, pangwawalang bahala. At kahit na anong pilit niyang intindihin ang sitwasyon, nauupos rin siya na parang kandila.

Naging masaya ang lakad na iyon nina Misty at Luis. Sinulit nila ang bawat oras na magkasama sila. Napuno ang lakad na iyon ng kilig, tawanan, asaran, at pati na rin iyakan. Hindi pa man sila opisyal na magjowa, alam nilang dalawa na mahal nila ang isat isa. Sapat sa kanilang dalawa ang presensya na kayang magpatunay na parehas na sila ang tinitibok ng kanilang mga puso.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon