Chapter 43: Priority

108 2 0
                                    

"Let's go home na, Luis. Uwi ka na sa'kin."

Walang kahirap-hirap na yumakap si Misty sa matipunong braso ni Luis. Para itong isang higad na wagas makadikit sa katawan ng lalaki. Taas-kilay ang naibatong tingin ng pamilya ni Mahana rito. Habang si Mahana ay hindi maipaliwanag ang lungkot na kanyang nadarama nong mga oras na yon. Ang totoong nagmamay-ari kay Luis, ayon at sinusundo na siya.

"Misty, how did you know na nandito ako? I didn't tell you about this right?" Nagtatakang tanong ng lalaki. May tuwa siyang nararamdaman dahil nakita na niya sa wakas ang babaeng pinakamamahal niya pero mas nanaig ang kanyang pagtataka.

"Nalaman ko kay Rhaiven, so napasugod na 'ko agad dito para sunduin ka." Sagot ng babae.

Nagtama ang tingin nina Luis at Mahana na nagulat sa pagdating ni Misty. Nawala tuloy sa isip ni Luis na may gusto sanang sabihin sa kanya si Mahana.

"Anyway, Misty, this is---"

"Mahana, yeah, I already know her.." pamumutol ni Misty sa sasabihin ng lalaki. Kumalas ito sa pagkakayakap sa braso ni Luis saka naglakad ng tatlong beses upang malapitan si Mahana na nakatitig sa kanilang dalawa.

"Hi, finally nameet na din kita. I'm Misty by the way." Pagpapakilala nito sa kanyang sarili saka naglahad ng kamay.

Ngiting pilit ang naisagot niya kay Misty saka tinugon ang kamay ito dahilan para magshakehands sila. "Nice meeting you too."

Hindi mawari ni Mahana ang mga titig ni Misty sa kanya. Hindi niya masabi kung natutuwa ba ito sa kanya, naiirita, o nagagalit. Basta ang alam niya, sinsero ang mga ngiti na iyon ni Misty sa kanya. Kahit na ganon, hindi niya maiwasan ang makaramdam ng kaba lalo na at hindi niya pa lubos kilala ito.

Ipinakilala din ni Mahana ang kanyang tita at kapatid nito na si Megan. Pagkatapos ay pinaupo nila ito sa may sala saka naghanda ng konting makakain. Naiwan sina Misty at Luis sa may sala habang nakatitig naman sina Mamang, Mahana at Megan sa dalawa.

"Alam mo, may naaamoy akong baho niyang Misty na yan." Komento ni Mamang kaya kaagad siyang sinita ni Mahana.

"Mamang! Shh! Baka marinig ka niya." Suway nito.

"E bakit, totoo naman e. Kung makatitig sa atin akala mo mga tae tayo at pinandidirihan niya. Yan ba ang inantay ni Luis? Maganda nga pero mukhang maattitude." Pagpapatuloy pa nito habang pinapasadahan ng tingin si Misty mula ulo hanggang paa.

"Tumpak ka dyan, Mang. Mas pretty pa tong si Manang kesa dyan. Hindi naman yan maganda kung hindi yan maputi e." Pagsabat naman ni Megan sa usapan.

"Mang, Megan, tama na yan. Di pa natin masyadong kilala yong tao kaya huwag tayong maging judgemental." Suway nito sa dalawa kaya natahimik na ang mga ito habang abala na naghahanda ng meryenda.

Sa kabilang banda, hindi maipaliwanag ni Luis ang saya na kanyang nararamdaman habang kaharap ang babaeng pinapangarap niyang makita sa loob ng limang taon. Hindi siya makapaniwala na umuwi si Misty para sa kanya at mukhang naaamoy niyang malapit na siyang sagutin nito.

"Uhmm, about our wedding..." Humugot ng malalim na buntong-hininga si Luis upang ipaalam na ang buong detalye ng pekeng kasal nila ni Mahana kay Misty. Hinintay niya ang araw na iyon para masabi niya ang totoo sa babae. At ngayon na nandon na siya sa puntong yon, kinakain siya ng kaba.

"You don't need to explain, Luwi." Usal ni Misty. "I already know everything about your accidental  wedding with Mahana."

Natigilan si Luis, hindi niya inaasahan na huli na pala siya sa balita. Alam na pala ni Misty ang lahat patungkol sa accidental wedding nila ni Mahana. Habang nakatitig siya ng diretso sa mga mata ni Misty, hindi niya ito mawari kung galit ito o hindi.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon