Chapter 17: Kakampi o Kalaban

94 3 0
                                    

"Fuck! Hindi ko na siya macontact. Argh!"

Naihagis ko sa ere ang hawak kong selpon dahil hindi ko na macontact ang cellphone number ni Jade na tumawag sa akin kanina. Nakailang dial na ako sa number nito ay wala pa rin. Hindi ko pa naalaman kung sino ang may pakanan lahat ng ito.

Nagulat si Mahana sa paghagis na ginawa ko sa selpon na hawak ko kanina.  Sa inis ko ay napamura ako ng malutong saka pinagpupukpok ang ulo ko gamit ang kamay ko.

"Kumalma ka nga." Malumanay na usisa nito, nararamdaman ko sa boses nito ang kaba at takot dahil sa inaasta ko pero hindi ko siya magawang pakinggan.

Matalim ang tingin na itinapon ko sa kanya. Siya ang tanging dahilan kung bakit naputol ang pag-uusap namin ni Jade. Ang pag-uusap namin na makakapagbigay sa akin ng kasagutan sa lahat ng katanungan na gumugulo sa isipan ko.

"Tsk! This is your fucking faul!" Paninisi ko sa kanya, naiduro ko pa siya ng bahagya dahilan upanh mapahawak ito sa kanyang dibdib na animoy nagtataka kung bakit siya ang sinisisi ko.

"Ba't naninisi ka dyan? Wala naman akong ginawa ah."

"Ah talaga?" Nakapameywang ako na naglakad palapit sa kanya at kita ko kung paano siya mapalunok  sa takot. "Kung hindi ka tumili, hindi sana ako nataranta kanina. Dahil diyan sa kaartehan mo, naudlot yong kasagutan dapat sa problema natin."

"E may ipis kasi don kanina e, takot ako sa ipis." Depensa nito na paiyak na pero wala akong maramdaman na awa sa kanya.

"Tsk! Ang dami mong arte!" Singhal ko rito na animoy nawawalan na ako mg respeto sa kanya. "Mahana, si Jade 'yong kausap ko kanina. Si Jade na matagal na nating hinahanap para may makapagpatunay sa korte na hindi natin ginusto yong kasal, na aksidente lamang 'yon."

"E hindi ko naman alam na siya ang kausap mo e. Malay ko ba kasi." Takot na tugon nito.

"Tangina!" Napahilot ako sa aking sentido dahil sa inis. " Palagi ka namang ganyan e. Ano pa nga bang aasahan ko sayo? Isa ka lang pabigat at peste sa buhay ko. Dapat lang talaga na hindi ko magustuhan ang babaeng kagaya mo." Masasakit na salitang usal ko sa kanya pagkatapos ay nilayasan na siya't hindi manlang inisip ang kanyang mararamdaman.

Sa guest room ako natulog dahil mainit pa rin ang ulo ko kay Mahana dahil sa nangyari. Mabuti na lamang at tulog na sina Lola at Mama kaya malaya ako natulog sa guest room. Kinabukasan, nagising ako dahil may tumapik sa pisngi ko at pagmulat ko ay bumungad sa akin ang bulto ni Lola.

Napabalikwas ako ng bangon at bahagyang kinusot ang mata ko.

"La, ba't narito kayo?"

"Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sa'yo, Apo? Ikaw, bakit ka nandito? Bakit dito ka natulog at hindi sa kwarto niyo ng asawa mo?" Nakakrus na braso na tanong ni Lola sa akin. At iyon na naman ang tingin na kinatatakutan ko sa lahat mula sa kanya.

"Ahh..kasi, La..."

"I'm not  stupid, Luis.." makahulugang tugon ni Lola na animoy alam nito ang dahilan ng hindi ko pagtabi kay Mahana sa kwarto namin. "Ayusin mo 'yan or else, you may lose everything.."

Natulala ako sa sinabi nito paglabas niya sa guest room na kinaroroonan ko. She's right. Im going to lose everything kapag hindi ko inayos ang sa amin ni Mahana. I dont know kung tungkol sa marriage namin ni Mahana ang tinutukoy ni Lola na mawawala sa akin o 'yong reward na inaasam ko.

Napasabunot ko na lamang ang sarili ko at nagmumura ng malulutong. Sa dami ng iniisip ko at nagkasabay-sabay na, hindi ko na halos alam kung alin doon ang uunahin kong solusyunan.

"May point ka naman, pre, pero sana, kinausap mo siya ng maayos hindi ganon." Panenermon ni Rhaiven sa akin, pumaroon ako sa opisina niya upang may makausap. Siya lang ang available ngayon dahil sina Chris at Kenneth ay busy sa kanilang lovelife.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon