"Sanay na sanay na ah."
Tinugon ni Luis ang apir ni Mahana sa ere saka iniabot ang bottled water na binili nito. Katatapos lang ng raket nila bilang dispatcher sa terminal ng jeep. Habol nila parehas ang kanilang hininga at naliligo sila sa sarili nilang mga pawis.
"Konti nalang e. Damn! Ang init."
Napatango-tango si Mahana saka iniiwas ang tingin sa lalaki. Itinuon nalang niya ang pansin sa bottled water na hawak dahil uhaw na uhaw na siya. Pinihit niya ito para mabuksan pero sobrang higpit ng pagkakalock non kaya nakaramdam siya ng inis. Nakailang subok siya na buksan ito pero namaga na lahat at sumakit ang kanyang palad ay wala pa rin.
"Ponyeta! Ba't ayaw mabuksan?" Bulong niya pero rinig na rinig ni Luis dahilan para mapalingon ito sa gawi ng babae.
Nasa kalagitnaan siya ng pagpihit sa takip ng bottled water para makainom na siya noong biglang umeksena si Luis. Inagaw niya ng marahan may Mahana iyong bote saka walang kahirap-hirap na binuksan ito para sa babae.
"Here.." iniabot pabalik ni Luis iyong bote nang tuluyan na itong mabuksan.
Pigil ang ngiti ni Mahana noong kinuha niya iyong bote kay Luis. Sobra siyang kinilig dahil to the rescue kaagad si Luis sa kanya. Hinihiling nalang niya na sana hindi mapansin ni Luis ang pamamaga ng kanyang pisngi dahil sa kilig.
"Thank you." Simpleng tugon ni Mahana pero sa loob-loob niya ay pinapatay na siya ng kilig.
Nabalot ng katahimikan ang pagitan nilang dalawa, parehas na nakatingin sa kawalan habang may kanya-kanya silang iniisip.
"By the way, sasama ka sa'kin pabalik ng Manila, ah." Pambabasag ni Luis sa katahimikan.
Isinarado ni Mahana ang bote ng tubig na hawak pagkatapos ay pinunasan ang gilid ng kanyang labi gamit ang likod ng palad nya.
"Bakit pa? Akala ko ba ayaw mo na 'kong makasama kaya kating-kati ka bumalik ng Manila?"
Napangiwi si Luis. "Yeah, but don't forget na sa mata ng Lola ko, legal pa rin tayong mag-asawa, may kontrata ka din sa akin. Beside, malapit na nating malaman kung sino yong mastermind ng kasal natin. Sino ang partner ko na sasampal sa tayong 'yon kung hindi ka sasama?" Nagpakawala si Luis ng tawa.
Natawa din si Mahana sa inusal ng lalaki. Natutuwa na siya na kahit papaano ay kilala pa rin siya ni Luis bilang asawa kahit peke man iyong kasal namin. May respeto pa din na ibinibigay sa kanya ang lalaki dahilan para mas gumaan ang loob nito hindi kagaya nong una na halos magpatayan na sila.
"Sige ba! Kung gusto mo, palakasan pa tayo ng sampal. Tsk! Humanda ang pangit na 'yon sa'kin." Pagbabanta ni Mahana sa unknown suspek sa kasal nila.
Nakyutan si Luis sa inasta ni Mahana kaya natawa siya ng bahagya at ginulo ang buhok nito ng marahan. Napag-usapan pa nila ang ibang bagay patungkol pa rin sa pekeng kasal nila. Nalaman ni Mahana na inaasikaso na pala iyon ni Kenneth. At kahit alam ni Kenneth kung nasaan sila, hindi siya nag-attempt na sunduin si Luis. Gusto din kasi nito na matuto si Luis at mabago ang pananaw nito sa buhay.
"Damn! It's hot."
Muntik mabilaukan si Mahana noong nakita niya kung paano itinaas ni Luis ang suot na t shirt at lumitaw roon ang abs niya. Napaiwas kaagad siya ng tingin, nakaramdam bigla siya ng kilig sa hindi malaman na dahilan.
"Hoy! Ibaba mo nga 'yang damit mo. Baka mamaya may asong gala pagkamalan ka pang buto." Galit-galitan na tugon niya kahit sa loob-loob niya ay nilalamon siya ng kilig.
"Ang hot ko kaya."
"Asim mo. Tara na."
Napagdesisyunan muna nila na bumili ng mga kailangan sa bahay kaya dumaan muna sila sa grocery store. Nasanay na si Luis na pinagtitinginan siya ng mga tao kaya dedma na lamang siya. Kumuha na lang siya ng mga kailangan niya at noong nasigurado na nila na nabili na nila lahat ay pumunta na sila sa cashier upang magbayad.
BINABASA MO ANG
Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy
Novela JuvenilIsang malaking bangungot ang pagdating ng isang marriage contract kay Luis na babago sa kanyang buhay. Matatali siya sa babaeng kinaiinisan niya ng sobra at kailanman hindi niya hiniling na maging asawa. At para makuha ang inaasam nitong mana, nakiu...