Chapter 44: Cancel

73 1 0
                                    

"Adik ka ba? Aayain mo siya ng kasal e ni label wala kayo."

Pinagtawanan ng malala nina Rhaiven, Chris at Kenneth ang kanilang kaibigan na si Luis matapos ipaalam sa kanila ang binabalak nitong proposal kay Misty mamayang gabi. Suportado naman sila rito pero hindi nila maiwasang pagtawanan ito dahil hindi pa naman sila magjowa.

"Sus! Doon lang din naman ang punta namin e. Aksaya lang sa panahon yang pagiging magirlfriend/ boyfriend na yan. Kung talagang mahal mo ang isang tao, pakasalan mo na agad." Depensa ni Luis saka lumahok sa nakalatang alak pagkatapos ay kumuha ng pulutan nilang kornik.

"Hindi naman sa basher ako ah, sobrang pangit talagang tignan, Luwi. Ni hindi ka pa nga sigurado kung handa na siya e." Komento ni Rhaiven na pinaglalaruan sa kanyang kaliwang kamay ang hawak na alak.

"Agree ako kay Rhai, tsaka hindi naman porket mahal mo e papakasalan mo na agad e. Pre, dinadaan lahat yan sa proseso." Sabat naman ni Chris sa usapan.

"Hindi kaya dala lang yan ng pagkamiss mo kay Misty? Masyado ka namang natuwa sa pagdating niya at yayayain mo na siyang magpakasal. Ibang klase ka, Luwi, bilib na ko sayo." Napailing-iling si Kenneth.

"Mga pre, ika nga nila, kung ano ang ninanais ng puso ay siyang susundin? E mga pre, eto ang gusto ng puso ko e, anong magagawa ko?"

Sabay-sabay na napakamot ng ulo ang tatlo sa katigasan ng ulo ni Luis. Kahit naman na anong panenermon ang ibato nila rito ay hindi pa rin nila ito mapipigilan. Kilala nila si Luis, kapag nakapagdesisyon, hindi na uso sa kanya ang salitang atrasan.

"Ayaw mo magpaawat ah, o siya, sige, ikaw ang bahala. Basta if ever ireject ka nya, walang iyakan ah?" Paalala ni Chris na nakaduro sa gawi ni Luis.

"Sus! Anong iyakan? Sureball ako pare na sasagot yon ng 'oo." Paniguradong sagot ni Luis sa mayabang na tinig.

"Tsk! Langya, ang yabang." Napailing-iling na komento ni Rhaiven.

Ibinahagi ni Luis ang plano niyang pangsosorpresa kay Misty mamayang gabi. Kahit weird ang naisip ni Luis na plano, hindi nalang nag-aksaya sina Rhaiven na umangal dahil yon ang diskarte nito. Pinaalalahanan pa nila ito kung ano ang mga dapat niyang gawin at hindi. Pinaalala nila na dapat maging bukal sa puso niya ang lahat ng kanyang sasabihin kay Misty mamaya. Nagbigay nalang sila ng suporta dito dahil doon nila nakikitang masaya si Luis.

"Maiba nga tayo, paano pala si Mahana? Alam ba niya ang tungkol sa proposal?" Pag-iiba ni Kenneth sa usapan.

"Ah, oo, sinabi ko sa kanya."

"O, e anong reaksyon niya?"

"Ayon, mas excited sa'kin." Natatawang usal ni Luis.

"Ang weird." Komento ni Rhaiven habang salubong ang mga kilay nito.

"Paanong weird?" Tanong ni Luis.

"Yong reaksyon niya, sobrang weird. Really? Mas excited siya sayo? Hindi ba dapat magalit siya o something?"

"Magalit? Pre, she doesnt have the right para magalit."

"Tsk! Ang manhid mo naman."

"What do you mean by that, Rhai?"

"The last time I check, may gusto si Hana sayo."

"Meron, pero nong highschool pa tayo yon, pre"

"Really?"

"Yap, nakapag-usap na kami tungkol sa bagay na yan. Nasettle na yan."

"At hindi mo manlang inalam yong totoong nararamdaman niya?" Komento naman ni Chris.

"Bakit pa? We're just friends, kung tutuusin, siya pa ang nagpush sa'kin para gawin lahat upang mapasagot na si Misty."

"Kahit saang anggulo natin tignan, Luwi, asawa mo pa rin si Mahana. Kasal kayo, legal yon. Sana manlang isinantabi mo muna yan hanggat hindi pa naaayos yong problema nyo. Im not against to Misty but sana iniayon mo sa sitwasyon." Seryosong tugon ni Chris.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon