Chapter 55: Wedding Anniversary

138 2 0
                                    

"Kakaibang trip 'to, Luis, BADTRIP!"

Halos ayaw ihakbang ni Mahana ang kanyang mga paa papasok ng mamahaling restaurant na pinareserve ni Luis upang doon ganapin ang engrandeng surpresa niya para sa wedding anniversary nila ni Mahana. Hindi naman na nila dapat icelebrate iyon dahil hindi bigdeal sa kanilang dalawa pero gusto ni Luis na may kaunting pagdiriwang pa din na magaganap sa espesyal na araw na iyon sa kanila bilang mag-asawa.

"Haha! Nandito ka naman na e. Just enjoy the moment with me." Ipinaghila niya ng upuan si Mahana saka ngitian ito na sinenyasan na maupo roon.

Nagpapadyak pa si Mahana sa inis na parang bata at napakamot ng bahagya sa kanyang ulo bago tuluyang tinugon ang gusto ni Luis. Padabog siyang naupo at inayos ang kanyang sarili. Pagkaupo niya ay dali-dali namang pumunta si Luis sa kanyang pwesto.

Pagkaupo pa lamang ni Luis ay isa-isa nang nagsilapit ang mga waiter upang ihain ang mga nagsasarapang pagkain sa kanilang lamesa na sa gitna nito ay may kandila pa't mga ilang petals ng roses na nakadagdag ng romantik kasabay ng pag-ingay ng paligid na dulot ng romantikong kanta.

"Thank you."

Tanging ngiti ang naisagot ni Luis sa waiter na nag-abalang i-serve ang mga pagkain sa kanilang mesa. Samantala, halos maluwa ang mga mata ni Mahana sa gulat sa dami ng lagkain na nakahain sa mesa. Pinagkunutan niya ng noo ang lalaking nasa tapat niya na noon ay abala na sa paglalagay ng puting tela sa hita nito.

"Wala akong maalala na special occasion para magcelebrate tayo ng ganito kabongga." Bitter na usal na usal ni Mahana saka inilinga ang tingin sa buong paligid. Talaga nga namang romantiko at bongga ang gabi na iyon dala ng mga palamuti at musika na nagbigay buhay sa rooftop date night.

Mahinang natawa si Luis nang pasadahan niya ng tingin si Mahana na wala pa rin ideya kung ano ang okasyon na sineselebreyt nila nong gabi na iyon. Mukhang si Luis lang ang nakaalala sa wedding anniversary nila.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Singhal ni Mahana saka inirapan ang lalaki.

"Wala, ang cute mo lang."

Pinagtaasan siya ng kilay ni Mahana saka malalang minura ng malutong. "Mama mo cute!"

Napailing-iling na lamang si Luis habang may ngisi sa kanyang labi. "Hindi mo talaga alam kung anong mayron ngayong araw para icelebrate?"

"Magtatanong ba 'ko kung alam ko?" Supladang usal ni Mahana na napakamot sa kaniyang ulo dahil sa pagiging makulit ni Luis.

"Really? It was our firstime tapos hindi mo maalala?"

"Firstime? Pinagsasabi mo?" Naguguluhang singhal nito. Iba na ang naiisip niya sa pinagsasabi ng lalaki kaya naman bahagya siyang napasandal sa kaniyang kinauupuan.

"Aguy! Ang OA mo!" Pinagtawanan siya ng lalaki dahil nabasa niya kung ano ang nasa isip nito. "Today is our first wedding anniversary, how can you forget that?"

Halos mamilog ang mga mata ni Mahana matapos malaman kung ano ang cinecelebrate nila nong araw na 'yon. At mas nagulat siya sa ginawa ni Luis dahil ipinagdiwang niya ang wedding anniversary nila na kasama siya. Hindi niya halos inaasahan na maiisipan pang magcelebrate ng lalaki sa kabila ng kinakaharapam nilang problema sa relasyon nila.

Napatitig siya ng matagal sa lalaki na noon ay nagsisimula nang ipaghain siya ng pagkain sa kaniyang plato. Nakikita niya sa mga mata nito ang saya kahit pa man hindi sila 'yong normal na mag-asawa. Walang ano-ano ay nahuli siya ni Luis na nakatitig sa kaniya kaya naman kaagad siyang napaiwas ng tingin.

"Hindi naman natin kailangang magcelebrate ng ganito e. Una sa lahat, hindi naman tayo kagaya ng normal na mag-asawa. Sa papel lang tayo masasabing mag-asawa." Depensa ni Mahana saka pasimpleng sinimulan na ang kumain para doon ibaling ang kaniyang atensyon.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon