"Why don't you tell him the truth nalang instead nagdadahilan ka pa sa kanya. Baka imbes na gustuhin ka non e maturn-off pa dahil diyan sa pagsisinungaling mo."
Wala na akong ibang natanggap mula sa mga kaibigan ko kundi panenermon. Sila ang takbuhan ko kapag may problema ako dahil sila ang alam kong makakatulong sa akin. Akala ko magiging madali ang lahat sa akin kapag napapayag ko si Mahana na magpanggap bilang asawa ko pero hindi pala. Unti-unti niyang binabahiran ng kamalasan ang mga bagay na kinaiingatan ko.
"She's going to understand me, bro, kilala ko si Misty." Sabi ko na lang para gumaan ang nangangabang pakiramdam ko.
"E ano ba kasi ang napag-usapan nila ni Mahana?" Tanong ni Rhaiven na nakahilata sa pang-isahang sofa. Narito kami sa condo ni Chris dahil tinulungan namin siyang planuhin iyong proposal niya kay Jaime sa susunod na buwan.
"Ayaw sabihin ni Mahana sa akin. Tangina non! Pahamak talaga. Ganon na ganon siya nong highschool tayo e. Nakakairita."
Naalala ko na naman ang hindi na mabilang na kalokohan ni Mahana sa akin nong highschool kami. Mula sa pagpapadala ng mga sulat, pagpapapansin sa classroom kapag vacant namin, kapag school fair na suki ng wedding booth tapos pinapahuli ako sa mga tropa niya para kunwari ay ikakasal kami. Mula nong araw na wala siyang ginawa kundi gumawa ng mga kalokohan upang mapansin ko siya, doon na ako nakaramdam ng pagkairita dahil hindi siya nakakatuwa. What for pa kaya ngayon na totoong kasal na kami?
"Kabahan ka talaga kapag sa Lola mo ay siraan ka rin niya. Baka nga ibuking niya sa Lola mo na nagpapakitang tao lang kayo kapag kasama niyo siya dahil uhaw na uhaw ka sa reward na ibibigay niya sa'yo." Suhestiyon ni Chris na sinang-ayunan ng dalawa.
Iniisip ko na rin iyon, madaling makuha ni Mahana ang tiwala ng pamilya ko at kung sa anong paraan ay hindi ko na alam. Magaling siyang mag approach ng tao kaya siguro hindi siya nahihirapan. May pagkatabas ang dila niya kaya natatakot ako na baka masabi niya kay Lola na nagpapanggap kami.
"Tsk! Subukan niya lang talaga. Nakasalalay sa'kin 'yong pagpunta niya sa ibang bansa. Pwes, kung gagawa siya ng mali, ba't ako magpapatalo di ba? Gantihan lang kung yon ang gusto niya."
Alam ko ang kahinaan ni Mahana, alam ko na gagawin niya lahat para sa mga bagay na gusto niya. Napapayag ko siya dahil kating-kati siyang umalis ng bansa ng hindi ko alam ang dahilan.
"Nga pala, Kenneth, anong balita kay Jade? Natunton na ba nila kung saan siya nagtatago?" Pag-iiba ko sa usapan nang makuha ng tingin ko si Kenneth na naroon sa gilid, hawak nito ang kanyang selpon na napapangiti pa.
"Wala pa, matinik ang isang 'yon pre, mukhang alam niya na hinahanap mo siya kaya naghanap ng mas tago na lungga." Sagot nito.
"E about sa pag-alis ni Mahana, alam mo na ang dahilan? May nakuha ka na bang impormasyon tungkol don?" Tanong ko ulit.
"Masyado siyang pribado kaya nahihirapan ako." Sagot nito kaya napatango na lang ako. "Bakit kaya hindi mo na lang siya tanungin kaysa mahirapan pa ako sa paghahanap ng detalye. Tutal naman nasa iisang bahay kayo nakatira e."
"Tsk! Assumera ang isang 'yon, baka mamaya isipin non nagkakainteres ako sa kanya. Kilala niyo ang ugali non, talon agad sa konklusyon." Iritableng tugon ko habang nilalaro-laro iyong rubucs cube sa kamay ko. "Nakakainis nga siya e. Gusto palagi siya ang masusunod. Partida, pati sa agawan don sa kama, ayaw magpatalo e."
Natawa silang tatlo sa kinuwento ko about sa nangyari last night. Sinabi ni Rhaiven na imbes na mag-away kami ay bakit hindi nalang kami tabi sa kama. Ako naman na naiirita sa kanya ay ayoko. Baka hindi ako dalawin ng antok kapag siya ang katabi ko. Baka nga imbes na masarap ang tulog ko ay bangungutin pa ako.
BINABASA MO ANG
Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy
Teen FictionIsang malaking bangungot ang pagdating ng isang marriage contract kay Luis na babago sa kanyang buhay. Matatali siya sa babaeng kinaiinisan niya ng sobra at kailanman hindi niya hiniling na maging asawa. At para makuha ang inaasam nitong mana, nakiu...