Chapter 19: Truth Or Lie?

101 2 0
                                    

"Fuck! No way!"

Napabalikwas ako ng bangon nang pagkamulat ko ng aking mga mata ay bumungad sa akin si Mahana na nakayakap sa hubad kong katawan, habang siya ay tanging iyong puting kumot lamang ang nakabalot sa kanyang katawan.

Walang kahirap-hirap ko na inalis iyong pagkakayakap ng kanyang braso sa katawan ko. Konti nalang din ay itulak ko siya palayo sa akin dahil sa sobrang galit ko. Kahit na anong pwersa ang ginawa ko para mailayo siya sa tabi ko ay hindi pa rin ito nagising. Tulog mantika ang babae. Psh!

Mag alas otso na ng umaga pagkakita ko sa wall clock na narito sa kwarto ko. Nagkalat sa sahig ang mga damit namin. May ilan na roon sa sofa at may kung ano ang pumasok sa utak ko, sumagi sa utak ko na may ginawa kami sa sofa kagabi kaya naroon ang mga damit namin. Napailing ako. Nakakadiri.

Sa sobrang pagkataranta ay kaagad kong pinulot iyong damit ko't dali-daling pumaroon sa banyo upang balutin ang katawan ko.

"Shit! No! This can't be real! No!" Napahilamos ako sa aking mukha, binasa ko ang mukha ko ng tubig para magising ang buong diwa ko. Hindi ko inaasahan na gigising ako na ganon ang bubungad sa akin.

Inalala ko ang bawat sandali kagabi, oo, naaalala ko lahat mula sa paghihintay ko sa kanya don sa labas ng bahay hanggang sa panglilinis ko sa kanyang katawan. Ultimo pangmamanyak nito sa akin ay sariwang-sariwa sa utak ko pero iyong mga sumunod na nangyari ay hindi.

"Shit! Did we....No!" Pangungumbinsi ko sa sarili ko dahil hindi ako sang-ayon sa iniisip ko na posibilidad na may nangyari sa aming dalawa ni Mahana kagabi kaya ganoon ang postura namin kinaumagahan.

"No! No! No!"

Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba at takot na baka magkatotoo ang hinala ko na may nangyari sa amin kinagabihan. Kumakabog ng mabilis ang pitil ng aking puso at kahit na anong pangpapakalma ang gawin ko sa sarili ko ay hindi naging epektibo lalo na at sumagi sa isip ko na if ever may nangyari man sa amin ay hindi manlang ako nakagamit ng proteksyon.

"Tok! Tok! Tok!"

Nagulat ako sa sunod-sunod na pagkatok sa may pintuan ng banyo kung saan ako naroroon. Wala naman ibang tao ang inaasahan ko na kakatok roon kundi si Mahana lang. Shit! Gising na siya. May napansin kaya siya? Napansin niya kaya ang mga damit niya sa sahig? Napansin niya kayang nakatapis lang siya ng puting kumot?

"Luis, matagal ka pa ba dyan? Naiihi na 'ko." Kumatok ulit siya ng dalawang beses at nataranta ako kaya naman tinuloy ko na ang binabalak kong pagligo kanina.

-

"Masarap ba?"

Muntik akong mabilaukan sa sinabing iyon ni Mahana habang nasa hapag-kainan kami kasalo si Lola. Normal lang naman iyong sinabi niya pero parang may sariling diwa ang utak ko at may ibang ibig-sabihin ang sinabi niyang iyon.

Nagluto siya ng adobo para sa tanghalian namin. Sa sobrang pag-oovethink, hindi ko namalayan ang oras. Ni hindi ako nakapagbreakfast, naging breakfast ko na ang pag-aalala lalo na't nakita ko na normal lang ang bawat kilos ni Mahana na animoy wala siyang maalala sa mga nangyari kagabi.

"O-oo, masarap naman." Sagot ko nalang kahit konti lang iyong isinubo ko. Gutom ang diwa ko pero presensya pa lamang ni Mahana na nakakaoverthink ay busog na ako.

"Apo, are you okay?" Tanong ni Lola, napansin yata nito ang pagiging aligaga ko at wala sa wisyo.

Tinignan ko sya at tinangunaan na lamang. "Puyat lang, La."

Napansin ko ang kakaibang ngisi ng Lola ko. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa amin ni Mahana. Tinignan ko si Mahana at nahuli ko na nakangiti ito. Shit!

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon