Chapter 47: Option

72 3 0
                                    

"Bakit ba hindi mo maramdaman na mahal kita, Luis?"

Patuloy na umaagos ang luha ni Hana sa kanyang pisngi sa mga oras na iyon habang sinusubukan naipahayag ang tunay nitong nararamdaman para kay Luis.

Napangaga si Luis sa gulat, hindi niya inaasahan na maririnig niya ang salita na iyon mula kay Mahana. Hindi siya naging handa. Mas lalong hindi niya inaasahan na sa kabila ng lahat ay may pagmamahal pa rin na natira sa kanya ang babae.

Hindi siya nakapagsalita habang nakatitig sa mukha ni Mahana. Sa sobrang gulat ay hindi na niya alam ang nararapat niyang sabihin. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng sarili niyang katinuan.

"Potangina naman, Luis, inulit mo na namang ipinaramdam 'yong sakit na binigay mo sa'kin nong highschool tayo. Ako naman 'yong palaging nandito pero bakit siya pa rin 'yong hinahanap-hanap mo?" Humahagulgol na sambit ni Mahana. Sobra siyang nasasaktan nong mga oras na iyon sa kadahilanang mas mahal pa rin ni Luis si Misty.

"Si Misty, kahit hindi mo nakikita, mahal mo pa rin. Si Misty, kahit hindi mo nakakasama, mahal mo pa rin. Si Misty, kahit sobrang layo sa'yo, nababaliw ka pa rin. Kahit anong gawin ni Misty, siya pa rin. Samantalang ako na ginawa lahat para sa'yo, bakit hindi mo manlang kayang piliin, Luis?"

Kasabay ng patuloy na pag-agos ng mga luha ni Mahana ay siya rin na patuloy na naguguluhan ang puso't isip ni Luis. Kahit sinasampal na sa kanya ng reyalidad na mahal siya ni Mahana, hindi pa rin niya kayang paniwalaan iyon.

"Ha-hana, hu-huwag mo naman akong pagtripan oh." Sinusubukang hulihin ni Luis kung pinaglalaruan lamang siya ng babae.

"Tangina!" Mapaklang natawa si Mahana. "Manhid ka ba talaga o sadyang tanga ka? Luis, hanggang kailan ba 'ko magiging uhaw sa atensyon mo? Alam mo ba kung gaano kasakit sa'kin na binabalewala mo nalang ako ngayon? Hindi ka naman ganyan kung hindi dahil sa kanya 'di ba?" Pagtutukoy ni Mahana kay Misty.

"Hana, itigil mo 'to, hindi 'to nakakatuwa."

"Ako ang sumalo sa mga panahong wala sya sa tabi  mo. Ako ang nakinig sa mga problema mo. Ako 'yong nandito kapag nahihirapan ka. Pero...pero bakit hindi ko manlang nalagpasan si Misty sa puso mo?"

Napailing-iling si Luis. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ni Mahana sa kanya. Mas nanaig ang inis sa kanya.

"Kahit kailan hindi mo siya mapapantayan, Hana!"

Natigilan si Mahana kasabay non ang pagbagsak ng kanyang luha. Sinampal siya ng reyalidad na hindi siya gusto ni Luis, na hindi sila parehas ng nararamdaman. Sobrang sakit yon sa kanya to the point na wala siyang magawa kundi ang mapahikbi nalang ng malala.

"Tangina!" Napailing-iling si Luis saka napahilamos sa kanyang mukha gamit ang palad nito pagkatapos ay muling hinarap si Mahana. "Alam mo kung gaano ko hinintay ng matagal na mangyari lahat ng 'to, Hana. Alam mo na sa una palang may inaantay ako at si Misty 'yon. I waited this for almost five years, Hana. Ayokong..ayokong sayangin. You know how much I love her kaya ginagawa ko na lahat para mapasa'kin siya." Paliwanag ni Luis.

Sinusubukan niyang ipaintindi kay Mahana ang kanyang nararamdaman. Gusto niya na sa kabila ng lahat ay suportahan siya ng babae kahit ang kapalit nito ay ang kanilang magandang samahan.

"Paano naman ako?"

"Anong paano ka?" Naguguluhang tanong ni Luis. "Hana, wala tayong relasyon. Hindi tayo magkasintahan o mag-asawa. Yes, we're married pero sa papel lang 'yon at hindi sa totoong buhay."

"E ano 'yong mga pinakita mo sa'kin non sa probinsiya? 'Yong mga kasweetan mo sa'kin, 'yong pag-aalala mo, 'yong word of assurance mo, anong ibig-sabihin ng mga 'yon, Luis?" Naghahanap ng kasagutan na si Hana.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon