"Kung ako sa'yo, 'di ko na itutuloy 'yong annulment. Mas pipiliin ko nalang na ayusin 'yong relasyon naming mag-asawa dahil baka sakaling may chance pa." Komento ni Kenneth na naging dahilan para mapasulyap sa kanya si Luis na noon ay nakatulala lang sa kawalan.
Napailing si Luis saka ibinaba sa center table iyong bote ng alak na kanyang iniinom. "Tangina! Katatapos lang ng heartbreak ko sasabihin mo 'yan sa'kin?" Iritableng tugon ni Luis.
Bahagyang natawa si Kenneth saka pinunasan ang gilid ng kanyang labi gamit ang likod ng kanyang palad. "Langya! Kahit umiyak ka ng dugo 'dyan, maglaklak ng araw buong araw, at lumuhod sa pagmamakaawa, hindi ka na non babalikan. Wala na e, tinapos na niya. Siya pa nga ang nagtutulak sa'yo na huwag ituloy 'yong annulment niyo ni Mahana e. Doon pa lang, dapat ramdam mo ng ayaw na ni Misty sa'yo."
"Tsk! Sinabi niyang mahal niya ako tapos ngayon, pinagtutulakan niya ako kay Mahana. Tangina! Siya ang mahal ko e. Siya ang gusto kong pakasalan. Siya ang gusto kong makasama habang buhay. Siya ang gusto kong kasama na bubuo ng isang masayang pamilya. Hindi naman ako tamad sumunod pero, tangina, ang pangit niya mag-utos." Paglalabas ni Luis ng kanyang saloobin sa nangyaring pag-uusap nila ni Misty.
Kahit nilalamon na siya ng kalasingan, alam niya pa rin ang kanyang mga sinasabi. At sa bawat paglagok niya ng alak ay naiisip niya kung paano iniutos ni Misty sa kanyang huwag ituloy iyong annulment nila ni Mahana.
Naiirita siya na may halong sakit. Naiirita siya dahil sa gustong mangyari ni Misty na iurong iyong annulment at nakakaramdam siya ng sakit dahil sa ilang taon niyang pag-aantay kay Misty ay napunta lang lahat sa nawala. Wala siyang napala.
"Pre," umakbay sa kanya si Kenneth. "Malakas makaramdam ang mga babae. Siguro, naramdaman ni Misty ang totoong nilalaman ng puso mo. Baka nga nasasabik ka lang sa pagkikita niyong dalawa kaya halos masiraan ka na ng ulo at gusto mo pa siyang ayain ng kasal. You know her priorities, hindi naman yata sa hindi ka niya mahal, may mga bagay lang siyang gustong iayon at ilagay sa tamang kalalagyan nito. Mahal ka niya, oo, pero hindi kagaya ng inaakala mo."
Halos maputol ang dila nina Rhaiven, Chris at Kenneth kakabigat ng advice sa kanilang kaibigan na si Luis dahil sa pagkabasted nito kay Misty. Sinubukan pa nilang kausapin si Misty pero panay reject ang inaabot nila rito. Naghabol pa si Luis ng isang linggo dahil nagbabakasakali siyang magbabago pa ang desisyon ni Misty pero wala na talaga. Umayaw na talaga ito hanggang sa nabalitaan nilang bumalik na ito ng Canada nang hindi manlang nakakapagpaalam ng maayos kay Luis.
Nakita nila kung paano nakaapekto ang pagkawala ni Misty sa kanya. Hindi ito makausap ng maayos. Laging tulala na parang tinakasan ng sariling katinuan. Hindi lumalabas ng kwarto. Hindi sumasama sa kanilang mga gala. Laging nagpapakalunod sa alak. May pagkakataon pa na isinugod nila ito sa ospital dahil tinangka nitong uminom ng iba't ibang klase ng gamot. Sugat-sugat pa ang mga braso nito't palapulsuhan dahil nagtangka pa itong maglaslas.
"Kung talagang balak mong putulin ang hininga mo, dapat itutok mo sa pulso mo 'yong blade, hindi 'yong maglalaslas ka tapos sa itaas naman na bahagi nito ang pupuntiryahin mo. Psh!"
Naalimpungatan si Luis nang marinig ang pamilyar na tingin sa kanyang left side. Pagkamulat niya ng kanyang mga mata saka ibinaling ang kanyang atensyon sa left side nito ay bumungad sa kanya si Mahana na abalang nagbabalat ng orange.
"Why are you here?" Pagtatanong nito saka maingat na bumangon saka sumandal sa headboard ng kama. Nakatitig lang siya kay Mahana na abalang nagbabalat pa rin ng prutas.
"Muntik ka ng hindi maisalba sa pagpakaoverdose mo. Mabuti nalang naisugod ka kaagad nina Lola Lucita sa ospital at kung hindi baka pinaglalamayan ka na ngayon." Ibang sagot ni Mahana saka itinapon sa malapit na trashcan iyong pinagbalatan niya ng oras.
BINABASA MO ANG
Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy
Teen FictionIsang malaking bangungot ang pagdating ng isang marriage contract kay Luis na babago sa kanyang buhay. Matatali siya sa babaeng kinaiinisan niya ng sobra at kailanman hindi niya hiniling na maging asawa. At para makuha ang inaasam nitong mana, nakiu...