Chapter 13: Regalo

93 4 0
                                    

"May alam ka ba kung bakit napasugod bigla si Lola dito?"

Hindi ko tinantanan si Mahana hanggang sa kwarto nang utusan kami ni Lola na ayusin 'yong mga gamit namin na dadalhin sa bahay niya. Kahit naman lumuhod ako sa pakikipag-usap, hindi ako pagbibigyan ni Lola. May isang salita siya na dapat sundin.

"Ba't pinagbibintangan mo 'ko? Gumising lang naman ako tapos pumaroon sa kusina para magluto sana nong makita ko siya sa sala nakaupo. Nataranta nga 'ko nong makita ko siya e." Paliwanag nito, kumuha siya ng ilang gamit sa cabinet niya kung saan nakaayos ang mga dala niyang damit dito sa condo ko.

"Shit!" Napahilot ako sa aking sentido dahil sa inis.

"Mag-impake ka na ng gamit mo, baka mamaya sumugod pa si Lola dito sa kwarto e at maabutan 'yang pag-uusok mo sa galit." Usisa niya at inilapag iyong isang maleta na paglalagyan ko ng aking mga damit and personal hygiene. Natapos na siya sa pag-iimpake at inilalagay na lang niya sa isang pouch 'yong mga skincare at makeup niya na nakadisplay sa vanity table.

"Mahana, I can't. I have an important meeting today. I need to leave."

Napatitig siya sa akin. "Edi magpaalam ka kay Lola, hwag sa'kin."

Inilagay niya sa loob ng kanyang shoulder bag 'yong pouch na pinaglagyan niya ng mga personal stuff niya. Kinuha niya din 'yong charger ng kanyang selpon at isinuksok sa kanyang bag.

Padabog akong naupo sa dulo ng kama dahil malaking problema ito ngayon. Mahihirapan ako na magpaalam may Lola dahil tiyak malilintikan ako ng ulo kapag nalaman niya ang dahilan ko. Hindi niya pwedeng malaman 'yong tungkol sa annulment namin ni Mahana.

"Couple, time is running. We need to leave na." Kumatok pa si Lola ng bahagya sa pintuan ng kwarto na kinaroroonan namin ni Mahana.

"Tangina!"

Wala akong nagawa kundi ang mag-impake na rin ng gamit ko. Tinulungan ako ni Mahan para mas madali dahil baka magalit si Lola kapag naghintay ito ng matagal. Nang makababa kami ay kaagad niyang tinawag ang mga kasama niyang bodyguards upang tulungan kami na dalhin iyong mga bagahe namin.

"Okay, let's go. Excited na 'kong makasama kayong dalawa." Natutuwang tugon ni Lola at nagpauna na siyang lumabas ng condo ko.

"Tara na." Sinenyasan pa ako ni Mahana nang mapansin niyang maiiwan na ako.

Napakamot ako sa aking ulo at nagmumura ng malutong sa isip ko. Gustong-gusto kong magpalusot pero matalino ang Lola ko. Titig ko pa nga lang ay nababasa na niyang peke lang ang mga lumalabas sa bibig ko. Shit!

"Apo, let my body guard drive your car. Dito na tayo sa service car ko sumakay para makapagkwentuhan naman tayo."

Inutusan niya ang isang body guard na kunin iyong susi ng kotse ko sa akin. At wala naman akong nagawa kundi ang mapabuga ng hangin sa inis. Ibinigay ko ang susi ng sasakyan ko saka inalalayan si Lola na makasakay, ganon rin ang ginawa ko kay Mahana.

"Grabe! Bagay na bagay talaga kayong dalawa. Napakasarap niyong panoorin." Komento ni Lola nang hindi namin alam na pinapanood niya pala kami ni Mahana.

Nasa passenger seat si Lola samantalang kami ni Mahana ay nasa likod. Alerto si Mahana na gawin ang trabaho niya, ipinulupot nito ang kanyang braso sa akin at nagpakitang tao sa harap ng Lola ko. Sa kaloob-looban ko naman ay nag-uusok ako sa galit.

"Luis, ba't parang problemado ka?"

Napansin ni Lola na hindi ako mapakali sa pagkakaupo. I really need to go at the bar para makuha 'yong kopya nong CCTV footage. Hindi pwedeng ipagpaliban 'yon lalo na at matatagalan lang lalo ang process ng annulment.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon