Chapter 46: Bukingan

110 2 1
                                    

"You're just pretending, right? All the sweet moments infront of me with Mahana is FAKE!"

Napalunok siya nang marinig ang madidiin na salitang binitawan ng kanyang Lola nang malaman nito ang buong katotohanan sa likod na pagiging mag-asawa nila ni Mahana.

"Lola, everything is pure. Ba-bakit naman kita lololohin?" Sinusubukan ni Luis na magsinungaling alang-ala sa reward na inaasam nito.

"I already know the whole truth, Luis. Huwag mo ng subukang magsinungaling." Matalim ang tingin na itinapon ng matanda sa kanya. "Mahana confess everything to me."

Doon na bumagsak ang mundo ni Luis nang tuluyan na siyang inilaglag ni Mahana. Nakaramdam siya ng galit dahil hindi sumunod si Mahana sa napag-usapan nila. Hindi niya alam kung anong dahilan ni Mahana at bigla na lamang siyang inilaglag nito.

"La, let me explain.."

"No! You don't have to. Bawat detalye, bawat pangyayari, naipaliwanag na ni Mahana sa'kin. I just want you to be honest with me, Luis."

"I-i'm sorry, Lola.." napayuko si Luis sa sobrang guilt na kanyang nararamdaman. "Yes, Mahana and I are just pretending para makuha yong reward na inaasam ko mula sayo. Damn that reward! Hindi mo ko masisisi, La, it was my biggest dream dahilan para maisip kong gumawa ng pagkamamali. Alam ko na may isa kang salita. I hired Mahana to pretend as my wife kahit alam ko na ayaw niya. I did everything para mapapayag ko siya. Kinuha ko yong passport nya kaya wala siyang nagawa."

"At talagang pumasok ang mga yon sa utak mo para lang sa reward na ibibigay ko? What the hell, Luis."

"La, it was my biggest dream. I know you already prepared my reward which is my dream restaurant. I force to fake everything just to get that. Please.."

"At sa tingin mo, ibibigay ko yon sa'yo after what you did? Hell no!"

Akmang lalayasan siya ng matanda noong mabilis na hinawakan ni Luis ang braso ng kanyang lola upang subukan na kumbinsihin ito na baguhin ang buo niyang desisyon.

"Lola, please..."

Nagkatitigan silang dalawa ng matanda. Makikita sa mata ng matanda ang sobrang pagkabigo. Kahit paborito niyang apo si Luis, hindi niya matatanggap ang pagkakamaling ginawa nito.

Padabog na binawi ng matanda ang kanyang kamay habang nakatitig pa rin ng matalim sa kanyang apo.

"Do you want to get the reward, huh? Pwes, ayusin mo ang relasyon niyo ni Mahana. Papalampasin ko itong  kalokohan mo, Luis, at ibibigay ko ang restaurant na 'yon sa'yo once napatunayan mo sa akin na bukal sa puso mo at tunay ang pagmamahal mo sa asawa mo." Pagbibigay  kondisyon ng matanda.

"What do you mean, Lola?" Naguguluhang tanong ni Luis. Hindi niya makuha ang nais na pinupunto ng matanda.

"Totohanin mo ang pagiging mag-asawa niyo ni Mahana."

Napailing-iling si Luis sa gulat. Hindi siya sang-ayon sa gustong mangyari ng kanyang lola dahil una sa lahat, hindi naman niya totoong mahal si Mahana. Si Misty ang nilalaman ng kanyang puso, ito ang gusto niyang maging asawa hindi si Mahana.

"You're must be kidding me, Lola. No. I'm not going to do that. Never."

"For the sake of your reward, hindi mo gagawin? Really?"

"Alam ko na sagrado ang kasal para sa inyo pero hindi ko matatanggap na si Mahana ang magiging asawa ko ng totoo."

"Pwes, sino? Si Misty? Huh?"

Namilog ang mata ni Luis sa gulat nang mapagtanto niyang ultimo ang pagtatago nila ni Misty ay alam na rin ng kanyang Lola. Wala na siyang takas kung tutuusin. Naisiwalat na lahat ng kanyang sikreto at alam niyang gagawan iyon lahat ni Mahana.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon