Chapter 54: Bumabawi

91 2 0
                                    

"Pamine mga bhie, bra, cup B size thirty two. Bagay 'to sa mga malalaki ang dyoga. Pamine na, bilis." Pang-aakit ni Luis sa mga viewers nila sa kanilang live selling ng mga produkto ni Mahana.

Nakatanggap siya ng malakas na hampas mula kay Mahana na nakaupo sa likod nito. Natawa si Mahana pero mas nanaig ang kanyang inis sa mga sinabi ni Luis.

"Ang baboy mo talaga. Ayusin mo naman." Suway ng babae sa kanya sabay pinagdilatan siya ng mata.

"Bakit? Anong baboy don? E sa bra 'tong binebenta ko e. Maaakit ko ba sila kung sasabihin kong bagay 'to sa flat chested? Hindi naman, 'di ba?" Depensa ni Luis habang hawak-hawak iyong bra na kanyang binebenta.

"Oo nga pero ifilter mo naman 'yang sasabihin mo. Ma-ban pa 'yong account ko sa'yo e." Napakamot si Mahana sa kanyang ulo.

"Tsk! Ikaw na nga 'tong tinutulungan." Bulong ni Luis saka humarap ulit sa selpon upang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.

"Anong sabi mo?"

"Wala, sabi ko, icheck mo na baka may nagmine na." Palusot nito. "Okay, next item na tayo mga bhie, bra ulit pero size, teka.." tinignan niya ang size ng bra na iyon. "-cup A size twenty-five mga bhie, mine niyo na for only one hundred thirty-nine pesos." Chineck ni Luis kung may nagcomment ng mine sa kanyang mga binebenta. "Pogi, bentahan mo naman ako ng bra ng kasing laki ng mga nahawakan mo ng dyoga. Okay. Noted." Kumuha siya ng isang bra na naaayon sa nabasa nitong comment. "Eto na madam, baby bra, kagaya ng request mo, mine mo na."

"Hoy! Hahaha!" Natatawang sinita ni Mahana si Luis dahil sa kalokohan nito.

"Bakit? Sabi niya bentahan ko ng bra na kasing laki ng mga nahawakan ko ng dyoga. E eto na oh." Itinaas pa nito ang hawak nitong baby bra.

"Huwag kang delulu dyan, ayusin mo."

"Nakaayos naman ako e. Sila ang sisihin mo." Nakaduro pa ito sa selpon. "Mga bhie, hinay-hinay sa pag comment ng mga greeny baka maban 'tong account ng Misis ko." Paalala ni Luis sa mga viewers. "Maam Guada, I'm not available po, focus po tayo sa bra at panty na binebenta ko, huwag sa'kin."

"Psh! Feelingera." Usal ni Mahana dahil alam niyang gawa-gawa lamang iyon ni Luis.

"Totoo kaya, icheck mo. Binibili nila ako ng mga suki mo oh." Depensa ni Luis. "Mga bhie, behave tayo, galit na ang misis ko dito. Ayoko ng away kaya behave po tayo." Natatawang usal ni Luis habang binabalandra iyong bra na binebenta niya.

Nakatanggap ulit siya ng hampas mula kay Mahana na pigil na pigil nito ang kilig. Napailing na lamang siya habang binabantayan iyong live selling nila. Si Luis ang nakatoka sa mga item na kanilang ibebenta habang siya ay tagacheck ng mga nagmimine sa live selling. Kahit papaano, nakakaramdam ng tuwa si Mahana dahil tinutulungan siya ni Luis sa pagbebenta. Mukhang effective ang marketing strategy niya na gamitin si Luis dahil malakas ang benta niya. Kaliwa't kanan ang nagmimine sa mga pinapakitang item ni Luis sa camera.

"Ayan, ubos na ang paninda mo. Siguro naman, sasabay ka ng kumain sa'kin ngayon." Habol na hiningang usal ni Luis matapos iend ang live dahil ubos na ang paninda nila. "Jusko! Nakakapagod. Whoa!" Napasandal na lamang ito sa malambot na sofa habang nagsisiunahang magsilaglagan ang mga butil ng pawis sa noo nito.  Abala naman si Mahana na inaayos iyong mga order ng bawat costumer nila na nagmine para maideliber na rin iyon kinabukasan.

"Parang naglive selling lang, napagod ka na?"

"Wow! Lang? Nila-lang mo 'yong halos isang oras kong pagtatawag ng costumer na bibili ng mga paninda mo? Halos maputol na ang dila ko kakasalita dito. Ni hiya ko nilunok ko para lang makabenta tayo. Ako lang ang tigasin na nakilala mong nagtawag ng costumer para makabenta ng bra at panty." Depensa ni Luis na halos tumalsik pa ang laway nito sa mukha ni Mahana.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon