Chapter 42: Ang Pagbabalik

89 1 0
                                    

"Kahit na anong mangyari, huwag na huwag kang mananakit ng babae, Luis."

Napaarko pataas ang kilay ni Luis matapos marinig iyon mula kay Kenneth. Nasa sala silang dalawa, minabuti nila na sila lang ang mag-usap. Magkaharap silang dalawa at hindi maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ni Luis.

"Kenneth, nagpapatawa ka ba? Nakakalimutan mo yata kung ano tayo e. Pre, playboy tayo, malamang nananakit tayo ng babae." Patawa-tawang sambit ni Luis.

"Hindi yon ang ibig kong sabibin." Seryosong tugon ni Kenneth. Nawala ang ngiti sa labi ni Luis dahil sa seryosong mukha ng kanyang kaibigan. "Luis, pisikal na pananakit ang tinutukoy ko."

"What do you mean by that, Ken?"

Napabuntong-hininga ng malalim si Kenneth. "Pre,  babae yong suspek ng pekeng kasal niyo."

Namilog ang mata ni Luis sa gulat. "What?"

"Nakakagulat man pero yon ang totoo." Saad ni Kenneth. "Sinubukan naming gawan ng paraan ni Chris yong cctv footage. Hindi siya ganon kalinaw pero, pre, babae yong nakita namin."

"Paanong..."

"Yong tungkol kay Jade, pre, sobrang linis nilang magtrabaho, ni bakas ng finger print nila, hindi matrace ng mga pulis. Sobrang linis nilang magtrabaho to the point na kahit na sinong magaling na pulis ay hindi sila mabibisto. Yong case ng pagkamatay ni Mayor Queja, parehong-pareho kay Jade. Praktisado ang mga nakabangga mo, Luis. Ni buhay kaya nilang kitilin para lang hindi sila mabisto." Paliwanag ni Kenneth, sobra itong kinakain ng takot na baka isa sa kanila ay isunod ng mga masasamang tao na yon.

"Sino naman ang gagawa non sa'kin?"

"Yon nga din ang tanong ko e, sa dami ng nakafling mong babae, hindi na natin alam kung sino sa kanila ang naghihiganti sayo."

Sumeryoso ang awra ni Luis nang bahagya siyang makaramdam ng kaba at hinala. Sinubukan niyang tignan ang bawat sulok ng mukha ni Kenneth kung pinagloloko siya nito pero hindi, seryoso nga ito. "Ken, sinulatan ako ni Jade nong nakaraan. Ang sabi niya don sa sulat mag-ingat daw  ako kasi hindi lahat ng nakapaligid sa akin ay totoong kakampi ko. Naalala mo  din nong tumawag siya sakin? Ganon na ganon din ang sabi niya sa'kin. Kilalang-kilala niya kung sino yong traydor sa paligid ko. Alam kong gustong-gusto nyang sabihin pero natatakot siya."

Humakbang palapit si Kenneth kay Luis saka pabulong na nagsalita. "I'm sorry to say this, Luwi, pero duda ako sa mga taong kasama mo dito."

Napamura ng malutong si Luis. Datapwat siyang napalinga sa paligid dahil natatakot siyang baka narinig nina Mahana ang sinabi ni Kenneth.

"Hindi nila kayang gawin yon sa'kin, Ken." Napailing-iling si Luis. Sa tono nito ay pinapangatawan niya ang kanyang sinabi dahil ramdam niyang walang kinamalan sina Mahana sa pekeng kasal na iyon.

"Luwi, seryoso ako." Depensa ni Kenneth.

"Seryoso din ako, Ken." Mataas na tinig na tugon ni Luis dahilan para mapaatras si Kenneth at mapailing. "Inosente sila, malakas ang kutob ko na wala silang alam sa pekeng kasal na yon. Psh! Baka nakakalimutan mo din, biktima rin dito si Mahana, imposible na may alam siya."

Napaatras ng bahagya si Kenneth at napahilot sa kanyang ulo. "Tangina! Hindi tayo sigurado. Pwes, kung hindi si Mahana, sino? Sino sa tingin mo ang tinutukoy ni Jade? Ha? Si Misty?"

Napailing-iling si Luis "Nababaliw ka na ba, Ken? Paanong si Misty, e, nilihim ko nga to sa kanya? Ang alam nya ay nagbabakasyon lang ako dito sa probinsiya. Imposible na sya ang suspek."

Natawa ng mapakla si Kenneth. "See? Paano natin mahuhuli yong suspek kung ganyan ka? Pre, tadhana na nagdadala sayo sa katotohanan, nagbubulag-bulagan ka pa. Kung ako sa'yo, pakiramdaman mo ang paligid mo. Kahit isugal ko pa ang pagkakaibigan natin, Luis. Nasa dalawa talaga ang suspek. Nasa iyo kung papaniwalaan mo kami nina Rhaiven."

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon