Chapter 52: Pressure

86 3 3
                                    

"Hindi ba't sinabi ko na sayo na huwag mo na 'kong sunduin?"

Tanging ngisi lamang ang naisagot ni Luis sa singhal na iyon ni Mahana sa kanya. Hindi inaasahan ni Mahana na pagkabukas niya ng pinto ay mukha ni Luis ang makikita niya. Pinagtaasan niya ito ng kilay habang nakatitig sa mukha ng lalaki.

Walang pasabi na pumasok sa loob si Luis saka tahimik na naupo sa sofa ng apartment ni Mahana. Pinanood lamang siya ng babae habang nakapameywang. Papalayasin sana niya ang lalaki kaso sobrang ganda na ng upo nito sa may sofa.

"Tapos ka na bang mag-ayos?" Pagtatanong ni Luis na animoy nagkaamnesia sa mga nangyari. "If hindi pa, okay lang. I'm willing to wait." Kumuha siya ng magazine sa kaharap nitong center table.

Pinanood ni Mahana kung paano umayos ng upo ang lalaki. Nanatili pa rin na nakakunot ang kanyang noo dahil sa presensya nito. Iyong excitement niya sa birthday party ni Lola Lucita ay para bang nalusaw.

"Pwede ba, huwag mo na 'kong hintayin. Mauna ka na. Magtataxi nalang ako papunta don." Pagsusungit ni Mahana saka niya kinuha iyong higu heel na susuotin niya na naroon sa tabi ng pintuan.

"Mga ilang oras ka pa mag-aayos? Kahit tagalan mo, ayos lang, hindi naman ako nagmamadali." Pang-iiwas ni Luis sa usapan.

Lalong nakaramdam ng inis si Mahana dahil sa pang-iiwas na ginagawa nito. Napabuntong-hininga siya ng malalim habang matalim ang tingin na itinapon niya sa lalaki na animoy hindi nararamdaman ang kanyang pagkabadtrip.

"Psh! Huwag ka ngang plastik, Luis. Panigurado, binigyan ka ng kondisyon ng Lola mo kaya ka narito. Kung ginagawa mo 'to para makuha 'yong restaurant, please, itigil mo nalang. Pagod na 'ko. Wala na akong panahon para sa mga kalokohan mo."

Matagal silang nagkatitigan. Napangiwi na lamang si Luis saka tahimik na umalis sa pagkakaupo mula sa sofa at walang kahirap-hirap siyang lumapit sa gawi ni Mahana. Sa takot ni Mahana ay napaatras siya ng tatlong beses hanggang sa maramdaman niyang pader na lamang ang naroon sa likod niya.

Napalunok si Mahana lalo na noong sobrang lagkit ng tingin na itinapon sa kanya ni Luis. Napayakap siya sa kanyang sarili pero nanatiling blangko ang mukha ng lalaki. Itutulak niya sana ito palayo sa kanya pero para bang naubusan siya ng lakas at hindi niya kayang gawin iyon.

"Luis, ano bang trip mo. Luma--"

Naramdaman ni Mahana ang mainit na hininga ni Luis sa kanyang teinga. Nararamdaman niya rin ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso nang mapansin na halos ilang dangkal nalang ang layo ng mukha ni Luis sa kanya. Isang lingon niya lamang ay magtatama na ang kanilang mga bibi.

"E paano 'yan pagod na rin ako sa lokohan. What will you do if I'm going to love you seriously now?"

Hindi nakapagsalita si  Mahana. Para siyang tinakasan ng sarili niyang katinuan matapos marinig ang mga salitang iyon mula kay Luis. Natameme siya. Napako siya sa kanyang kinatatayuan na animo'y isang estatwa.

Ngiting-aso ang nakaguhit sa labi ni Luis nang umalis na siya sa pwesto ni Mahana. Nakita niya kung paano nagulat si Mahana sa kanyang ginawa na naging dahilan upang mapatakbo na lamang ito papasok sa kanyang kwarto.

"Mahana! Huwag kang magpadala sa ngiti niya, okay? Baliw ang lalaking 'yon. Broken lang 'yon kaya malamang naghahanap lang siya ng pagkakaabalahan para makalimot. Okay? Whoa!" Tinapik-tapik pa ni Mahana ang kanyang pisngi upang magising siya sa pang-uuto na iyon ni Luis.

Sumabay na siya kay Luis papunta sa resort kung saan gaganapin ang birthday party ni Lola Lucita. Kahit makipag-away siya buong magdamag ay hindi na niya ito mapipigilan. At saka, mahirap na ang taxi sa mga oras na iyon dahil medyo gabi na rin at nakakatakot sa daan.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon