"Luis, ibalik mo sa'kin 'yong passport ko."
Sinundan niya ako ng tingin papunta sa sala ng tinitirhan niya. Iyong kutsilyo na hawak niya kanina ay ibinaba na niya dahil natatakot siyang baka masaksak niya ako ng tuluyan. Nakangisi ako na naglakad-lakad sa kabuuan ng sala at ramdam na ramdam ko sa mga tingin niya 'yong inis.
"Pumayag ka muna sa gusto ko." Kinindatan ko pa siya na lalong nagpausok sa ilong niyang galit na galit.
"Psh! Ano ako tanga? Papayag sa gusto mo nang hindi ko pag-iisipan ng mabuti? Hoy! Kunin mo na lahat sa akin, huwag lang 'yang passport ko kaya akin na."
Lumapit siya sa pwesto ko at kinapkapan ako sa buong katawan. Itinaas ko pa ng bahagya ang dalawang kamay ko para malaya siyang gawin ang gusto niya. Napakadesperada niya. Wala akong nagawa kundi ang pagtawanan siya.
"Oh, kalma, baka ibang passport makapa mo dyan." Pilyong biro ko at walang kahirap-hirap niyang kinurot ang braso ko. "Aray naman!"
Namula iyong kinurot niya sa akin kaya hinimas-himas ko ito para mabawasan yong kirot. Sinundan ko siya ng tingin na noon ay hinahalughog ang buong sala nito. Napamura siya ng malala nang maalala niya yatang wala sa kanya 'yong passport niya kundi nasa kaibigan niyang si Kayejell.
"Don ka sa kaibigan mo magalit, hindi sa akin. Tinanong ko lang kung alam niya kung nasaan passport mo, binigay na niya agad. Ang bait niya ah."
"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"'Yong nakababypink na kulay ng damit, pre, 'yon ang bestfriend niya. Nakita ko sila sa embassy kahapon, namoblema yata si Mahana sa pag-alis niya dahil sa personal problem at pinahawak muna kay Kayejell 'yong passport niya."
Nandito kami sa harapan ng inuupahang bahay nina Mahana at nasa tarangkahan si Kayejell na kaibigan nito ayon sa nakalap na impormasyon nitong si Kenneth. Nagwawalis ito sa bakuran nila.
"Sigurado ka ba dyan, Kenneth? Baka mamaya mabokya tayo ah."
"Sus! Sa akin ka pa talaga nagduda. Sige na, puntahan mo na. Gawin mo lahat ng kaya mong panglalandi diyan sa kaibigan niya para ibigay 'yong passport ni Mahana sa'yo."
Nag-antubili akong lumabas ng sasakyan ni Kenneth at umaktong normal na naglakad palapit sa babae na nagwawalis. Walang ano-ano ay nakuha ko rin agad ang kanyang atensyon. Gulat na gulat siya nang makita ako. Mukhang may ideya ito sa aksidenteng kasal namin ni Mahana.
"Lu-luis?"
"Hi! Ikaw ang kaibigan ni Mahana di ba?"
"Oo, hinahanap mo ba siya? Wala kasi siya ngayon e, nasa work pa. Kung gusto mo, hintayin mo na lang siya para---"
"No, alam kong nasa work siya." Napasinghap ako at prinaktis ng mabuti sa isip ko ang palusot na naisip ko para mauto ito. "Actually, pinapakuha niya 'yong passport niya sa akin e. Nakiusap siya na tulungan ko siya kaya nandito ako para kunin 'yon."
"Ganon ba? Naku! Salamat naman at may tutulong sa kaibigan ko. Pangarap na pangarap niyang pumunta ng Dubai e. Teka lang at kukunin ko ah.."
"Okay.."
-
"Ibalik mo sa'kin 'yon, Luis." Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Ayon sa awra niya, halatang inis na inis na siya sa akin."Kalma, ibabalik ko naman kapag pumayag ka sa gusto ko e."
"Akin na 'yon sabi!"
"Isang sagot lang ang gusto kong marinig mula sa'yo, Mahana, yes or no lang. Hmm?"
BINABASA MO ANG
Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy
Teen FictionIsang malaking bangungot ang pagdating ng isang marriage contract kay Luis na babago sa kanyang buhay. Matatali siya sa babaeng kinaiinisan niya ng sobra at kailanman hindi niya hiniling na maging asawa. At para makuha ang inaasam nitong mana, nakiu...