Chapter 32: Kasunduan

82 2 0
                                    

"Alam ba ng nag-aantay sa'yo na ikinasal ka sa'kin?"

Halos mapatalon si Mahana sa gulat nang lumitaw sa kanyang likuran ang boses na iyon ni Luis. Abala na nagkakape sa kusina si Mahana dahil hindi siya madalaw-dalaw ng antok. Lumabas din si Luis  ng kwarto upang magpahangin sana sa labas pero nakita niya si Mahana sa kusina kaya nilapitan niya ito.

"Luis naman, uso mangalabit o pumeke ng ubo hindi 'yong nanggugulat ka." Iritableng tugon ni Mahana saka mahinang hinampas ang braso ni Luis noong dumaan ito sa side niya.

"Fine! Sorry."

Hinila ni Luis ang upuan na nakatapat kay Mahana. Gusto niya itong makausap dahil ang babae naman ang dahilan kung bakit hindi siya nakakaramdam ng antok. Naupo na siya at pinagkrus ang mga braso sa dibdib nito habang diretsong nakatitig sa babae.

"Anong sadya mo dito? Bakit gising ka pa? Akala ko ba pagod ka?" Tanong ni Mahana, pagkatapos ay sumimsim sa tasa ng kape.

"Hindi ako makatulog." Sagot ni Luis.

"Gusto mo ba ipagtimpla kita ng kape?" Prisinta ni Mahana at akma sana siyang tatayo noong pigilan siya ni Luis.

"No, I'm fine." Pigil nito.

Bumalik si Mahana sa pagkakaupo saka tinitigan si Luis. Napakunot-noo siya dahil sa kakaibang paraan ng pagtitig ng lalaki sa kanya.

"Ba't ganyan ka makatitig sa'kin?" Salubong ang kilay na tanong ni Mahana.

"Ngayon ko lang kasi napagtanto na ang dami ko pa palang hindi alam tungkol sa'yo." Sagot ni Luis.

Natigilan si Mahana. Totoo iyon, sa dami ng kalokohan na ginawa niya sa lalaki ay ganoon rin kaliit ang mga impormasyon na naibahagi niya rito. Hindi naman sa madamot siya pero ayaw niya talagang magsabi sa lalaki.

"Sus! Batchmate tayo nong highschool, imposibleng wala kang nabalitaan tungkol sa'kin." Patutsada ni Mahana. "Imposible na walang nasagap na chismis yong mga kaibigan mo non about sa'kin lalong-lalo na 'yong Kenneth."

Napailing-iling si Luis. "All I know is yong pagiging warfreak mo."

Natawa si Mahana. Naalala na naman niya kung paano siya kawarfreak nong highschool. Mas madalas pa yata na makapasok siya sa principal office kaysa sa honor list noon.

"Uy! Tumino kaya ako nong naging crush kita." Pigil na kilig na sumbat niya. "-pero bumalik ako sa pagiging warfreak nong binasted mo 'ko." Kagat-labi na pagpapatuloy niya.

Pasimpleng natawa si Luis dahil naaalala niya kung paano tumino si Mahana non dahil sa kanya. May nabalitaan na siya noon na hindi na raw ito nakikipag-away, mas naging pursigido na kumbaga ito sa pag-aaral. Kung dati madalas siya sa principal office, noon hindi na dahil mas madalas na siya sa iba't ibang club na sinalihan niya. Kung gaano katino si Mahana noon, nagbago lahat nong harap-harapan niya itong sinabi na hindi siya interesado rito. Lumala ang pagiging warfreak na kulang na lang pati mga rebelde ay kaya nitong kaaway.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Pagbabalik ni Luis sa tanong niya.

"Alin?"

"Kung alam ba ng nag-aantay sa'yo na ikinasal ka sa'kin." Pag-uulit niya.

"Bakit ka interesado? Selos ka 'no?" Tumaas ang kilay ni Mahana. Nakangisi pa siya upang tuksuhin si Luis na noon ay nandidiri ang kanyang tingin.

"Nagtanong lang, selos na agad? Hindi ba pwedeng interesado lang akong malaman?" Depensa niya.

"So, bakit nga interesado ka?"

"Syempre, kasal na 'yon dapat malaman niya." Sagot ni Luis.

"Sus! Ni hindi mo nga pinaalam sa Misty mo e. Kung makapagsalita ka naman dyan."

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon