"Hoy! Gisinggg! Pasunog na ang dagat, 'di ka pa bumangon!"
Kasabay ng nakakabinging sigaw ni Mahana ay ang paghampas nito sa hawak ng takip ng kaserola at sandok sa kabila nitong kamay. Kaagad na napabalikwas ng bangon si Luis dahil sa gulat.
"What the? Itigil mo nga 'yan, ang sakit sa teinga." Singhal nito sa babae, hindi niya napigilan ang inis na nadarama kaya kinuha niya ang yakap-yakap nitong unan kanina ay kanya itong ibinato kay Mahana pero kaagad naman itong nakaiwas.
"Bumangon ka na kasi dyan. May nag-aantay sa'yo."
Nagising ang diwa ni Luis sa sinabing iyon ni Mahana na may naghihintay sa kanya. At sa labis na excitement, napabalikwas siya ng bangon sa pagkakahiga. Mas mabilis pa sa takbo ng kabayo ang ginawa niyang paglabas sa kwarto ni Mahana, doon siya pinatulog ng babae kagabi dahil ayaw niya itong katabi.
"Excited ah." Natatawang sambit ni Mahana. Sinundan niya si Luis palabas ng kwarto. Natawa nalang siya sa naging reaksyon ng lalaki.
Hindi na niya pinansin si Mahana, tinawag siya nito pero dedma lang ang kanyang ginawa. Hindi pa siya nakakapag-unat at nakakapag-alis ng muta ay lumabas na siya ng kwarto. Pagkarating niya sa may pintuan ay kaagad niyang inilinga ang tingin sa paligid upang suriin kung sino ang nag-aantay sa kanya.
"Sinong naghihintay sa'kin?" Tanong niya kaagad, sumilip pa ito sa may bintana upang tignan kung sino ang tao sa labas na nag-aantay sa kanya.
"Wala dyan, nandon." Inginuso ni Mahana ang direksyon ng likod bahay nila. Kaagad na tumakbo si Luis upang puntahan ito dahil excited siya.
Naaamoy niya na sinusundo na siya nina Kenneth o kung sino man sa kanyang mga kaibigan upang iuwi siya. Talagang hiniling niya kagabi na sana kinabukan ay may sumundo na sa kanya dahil hindi niya talaga kayang magtagal doon kasama si Mahana kahit pa man mababait ang Mamang nito at si Megan. Alam niyang batak kung gumanti si Mahana at hindi siya makakapayag na mangyari iyon sa kanya.
"Pocha! Asan?" Naiinis niyang singhal. Kagaya kanina ay wala siyang nakita ni anino ng taong naghihintay daw sa kanya.
Tumingin siya kay Mahana, nagtatakang tingin ang itinapon nito sa dalaga na noon ay nakasandal sa hamba ng pintuan, pinapanood siya na naghahanap sa wala.
"Jusko! Ang laki ng mata mo hindi mo makita." Segunda ni Mahana, sinundan niya iyon ng pagtawa dahil natawa siya sa naging reaksyon ni Luis.
"Tsk! Ni anino nga wala akong makita e. Asan ba?" Iritableng depensa nito, napagtaasan na niya ito ng boses. Kagigising niya lang pero badtrip na kaagad ang bumungad sa kanya. Ano pa nga bang aasahan niya sa babae.
"Psh! Ayon oh. Dyan sa may palanggana." Itinuro niya iyong palanggana na nasa gilid ng malaking drum. Punong-puno ito ng samut saring damit na marurumi. Sa sobrang dami noon ay halos na hindi na ito magkasya sa palanggana.
Salubong ang kilay ni Luis. "Dont tell me, paglala----"
Napahinto siya, nakuha na niya agad ang ibig-sabihin ng palanggana na itinuro ni Mahana. Iyong excitement nya kanina ay napalitan ng inis.
"Fuck! No way! Hindi nga ako pinaglalaba ni Mama e tas paglalabahin mo 'ko dito?" Singhal niya, hindi na maipinta ang inis sa kanyang mukha.
"E ano naman? Sa tanda mong 'yan, dapat marunong ka na. Hindi 'yong inaasa mo nalang sa ibang tao 'yong paglalaba ng mga damit mo 'no." Nakakrus na brasong tugon ni Mahana. Ngising ngiti ang iginawad nito na ikinainis lalo ni Luis.
"Langhiya! Mahana naman, ano ba 'tong trip mo?" Napakamot si Luis sa kanyang ulo dahil wala na siyang maramdaman sa mga oras na iyon kundi ang pagkulo ng kanyang dugo sa galit.
BINABASA MO ANG
Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy
Fiksi RemajaIsang malaking bangungot ang pagdating ng isang marriage contract kay Luis na babago sa kanyang buhay. Matatali siya sa babaeng kinaiinisan niya ng sobra at kailanman hindi niya hiniling na maging asawa. At para makuha ang inaasam nitong mana, nakiu...