Chapter 41: Unexpected Info

86 2 1
                                    

"Kung makasabi ka ng sorry  sa'kin kahapon akala mo naman may ginawa ka sa'kin na ikakaguho ng mundo ko. Yon pala nagsosorry ka sa mga pagpapahirap na ginawa mo sa'kin lately. Aba! Kahit papaano, deserve ko yong sorry mo."

Natawa silang dalawa dahil sa nangyari kagabi na paghingi ni Mahana ng sorry. Inamin ni Luis na nakaramdam siya ng kakaiba nong binitawan ni Mahana ang salitang iyon. Kaya naman pinagtawanan siya ng malala ni Mahana.

"Sira! Tungkol man yon pagpapahirap ko sayo o hindi, parehas pa din na gumuho ang mundo mo." Depensa ni Mahana. "Tsaka, para kang natatae sa sobrang kaba mo kagabi." Nagpakawala pa siya ng tawa.

"Aba! Malamang, sinong 'di kakabahan sa eksena natin kagabi. Hello! Umiiyak ka kaya, sa tingin mo anong iisipin ko nong mga oras na yon, aber?" Patutsada ni Luis at talaga pinangatawan niyang kinabahan siya ng malala sa pagtutuos nila ni Mahana.

"Kakainom mo yan ng kape, uy!" Usal ni Mahana kaya nakatanggap siya ng pisil sa pisngi mula kay Luis. "Nga pala, magbihis ka, lalabas tayo." Kumindat pa ng bahagya ang babae.

Napakunot-noo si Luis na tinitigan ang babae. Wala siyang ideya kung saan sila pupunta. "Ow, saan mo naman ako dadalhin?"

"Secret!"  Ngiting aso na usal ni Mahana.

Nakaramdam bigla ng kaba si Luis sa mga ngiti na iyon ni Mahana. "Hoy! Duda ako sayo ah. Iba yang ngiti mo ah, nakakakaba." Nakadurong saad niya.

"Eto naman, napakaOA." Singhal ni Mahana na patawa-tawa pa. "Magtiwala ka lang sa'kin, sagot kita."

"Naku! Hana, pag ako namatay dyan sa kalokohan mo, sinasabi ko sayo, magbabayad ka ng milyon sa mga magulang ko."

Natawa si Mahana sa pagiging OA ni Luis. Kagabi niya pa pinag-iisipan ng mabuti yong magiging lakad nila. Nais niya lang makabawi sa lalaki sa naging effort nito sa kanyang birthday.

"Kahit isang bilyon pa yan."

"Ang angas ah." Napailing-iling si Luis saka natawa.

"Ayaw mo non, magdadate tayo?" Matamis na usal ni Mahana.

Pigil ang ngiti ni Luis pagkarinig sa sinabi ng babae. Ang kaninang mapagduda niyang tingin ay napalitan ng kilig. Namula ng bahagya ang kanyang mukha.

"Shocks! Kinilig ampota." Pang-aasar ni Mahana habang nakaduro sa lalaki.

"Totoo ba yan? Idadate mo ko?" Nakangiting tanong ng lalaki.

Nakangiting napatango-tango si Mahana dahilan para mas lumapad ang ngiti ni Luis.

"Weh?"

"Oo nga, gusto ko lang bumawi sayo sa ginawa mong effort sa birthday ko kagabi."

"Hindi naman ako naghahangad ng kapalit e. Gusto ko lang talaga icelebrate natin yong birthday mo. Hindi kaya ng konsensya ko kahapon na palampasin yong araw na hindi manlang tayo magsecelebrate." Paliwanag ni Luis na ikinatunaw ng puso ni Mahana.

Napangiti siya. "At alam ko din na nadamay na naman yong ipon mo."

Napakamot ng ulo si Luis at natawa. "Kaya ko pa naman pag-ipunan yon. Marami pa naman tayong raket e."

"Psh! Pasaway ka talaga."

"Tsk! Tara na, idate mo na'ko baka kung saan pa mapunta yang panenermon mo sakin."

Nagsibihis na silang dalawa. Nagsuot lamang ng simpleng dress si Mahana dahil binabalak niya ding magpicture roon sa pupuntahan nila. Maganda ang view doon kaya susulitin niya mamaya na magpicture. At sigurado siya na mag-eenjoy si Luis doon.

Nagpaalam sila kay Mamang nang paalis na sila. Mag-aalas kuwatro na iyon ng hapon at perfect time iyon para lumabas sila dahil hindi ganon katirik ang araw. Nagpatangay na lamang si Luis kay Mahana dahil wala naman siyang ideya kung saan sila pupunta.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon