Chapter 30: Usapan

84 2 1
                                    

"Why did you stole my wallet? Alam mo bang pwede kitang kasuhan dyan sa ginawa mo for stealing someone's property?" Nag-uusok ang ilong ni Luis na kinompronta si Mahana pagkarating nila sa bahay.

Walang pakialam na naupo si Mahana sa may sala ng kanilang bahay. Napasandal siya roon saka bahagyang napapikit habang si Luis ay nasa harapan nito, nakatayo at nag-aalburuto sa galit.

"Hindi ko naman ninakaw e." Simpleng sagot ni Mahana, dumilat pa siya ng bahagya upang tignan si Luis.

Napakunot-noo si Luis sa sinabi ng babae. Hindi siya kumbinsido sa sagot nito dahil wala siyang makitang ibang rason kung bakit na kay Mahana iyong wallet niya kundi sa paraang ninakaw niya ito.

"E bakit nasa 'yo?"

"Napulot ko nga lang, hindi ko naman alam na sa'yo pala yon e." Depensa nito, umayos ng upo si Mahana saka pinagkrus ang mga braso sa may dibdib nito.

Napailing-iling si Luis. "So, sa akin man 'yon o hindi, wala ka talagang balak ibalik 'yon? Ang malala pa don, winaldas mo pa 'yong pera."

Napangiwi si Mahana, hindi niya tanggap na sobrang sama niya sa paningin ni Luis sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Nagsasabi siya ng totoo, hindi niya ninakaw ang wallet na iyon ni Luis kundi napulot niya talaga ito.

"Ginamit ko naman 'yon sa kabutihan e, hindi ko naman winaldas yong pera sa mga walang kwentang bagay. Binilhan ko naman ng makakain yong mga taong gutom tapos nagbigay na rin ng konting tulong na magagamit nila." Depensa nito sa mapagmayabang na tinig. "Naging maganda naman 'yong intensyon ko sa pera. Napunta naman 'yon sa magandang paraan e." Pagpapatuloy  pa ni Mahana.

Napamura ng malutong si Luis sa loob-loob niya. May katwiran naman si Mahana pero hindi niya magawang intindihin yon dahil mas inaalala niya yong paggagamitan niya nito.

"But I badly need the money to rent a bus pabalik ng Manila." Nadulas niyang nasabi ang lihim niya na ikinagulat ni Mahana.

Kaagad na napaiwas ng tingin si Luis dahil hinuhuli ni Mahana ang kanyang tingin. Susubukan pa sanang bawiin iyon ni Luis pero huli na ang lahat noong tumayo si Mahana at napasingkit na tinignan si Luis ng diretso sa mukha.

"Ahh, kaya naman pala parang nasilihan 'yang pwet mo kanina sa pagmamadali dahil may balak ka palang tumakas." Nakataas kilay na patutsada ni Mahana.

Naliligo sa sariling pawis si Luis dala ng kaba. Gusto nyang tumakbo paalis para matakasan si Mahana pero animoy may sariling
utak ang kanyang mga paa at ayaw magsigalaw ng mga iyon. Hangga't maaari ay iniiwasan niya ang bawat pagtitig ni Mahana sa kanya.

"Sagot!" Napapikit siya nong nagtaas ng boses si Mahana sa harapan niya. Alam niyang hindi siya tatantanan  hangga't hindi siya mapapaamin nito.

Nagbuga ng malalim na buntong-hininga si Luis saka ito sumagot. "E kasi naman, dinaig mo pa si Satanas kung pahirapan  ako. Hindi mo ba nakikita, I cant leave here. Ikakamatay ko ng maaga hangga't nandito ako na kasama ka. Can you just let me go home?"

Natawa ng mapakla si Mahana at pinasadahan ng tingin ang lalaking hindi maipinta ang inis sa kanyang mukha. "Paanong 'di ka mahihirapan e panay ka reklamo. Hindi ba pwedeng mag-enjoy ka nalang?"

"Enjoy? Anong nakakaenjoy dito? Pinaghuhugas mo 'ko ng plato at mga kaldero. Pinaglalaba mo 'ko, alas singko dapat gising na e mas nauuna pa kong gumising sa manok. Ang malala don, dinadala mo pa 'ko sa palengke para pagbentahin. Kung makautos ka sa'kin akala mo naman sinusuwelduhan mo 'ko." Hindi napigilan ni Luis na ilabas ang kanyang sama ng loob sa babae.

Hindi na niya kaya ang lahat ng pinapagawa nito sa kanya. Ilang araw pa lamang siya doon pero ramdam na niya 'yong kakaibang bagsik ng paghihiganti ng babae. Pakiramdam niya tuloy mamamatay na siya ng maaga hangga't nandon siya.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon