Chapter 38: Open up

76 1 0
                                    

"Mahal na mahal kita."

Hindi mapigil ng lalaki ang kanyang pag-iyak habang ginaganap ang seremonya ng kanilang kasal. Kaharap niya ang kanyang magiging asawa at isinasambit nito ang kanyang marriage vows. Magkahawak ang kanilang mga kamay, nakatitig ng diretso ang kanilang mata sa isa't isa.

Maraming tao ang dumalo sa kasal na iyon na naging raket nina Mahana dahil sinamahan nila si Megan sa pagmamakeup nito. Kahit pa man nanonood lamang sila, nagiging emosyonal si Mahana habang pinapanood ang ikinakasal sa may altar.

Samantala, hindi alam ni Mahana na habang manghang-mangha siyang nanonood sa seremonya ay nasa kanya ang buong atensyon ni Luis. Hindi maipaliwanag ni Luis ang kanyang nararamdaman nong mga oras na iyon. Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba na kahit na sinong matalinong tao ay hindi kayang ipaliwanag ito.

Biglang nakaramdam ng inggit si Luis sa mga ikinakasal. Wala naman syang plano sa seryosohang kasal kaya natawa na lamang siya sa kanyang nararamdaman dahil sa biglang pagkainggit nito. At hindi inaasahan na napatitig siya roon sa wedding ring na suot ni Mahana sa kanyang daliri na bigay niya.

May kung anong enerhiya ang nagtulak sa kanya upang hawakan ng walang pasabi ang kamay ni Mahana kung saan may nakasuot na singsing. Tinitigan siya ni Mahana na bahagyang nagulat sa paghawak ni Luis sa kanyang kamay. Tinanong niya ang lalaki sa pamamagitan ng titig ngunit tanging iling at pagngiti ang naisagot nito.

Matapos ang seremonya, ginanap muna saglit ang picture taking kaya kaagad na inalalayan nila si Megan sa pareretouch sa mga abay lalong-lalo na ang ikinasal. Hindi sila halos nakapag-usap sa kaliwa't kanan nilang trabaho. Saktuhan na wala kasi silang raket nong araw na iyon kaya sumama na lamang sila kay Megan. Matapos ang mahaba-habang picture taking, pumaroon na sila sa reception para sa simpleng handaan.

"Ang init." Napapaypay si Mahana gamit ang kanyang palad dahil sa init na kanyang nararamdaman. Pinagpapawisan siya ng todo at ramdam niyang basa na ang likod nito.

Hindi niya napansin ni Mahana na tumayo si Luis at walang kamalay-malay na narinig nito ang kanyang reklamo. At sa hindi inaasahang pagkakataon, pagbalik ni Luis sa pagkakaupo ay iginagalaw na nito ang hawak na styro plate at ginawa itong pamaypay.

"Feel better now?" Tanong ni Luis.

Natigilan si Mahana sa ginawang iyon ni Luis. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ng lalaki. Napatulala siya. Sa loob-loob niya ay nakaramdam siya ng tuwa at kilig. Nag-abala pa talaga si Luis upang paypayan siya kahit kagaya rin nito na pagod sa trabaho.

Napatango-tango si Mahana na may kasamang hiya. "Hindi mo naman kailangan gawin yan e." Hinawi paalis ni Mahana iyong kamay ni Luis sa kanyang harapan pero mabilis suyang pinigilan ng lalaki.

"It's okay.  Ayokong naiinitan ang misis ko." Pasaring na usal ni Luis sabay kindat.

Hindi alam ni Mahana ang kanyang irereact sa inusal na iyon ni Luis. Sa loob-loob niya ay tumatalon ng sobra sa tuwa ang kanyang puso. Natatakot rin sya na baka mamula ang kanyang pisngi dala ng kilig. Sinubukan niyang umakto ng normal para hindi siya asarin ng lalaki.

Isang simpleng program ang ginanap sa reception bago ang kainan. Nahiya pa sila dahil pinaupo sila sa loob kahit mga hinire lang naman sila. No choice sila kaya doon nalang sila sa loob kumain.

"Ganito pala ang kasalan dito sa probinsiya, no? Sobrang saya." Komento ni Luis habang pinapanood ang pagsasayaw ng bagong kasal sa gitna kung saan naglalagay ang mga bisita nila ng mga pera sa kanilang mga damit.

"Sobra! If ever ikakasal man ako, ipipilit ko sa magiging groom ko na dito na lang sa probinsiya gaganapin. Dito, mas masaya, mas memorable. Simple man pero iba ang mabubuong alaala dito." Tugon ni Mahana habang ang atensyon nito ay naroon sa mga bagong kasal.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon