Chapter 28: Plano

122 2 0
                                    

"Hindi ka pa pwedeng mamatay, hindi pa ako nakakaganti sa'yo."

Natawa na lamang si Mahana sa narinig niyang usal ni Luis noong kinukulit siya nitong sabihin ang kanyang sakit dahil sa walang humpay na katanungan kung para saan ang gamot na iniinom nito.

"Psh! Akala ko pa naman concern ka sa health ko. Hmp." Nagkunwaring nagtatampo na tugon ni Mahana, kanyang ipinagpatuloy ang pagtutupi na kanyang ginagawa sa mga damit na nilabhan ni Luis kaninang umaga.

Hindi siya tinantanan ng lalaki hangga't hindi nakukuha ang kasagutan na hinihingi niya. Parang may sili ang pwet ni Luis dahil hindi siya makapirmi sa kinauupuan. Nakailang kalabit at panunuyo na siya kay Mahana para lang pagbigyan siya nito.

"So, para saan nga 'yon? Doctor's prescribed ba 'yon? Nakakahawa ba yang sakit mo? Nakakamatay? Ilang years ka pa daw mabubuhay?" Sunod-sunod na tanong ni Luis.

Nakakunot-noo si Mahana sa pagiging overacting ni Luis.

"Ang OA ah." Inirapan niya ang lalaki.

"Para saan nga kasi? Kanina pa 'ko nagtatanong, hindi mo naman ako sinasagot e." Iritableng mungkahi ni Luis. Makikita na sa mukha nito ang inis.

"Bakit ba concern ka? Crush mo 'ko 'no?" Gumalaw taas-baba ang kilay ni Mahana ng bahagya.

Nandidiring tingin ang itinapon ni Luis sa kanya. "Kadiri!"

Natawa si Mahana sa naging reaksyon ng lalaki. Hindi niya inaasahan na may ganoong side pala si Luis. Nasanay siya sa palaging galit, nakabusangot, iritable, at hindi iyong concern sa ibang bagay katulad ng kanyang kalusugan.

"Sige na, aamin na 'ko." Pagsuko ni Mahana.

Kaagad umayos si Luis ng upo sa pang-isahang bangko, atat na atat siyang malaman ang kasagutan sa likod ng gamot na iniinom ni Mahana.
Para siyang bata na naghihintay bigyan ng kendi sa pagiging interesado nito.

"Ang gamot na 'yon ay para sa pempem ko." Usal ni Mahana.

Nakakunot-noo si Luis dahil hindi niya inaasahan ang naging sagot ni Mahana.

"What about your...uhmm...down there?" Itinuro niya pa ng bahagya ang baba para iparating na ang tinutukoy niya ay iyong pribadong parte ng kanyang katawan.

"Lapit ka, ibubulong ko." Sumenyas si Mahana na lumapit si Luis sa kanya. Kaagad na sumunod si Luis dahil uhaw nga siyang malaman ang katotohan.

Ipinuwesto ni Luis ang kanyang teinga malapit sa bunganga ni Mahana. Sa kabilang banda, natatawa na si Mahana sa pagiging uto-uto ng lalaki. Hindi niya alam na ganon pala kadaling utuin ang isang dakilang playboy na si Luis.

"Ano, dali na, sabihin mo na." Singhal ni Luis.

"Ang gamot na 'yon ay para sa pempem ko.." pambibitin ni Hana.

"Oo sa pempem mo nga, o ano? Anong benefit nyan sa kwan mo ba kasi? Nambibitin pa kasi e." Iritableng tugon ni Luis na paubos na ang kanyang pasensya.

"Nagpapalaki ako ng mani."

Nagpakawala ng malakas na tawa si Mahana matapos sabihin ang kabalastugan na kanyang naisip isagot kay Luis. Samantala, masamang tingin naman ang itinapon ni Luis sa babae.

"Tangina! Ang baboy mo." Nandidiring singhal ni Luis, napaatras sya palayo sa gawi ni Hana na noon ay namamatay na sa pagtawa. "Kahit kailan talaga puro ka kamanyakan. Dyan ka na nga."

Nilayasan na siya ni Luis dala ng inis. Nakailang tawag si Hana sa kanya pero hindi siya nag-aksaya ng panahon para lingunin ito dahil naiinis siya ng sobra. Nagsisisi siya tuloy na nagtanong. Nanahimik na lamang siya para hindi nakatanggap ng walang kwentang sagot mula kay Mahana.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon