"Anong kasunduan? Anong napag-usapan, ha, Luis?"
Parang tuta na nakasunod si Mahana kay Luis palabas ng resort matapos ang munting program na ginanap para sa birthday party ni Lola Lucita. Matapos magsinungaling ni Luis, hindi na mapalagay si Mahana. Gustong-gusto niyang komprontahin si Luis pero wala siya sa lugar. Tiniis niya ang kanyang inis hanggang sa may pagkakataon upang kausapin ang binata.
"Kausapin mo nga 'ko." Naiiritang singhal ni Mahana nang hindi pa rin siya pinapansin ni Luis. Tuloy-tuloy pa rin ito sa paglakad palabas.
Hindi ininda ni Mahana ang sakit ng kanyang paa sa suot nitong high heel. Kating-kati na siyang komprontahin ang lalaki lalo na't hindi niya nagustuhan ang sinabi nito na may plano silang sumali sa renewal of vows ng kanyang mga in laws.
"Luis, ano ba, pwede ba, kausapin mo 'ko? Pag 'di ka pa huminto sa kakalakad, babatuhin na kita ng sandal ko dyan." Pagbabanta niya dahil nag-aapoy na siya sa inis.
Bahagyang napahinto si Luis hindi dahil natatakot siya kundi dahil gusto na niyang manahimik na si Mahana sa pangungulit. Walang sigla niyang tinapunan ng tingin ang babae habang may hawak na baso ng alak sa kanyang kaliwang kamay.
"Ano sa tingin mo ang ginawa mo? Bakit ka nagsinungaling? Wala naman talaga tayong napag-usapan, di ba? Bakit ba palagi ka nalang sunod-sunuran sa mga magulang mo?" Iritableng usal ni Mahana.
"I'm just trying to fix everything." Malamig na sagot ni Luis saka huminto ito sa paglalakad at humigop sa baso ng alak na kanyang hawak.
"Pocha! Ayoko na nga, di ba? Kumalas na nga ko sa kalokohan mo, pilit mo namang pinagsisiksikan ang sarili mo sa akin. Ano ba talagang gusto mo, ha?"
Blangko ang tingin na ipinakita ni Luis sa babae. Nagkatitigan sila. Nabasa kaagad ni Luis ang iritableng mukha ni Mahana. Para itong bulkan na sumasabog sa galit kung ilalarawan niya.
"I want to fix our marriage."
Napailing-iling si Mahana saka natawa ng mapakla. "Talaga? 'Yong pagiging kasal natin ang gusto mong ayusin o 'yong imahe mo sa lola mo nang sa ganon ay ibigay niya 'yong restaurant na pangarap mo?"
Bahagyang nakaramdam ng takot si Mahana nang mabasa niya sa mukha ni Luis ang pagsalubong ng kilay nito. Kabisado na niya ang lalaki, galit na ito kapag ganoon na ang arko ng mga kilay nito.
"Ganon na ba talaga ang tingin mo sa'kin, Hana?"
"E ano pa? Yon lang naman ang bukod tanging dahilan para magbait-baitan ka sa'kin ng ganito, di ba? Kung hindi dahil don sa restaurant, hindi mo naman ako kukulitin ng ganito e. Hindi mo naman ako gagamitin para lang makuha 'yon. Hindi ka magpapanggap na mabuting asawa sa akin kung hindi dahil sa restaurant na 'yon." Buong tapang na pang-rirealtalk ni Mahana sa lalaki.
"Ba-bakit ba kating-kati ka na maputol ang ugnayan natin? Bakit parang umiiwas ka na? Bakit parang may tinatakasan ka?"
"Gusto ko na ng tahimik na buhay, Luis. Kaya parang awa mo na, huwag mo na 'kong isali sa mga kalokohan mo." Pagmamakaawa ni Mahana na konti na lang ay lumuhod na siya sa harapan ng lalaki.
"I'm trying to fix us not because of that fucking restaurant, Mahana!"
"Bullshit!" Pagmumura ni Mahana na bahagyang natawa pa. "Huwag mo naman akong lokohin, Luis."
Naigalaw ni Luis ang kanyang panga. "Masisisi mo ba ako kung sinusubukan na rin kitang mahalin?"
Huminto ang mundo ni Mahana matapos marinig ang kataga na iyon mula sa lalaki. Nagpaulit-ulit sa kanyang pandinig ang salitang binitawan ni Luis na naging dahilan para mapatitig siya ng diretso sa lalaki at walang masabi ni isang kataga manlang.
BINABASA MO ANG
Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy
Teen FictionIsang malaking bangungot ang pagdating ng isang marriage contract kay Luis na babago sa kanyang buhay. Matatali siya sa babaeng kinaiinisan niya ng sobra at kailanman hindi niya hiniling na maging asawa. At para makuha ang inaasam nitong mana, nakiu...