Chapter 49: Changes

86 2 1
                                    

"What if magpadrug test ka na, Luwi? Malala ka na yata e." Suhestiyon ni Kenneth nang malaman ang tungkol sa nadiskubre ni Luis sa kanyang nililigawan na si Misty na halos nagpagulo sa kanyang katinuan.

"Tangina! Ken, seryoso ako. Matino pa 'ko sa lagay ko na 'to, hindi ako nasisiraan ng ulo." Depensa ni Luis na hindi mapakali sa harapan ni Kenneth na nagpabalik-balik ng lakad.

Nasa iisang sofa naman na nakaupo sina Chris na nakadekwatro habang nilalamutak ang hawak na bote ng alak at si Rhaiven na may nakakandong na laptop sa kanya. Hindi lubos akalain ni Luis na darating 'yong dalawa kahit pa man hindi pa niya bati ang mga ito.

"Sa dinami-rami ng tao dito sa mundo, hindi lang naman siya ang may ganon klase ng pabango e. 'Yong mga nakausap niyang mga tao, malay mo mga relatives niya lang." Komento naman ni Chris na naging dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat maliban kay Rhaiven na abala pa rin sa pagscroll sa kanyang laptop.

"Kilala ko ang bawat myembro ng pamilya niya, nanay, tatay, kapatid, pinsan, o kahit mga kasosyo nila sa negosyo pero sa mga kalalakihan na nakita ko kagabi, hindi sila pamilyar sa paningin ko." Pakikipaglaban ni Luis. Nais niyang iparating na may nararamdaman siyang kakaiba laban kay Misty. Gusto man niyang ipasalawang bahala ang kanyang pagdududa pero hindi niya mapigilan.

"Tsk! Baka nakakalimutan mo kung sino 'yong pinagdududahan mo, Luwi." Paalala ni Kenneth.

"Nakakainis nga e. Sa dinami-rami ng pwedeng makaamuyan ko ng pamilyar na pabango na 'yon, bakit sa kanya pa? Bakit kay Misty pa? Bakit 'yong babaeng hinintay ko pa ng sobrang tagal? Bakit 'yong babaeng gusto ko pang pakasalan?" Naguguluhan na usal ni Luis na naging dahilan para mapasabunot siya sa kanyang ulo.

"Baka tama lang 'yong sinabi ng Lola mo na hindi mo pa ganon kakilala si Misty." Paalala ni Chris.

Nagkatinginan silang tatlo, pare-parehas silang naguguluhan, sumasakit ang ulo at nagdududa sa mga nangyayari. Konti na lang ay sasabog na ang ulo ni Luis kakaisip kung nararapat niya bang pagdudahan si Misty gayung mahal na mahal niya ito.

"I think, tama lang na magduda si Luwi."

Napalingon silang lahat nang magsalita na si Rhaiven. Nagtaka sila sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin, Rhai?" Si Kenneth ang may lakas ng loob para magtanong.

Hindi inalis ni Luis ang kanyang tingin kay Rhaiven na mukhang may dalang balita. Kahit papaano ay natutuwa siya dahil sa kabila ng sagutan nila nitong nakaraan ay may gana pa rin itong tulungan siya.

"Are you aware that last year ay nandito sa Pinas si Misty?" Pagtatanong ni Rhaiven kay Luis.

Doon napakunot-noo si Luis at napailing. "I did not. Bakit?"

Hindi siya kaagad sinagot ni Rhaiven bagkus iniharap nito kay Luis ang hawak nitong laptop ay may idinuro sa may screen.

"Ayon dito sa nakalap kong travel history niya, nagpabalik-balik siya last year dito sa Pinas. Wala naman nakalagay dito na information kung ano ang purpose ng travel niya. Hindi lang isang beses siyang pumunta dito sa Pinas, it took five to eight times if I'm not mistaken." Pagbabalita nito na ikinagulat nilang lahat lalong-lalo na si Luis.

"Sigurado ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Luis.

"Yap. Come on and check it."  Sinenyasan niya si Luis na lumapit sa kanya upang tignan ang nadiskubre nitong impormasyon laban kay Misty.

Kaagad na lumapit si Luis upang icheck ito, nakasunod sa kanya si Kenneth na hindi rin makapaniwala sa narinig nitong balita. Pagkalapit ni Luis sa pwesto ni Rhaiven, kaagad niyang tinignan ang impormasyon na nakalap ni Rhaiven. Isa-isa niyang binasa ang mga info at laking gulat niya na hindi nagkakalayo sa petsa nong kasal nila ni Mahana ang pagdating nito sa Pilipinas.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon