Chapter 22: Malabo

92 1 0
                                    

A/N: Ang chapter na ito ay third person kumpara sa mga nauna. Form now on third person na gagamitin ko. Im going to edit the previous chapter kapag sinipag ako. Thank you!

"Hana, halika ka dito at baka may maalala ka kapag napanood mo 'to." Sinenyasan ni Luis  si Mahana na lumapit sa kanilang pwesto, tinap niya iyong space sa tabi nito upang doon  maupo ang babae.

Napansin ni Luis ang pananahimik ni Mahana. Tinitigan niya ito. Hindi niya masigurado kung kinakabahan ba ito o maeexcite kagaya niya. Iniisip niya rin na baka dala lang yon ng pagod dahil tumakbo  sila  kanina para makarating agad sa condo ni Kenneth.

"Hindi, dito na lang ako." Sagot ng babae, pilit pa ang kanyang pagngiti na ginawa.

Ngunit hindi siya tinantanan ni Luis. "Ayaw mo bang mapanood tong video? Heto na 'yong kasagutan sa problema natin oh. Halika na."

Napailing siya. "Oo, papanoorin ko nalang mamaya. Napagod ako sa pagtakbo natin kanina e." Ginamit niya pang paypay ang palad nito dahil nagsisiunahang bumagsak ang ilang butil ng pawis sa mukha nito.

"Hayaan mo na siya, pre, halata ngang napagod siya e." Sabat ni Rhaiven na nag-aalala sa kalagayan ni Mahana.

At hindi na nga nila pinilit pa si Mahana at kanilang itinuon ang pansin sa laptop ni Kenneth kung saan ipeplay iyong kopya ng cctv footage. Nakaabang silang apat roon lalong-lalo na si Luis na hindi na makapali sa kanyang kinauupuan.

"Mahana, ayos ka lang ba talaga? Namumutla ka yata?" Nag-aalalang tugon ni Luis nang mapansin ang babae sa may sofa na hindi na rin maipinta ang mukha nito sa hindi malaman na dahilan.

"O-oo, ayos lang ako." Sagot ng babae. "Kenneth, asan banyo mo dito? Makikigamit sana ako." Pagtatanong niya dahil nararamdaman niyang sasabog na ang kanyang pantog.

"Kumanan ka lang dyan sa kusina, makikita mo na agad." Pagbibigay direksyon ni Kenneth, itinuro niya pa ito para hindi maligaw si Mahana.

Sa pag-alis ni Mahana papuntang banyo ay kanya na nilang pinanood iyong video. Pagkapindot ni Kenneth sa play button ay nakaabang na silang apat. Halos walang kumurap sa kanila sa labis na pagkauhaw na mapanood ito. Hindi na halos mahintay ni Luis na makita ang buong pangyayari sa bar noon.

"Pocha naman! Mas malabo pa 'to sa bold ng japan e." Napatayo na singhal ni Luis habang nakaduro sa laptop ni Kenneth. Ginagawan naman ng paraan ni Kenneth upang luminaw ang kanilang pinapanood.

"Oh, kumalma ka. Ginagawan naman na ni Kenneth ng paraan e." Pagpapakalma ni Chris sa kanyang kaibigan na noon ay napapahilamos na sa mukha nito dala ng inis.

"Pocha naman! Nagbayad ako ng malaki tapos ganyan lang? Mas malabo pa sa future ko! Takte!" Pagrereklamo nito na naging dahilan para matawa sina Rhaiven.

"Pre, ayaw talaga luminaw e." Segunda ni Kenneth na ginawa na ang lahat na kanyang alam para luminaw yong video.

"Anak ng tokwa!" Singhal ni Luis, napamura na siya ng malutong pagkatapos. "Paano ko naman mamumukhaan yong mga taong trumaydor sakin kung malabo 'yan?"

"Kumuha ka ulit ng bagong kopya. 'Yon lang naman amg choice e." Suhestiyon ni Rhaiven na noon ay naupo na sa sofa.

"Tapos ano, mag-aaantay na naman ako ng ilang linggo? Jusko naman!"

Napunta ang tingin nilang lahat nang dumating si Hana na galing sa banyo. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa apat. Nagtaka siya kung bakit ganon ang naabutan niyang mga reaksyon ng mga ito.

"Bakit? Anong nangyari? Nakita niyo ba kung sino ang mga nandon na tao?" Pagtatanong ni Mahana.

"Wala, sobrang blurred ng video, kaya ayan, galit na galit ang dragon." Sagot ni Kenneth at inginuso si Luis na naroon sa pang-isahang sofa. Nakabusangot ito at nakahanda ang mga kamao niyo na sumuntok.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon