Chapter 40: Surprise

86 1 1
                                    

"Ano itong sinusumbong ni Luis sa akin na para ka raw kakatayin na baboy sa lakas ng pag-iyak mo kagabi, Hana?"

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng umagahan nong araw na iyon. Kumpleto sila dahil maagang nakauwi si Megan mula sa kanyang trabaho at si Mamang naman ay  sinadya na magising ng maaga dahil may lakad siya. Sa kabilang dako, hindi naman nakatulog si Luis kakaisip sa naging kalagayan ni Mahana kagabi. Para siyang lantang gulay nang magising kasabay non ang pagsakit ng kanyang ulo.

"Naku! Mang, kung narinig nyo lang kagabi, iisipin niyo talaga na kinakatay siya sa sobrang lakas ng hagulgol niya." Pagsusumbong ni Luis, abala siya na nagtitimpla ng kape.

Napakamot si Mahana sa kanyang ulo at napapahiyang ngumiti. "Ay malakas ba? Sorry, nanonood kasi ako ng kdrama kagabi e. Sobrang intense ng episode kagabi kaya hindi ko na napigilan pa ang luha ko." Paliwanag ni Mahana saka siya naupo sa tabi ni Luis.

"Sigurado ka?" Hindi kumbinsidong tanong ni Luis.

"Oo.." mabilis ba depensa ni Mahana. "Namatay kasi yong bida'ng babae don e, sobrang tanga, hindi kasi nakinig sa'kin edi sana buhay pa siya." Pagpapatuloy pa nito sa nanggigigil na boses.

"Sinong tanga naman ang iiyak ng ganon kalala after mamatay yong bidang babae sa pinapanood niyang kdrama?" Taas-kilay na patutsada ni Luis. May kung ano sa kanya ang nagtutulak na huwag maniwala sa paliwanag ni Mahana. Hindi siya kumbinsido.

"Ako!" Dinuro pa ni Mahana ang kanyang sarili. "Affected ako ng sobra, bakit ba." Sabay irap nito saka kumuha ng kanin at ulam saka inilagay ito sa kanyang pinggan.

Hindi magawang maniwala ni Luis sa naging palusot ni Mahana. Dudang-duda siya lalo na't hindi biro ang narinig niyang hagulgol ng babae kagabi. Hindi siya kumbinsido na dahil lang sa pinanood nitong kdrama kaya siya umiyak ng malala. Alam niyang may ibang dahilan si Mahana na ayaw nitong sabihin at idinadaan nalang sa ibang bagay.

Nagtatakang tingin ang itinapon ni Luis kay Mahana. Malakas ang kutob niya na hindi nagsasabi ng totoo ang babae.

"Nak, Luis, hayaan mo na yan, pagdating sa kdrama niya, sobrang OA nyan. Huwag mo nalang pansinin." Usal ni Mamang.

Matapos nilang kumain ay nagpatulong si Mamang kay Luis na magbungkal ng lupa sa bukid. Kaagad naman na sumama si Luis ng walang pag-iinarte. Wala din naman kasi siyang gagawin nong araw na iyon. Ayaw niyang mamalagi sa bahay ng walang ginagawa. Parang nasanay na siyang may ginagawa palagi mabigat man yan na gawain o madali.

"O, Megs, nasan ang Manang mo?"

Inilinga ni Cynthia ang kanyang tingin pagpasok niya ng kabahayan nang makauwi sila ni Luis mula sa bukid. Mga bandang 11 na sila nakauwi at tirik na tirik na ng sobra ang araw. Tumatagaktak ang pawis ni Luis sa buo nitong katawan. Basang-basa ang kanyang damit na animoy naligo sa sarili nitong pawis.

"Umalis, Mang, may work daw siya ngayon." Sagot ni Megan, abala ito na naghahanda ng kanilang tanghalian.

Sa kabilang banda, takang-taka si Luis kung bakit hindi manlang siya isinama ni Mahana sa pinuntahan nitong trabaho pero ayos lang sa kanya iyon dahil kahit papaano ay natulungan niya si Mamang.

"Ngayon pa talaga siya umalis?" Patutsada ni Mamang saka naupo upang magpahinga sa may dining table.

"Sus! Parang 'di ka sanay kay Manang, Mang. Kahit espesyal na araw, wala yon pakialam e."  Saad ni Megan na napailing-iling pa.

Laking pagtataka ni Luis ang pinag-uusapan nila. Wala siyang ideya kaya naman para mabawasan ang kanyang iisipin, minabuti niyang tanungin sila.

"Espesyal na araw? Bakit po, anong meron ngayon?" Nagpalipat-lipat ng tingin si Luis sa dalawa.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon