CHAPTER 1: Celebration

460 10 0
                                    

LUIS'S POV

"Yeah! Inom pa! Magpakalasing tayo ngayong gabi..."

Walang kahirap-hirap ko na itinungga ang bagong bukas na wine na kinuha ko mula sa cabinet ng condo ko. Oo, nandito kami sa condo ko, hindi dahil nagtitipid kami kundi dahil dito mas komportable kaming uminom, iwas pa sa gulo.

Kumuha rin ako ng ilang plato dahil sakto na kararating din ng inorder kong pulutan namin sa isang fastfoodchain. I was with my friends, Kenneth and Chris, Rhaiven's presence is absent, as usual. Dinadamdam niya pa rin hanggang ngayon 'yong pagkawala ni Haila sa kaniya. Although, hindi naman namin siya masisisi kung bakit ganoon katagal siya magmoveon.

After our graduation, wala na yata kaming ginawa kundi ang icelebrate ang achievement na nalagpasan namin ang college life. Almost one month na rin mula nong grumaduate kami. And yes, hanggang ngayong nagcecelebrate pa rin kami. Ganito kami kasaya na sa wakas ay mga degree holder na kami.

College life is one of the worst part of my life as a student. Hindi naman ako bobo, sadyang nakakalusaw lang ng braincells sa dami ng gagawin. Kaliwa't kanang ipapasa. Reporting doon, exam at quiz dito, roleplay dito, sayaw diyan. Hays! Basta ang dami kaya deserve naming magsaya ng matagal dahil after this, back to normal na naman. Well, we don't have any plan yet.

"Uy! Teka lang, wala pa si Rhaiven e. Hintayin muna natin," suhestiyon ni Chris habang abala na nagpipindot sa kanyang selpon. Malamang ay sinusubukan niyang tawagan si Rhaiven.

"Kailan pa sumipot sa inuman ang kumag na 'yon? Malamang, nandon na naman siya sa kwarto non, nagmumukmok."

Matapos kong mailapag ang pulutan namin sa center table ay tumabi na ako kay Kenneth na naroon sa sofa nakaupo, abaal rin ito sa pagtitipa sa kanyang selpon. Siniko ko siya ng mahina para makuha ang kanyang atensyon.

"Pumunta ka ba dito para mag-inom o para magselpon?" Inis na tugon ko sa kanya.

Napangisi siya at bahagya pang natawa. "Selos agad e, tinitignan ko lang kung binati na 'ko ng crush ko."

"Ulul! Kung may balak man siyang batiin ka, sana nong araw mismo ng graduation natin. Umaasa ka talaga na babatiin ka non, e isang buwan na mula nong grumaduate tayo e."

Nakatanggap siya ng mahinang sapok mula sa akin.

" Malay natin, batiin niya ako ng belated."

"Alam mo ikaw, sabog ka lang. Uminom na lang tayo at icelebrate tong achievement natin." Ginulo ko pa ng bahagya ang kanyang buhok bago itinapon kay Chris ang atensyon ko. "Hoy! Chris, ano inom na tayo, tama na 'yang selpon. Kahit anong gawin mo, hindi mo malalason ang utak ni Rhaiven kaya hayaan mo na siya."

Tumayo ako at mahinang inihagis kay Chris iyong bote ng alak. Nasalo naman niya ito at walang kahirap-hirap na binuksan gamit ang kanyang ngipin. Nagsiupo na kami sa pang-isahang sofa at nasa gitna namin ang table kung saan nakalapag ang mga pulutan namin.

"Ano ng balak niyo sa mga buhay niyo? Graduate na tayo kaya dapat may mga plano na tayo sa buhay."

Napunta ang tingin namin kay Kenneth nong mag-open siya ng bagong topic. Natawa pa nga kami ni Chris ng bahagya dahil hindi kami sanay na seryoso siya.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" inis na singhal ni Kenneth sa aming dalawa ni Chris na pilit nagpipigil ng tawa. Kung nandito lang si Rhaiven, malamang pinaulanan na niya ng asar itong si Kenneth.

"Ang seryoso mo naman masyado e, dinaig mo pa may asawa. After natin makawala sa academic stress, gagawa ka na naman ng bago. Hindi ba pwedeng magrelax muna tayo, hmm?" patutsada ko.

"Pre, kailangan na natin magsettle sa mga bagay-bagay. Hindi naman habambuhay na nakadepende tayo sa mga magulang natin e." Depensa ni Kenneth kaya parehas kaming napakamot ng ulo ni Chris.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon