Chapter 48: Decision

101 3 1
                                    

"Akala ko ayaw mo na sa'kin. At akala ko din hindi mo na 'ko kakausapin."

Sinalubong siya ng apir saka mahigpit na yakap ni Kenneth pagpasok niya sa condo nito. After ng ilang araw na walang pansinan sa kanilang magtotropa, sa wakas ay nakapag-usap na sila. Tanging si Kenneth lamang ang alam niyang matatakbuhan kapag ganoon na nilalamon siya ng problema. Mas madali siyang mag-open up ng problema dito kaysa sa dalawa.

"Oh, inom ka." Iniabot ni Kenneth ang kabubukas niya lang na bote ng alak kay Luis na noon ay makaupo na sa pang-isahang sofa sa may sala. "Ano ng balita sa'yo? Ano na namang problema mo at nandito ka?" Pagtatanong ni Kenneth nang makaupo na siya.

Lumagok muna si Luis sa hawak niyang bote ng alak bago sinagot ang tanong na iyon ni Kenneth. Tinitigan niya ito saka marahan na pinunasan ang gilid ng labi gamit ang likod ng palad niya.

"Tsk! Sa inyong tatlo, ikaw ang madaling suyuin kaya sa'yo ako nagpunta. Alam mo naman na dinaig pa ng babae kung magtagpo ang dalawa." Pagtutukoy niya kina Chris at Rhaiven.

"E ikaw naman kasi e, palagi kang nagpapadala sa init ng ulo mo. Uso makipag-usap ng maayos, uy! Concern lang kami kaya namin nasabi 'yon. Kahit papaano, kakampi mo pa rin kami. Tsk! Goodluck nalang talaga kung hanggang kailangan aabutin 'yang pangsusuyo mo sa dalawa." Natawa pa ng bahagya si Kenneth.

"Hayaan mo muna sila. Papansinin din ako ng mga 'yon." Paniniguro niya.

"So, ano, kumusta kayo ni Mahana? Nakapag-usap na ba kayo?"

"Hindi pa." Napakibit-balikat si Luis.

"O, bakit hindi pa? May balak ka pa bang patagalin?  Pre, halos dalawang linggo na. Balita ko, wala na din siya don sa mansyon niyo ah."

"Lumayas siya." Uminom ulit si Luis sa bote ng alak na hawak niya.

"O, edi, suyuin mo. Don't tell me, gusto mo na siya pa ang manuyo sa'yo." Komento ni Kenneth, napadekwatro siya ng upo habang nakatitig sa problemado niyang kaibigan na si Luis.

"Bakit pa? Kahit naman magkaayos kami, wala ng patutunguhan. Nasira na lahat ng plano ko dahil sa kanya. Wala ng dahilan para kausapin pa siya ulit. Kung susuyuin ko siya  at pababalikin ng mansyon, malamang ipagtutulakan ako ni Lola na gawin 'yong gusto niya."

"Then take the risk alang-ala sa restaurant na pangarap mo."

"You don't understand me, Ken." Depensa ni Luis. "You know how much I want to marry Misty. Sa'yo ko madalas sabihin 'yon, kaya naniniwala ako na alam mo ang nararamdaman ko ngayon. Nakita mo kung paano  ako nangarap na makasama siya, na makausap, makadate, ultimo ang pakasalan siya, alam mo. Naghintay ako hindi lang isang taon kundi halos lima, Kenneth. Nandito na siya ngayon, ayokong sayangin ang pagkakataon. Kahit ikaw lang ang makaintindi sa akin ngayon, Ken, kahit ikaw lang, please?" Nagkakamaawang usal ni Luis.

Hindi nakapagsalita si Kenneth basta ang alam niya, seryoso si Luis habang binibitawan ang mga salitang 'yon. Oo, alam niya lahat patungkol kay Misty dahil madalas iyon na ikwento sa kanya ni Luis. Sila ang mas close sa barkada nila kaya alam niya ang pinagdaanan ni Luis  pagdating sa panliligaw niya kay Misty. He know everything and he want to understand the feeling of his friend.

"Bagong ayos ang kopya ng CCTV footage, pumunta ka dito bukas para makita mo." Humawak siya sa balikat ni Luis. "Go, chase her, follow your heart. Ikaw na ang bahala kay Misty, ayain mo na siya ng kasal, regalo ko na sa'yo 'yong aprubadong annulment niyo ni Mahana pagkatapos." Iyon na lamang ang nasabi ni Kenneth upang hindi na humaba pa ang usapan nila ni Luis.

Kahit unahin niya ang pagdududa kay Misty, nadadala pa rin siya sa mga salita ni Luis. Doon niya nakikitang masaya ang kanyang kaibigan kaya wala siyang nagawa kundi ang suportahan na lamang ito.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon