Chapter 50: Explanation

74 3 1
                                    

"Stop fucking fooling me, Misty!"

Takot na takot si Misty sa hindi maipintang galit sa mukha ni Luis nang nasa labas na sila ng coffee shop na iyon. Ipinagkatiwala muna ni Misty si Nick sa mga staff ng naturang shop na iyon upang mapakalma si Luis. Kahit binabalot siya ng takot upang harapin ang lalaki, nilakasan na lamang niya ang kanyang loob.

"Luis, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?" Singhal niya sa lalaki. Gustuhin man na pigilan ni Misty ang kanyang galit dahil mas inaalala niya ang kalayagan ni Luis pero hindi siya makapagpigil. She felt disappointed at hindi niya mapapalagpas ang pagbubugbog na iyon na ginawa ni Luis.

"Tangina! After how many years that I waited for you, ipagpapalit mo lang ako don? Bakit, porket ba mas matangkad ba 'yon sa'kin? Mas gwapo sa'kin? Ha?" Nangigigil na usal ni Luis at kapansin-pansin sa kamao nito na handa na kahit na anong oras para sumuntok.

Taas kilay ang ginawa ni Misty na titig sa lalaki. "What are you talking about, Luwi?"

"Pocha! Huwag naman tayong maglokohan dito, Misty!" Bulyaw nito na naging dahilan para makaramdam ng takot ang babae. Napaatras ito ng bahagya dala ng takot.

"I-i don't understand you, Luis. What are you trying to say?"

Naigalaw ni Luis ng bahagya ang kanyang panga.
Matalim din na tingin ang itinapon niya rito. "Kaya ba hindi mo 'ko magawang sagutin dahil sa lalaking 'yon, ha? Seryoso ka ba talaga sa'kin, Misty? O ginagawa mo lang ako na katawa-tawa kakasunod sa'yo?"

"Luwi, it's not what you think, okay?"

Sinusubukan ni Misty na ipaliwanag ng mabuti kay Luis ang lahat. Hinawakan niya ang braso ng lalaki pero mabilis niya itong iniilag palayo na animoy may malala siyang sakit at ayaw nitong magpahawak.

"Alam mo, mukhang tama nga sina Lola. Masyado lang akong nasasabik dahil after ng ilang taon kong pag-aantay sa'yo ay nandito ka na. But there's something I can't understand. I didn't know you well. Kilala lang kita pero hindi ang buong pagkatao mo. Alam ko lang kung ano ang paborito mong pagkain, brand ng damit, sapatos, bag, mga paborito mong lugar, brand ng makeup o lipstick. Iyon lang ang mga alam ko patungkol sa'yo, Misty, pero 'yong ibang bagay, hindi. Sa limang taon na pag-aantay ko, you didn't share to me any of your problems. You didn't tell me kung naiinis ka ba sa akin, naiirita, nakokornihan, you always gave me a silent treatment. But, Its okay to me because I tried to understand it coz I love you. But lately, I realized, you are so unfair. Sa dami ng impormasyon patungkol sa'yo, isang porsyento lang pala ang alam ko. Ni hindi ako sigurado kung seryoso ka sa akin o trip lang lahat ng 'to at naaawa ka na ibasted ako dahil sa tagal kong nanliligaw sa'yo. My love for you is slowing losing it spark. My love for you was turn into hesitation. I can't stop myself overthinking those unsaid observation against you. I can't stop myself overthinking that maybe you are the mastermind of Mahana's and I fake wedding." Buong tapang na kompronta ni Luis sa babae.

Nakita ni Luis kung paano mamilog ang mga mata ni Misty sa gulat. Hindi niya maipaliwanag ang awra na nakapinta sa mukha ng babae nong mga oras na iyon. Para itong nabuking sa kasalanan na siya ang may gawa. Hindi siya matignan ng diretso sa mata ni Misty. At sa paraan na iyon, alam niyang tama na ang kanyang hinala.

"I love you, Luwi. I mean it." Nakita niya kung paano bumagsak ang mga luha ni Misty sa pisngi nito. "My love and my intention to you is pure. I am not showy but my love for you is not fake."

Napailing-iling si Luis. Kay tagal niyang hinintay na marinig ang mga salita na iyon mula sa babae pero noong nasa moment na sila ng ganon ay hindi na siya halos makaramdam ng tuwa at kilig. Ni hindi na niya kayang paniwalaan pa ang mga sinasabi ng babae. Mas nanaig ang galit nito kaysa sa pagmamahal niya kay Misty.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon