Chapter 58: Her plan

29 3 0
                                    

"Are you out of your mind, Luwi? Seryoso ka? Hindi ka tutuloy sa seminar na 'yon?"

Inaasahan na ni Luis na ganoon ang magiging reaksyon ng kaniyang mga kaibigan sa pang-rereject na ginawa niya sa seminar na inalok sa kaniya. Nadismaya ang kaniyang mga tropa dahil pangarap niya noon pa man na mapasali sa seminar na iyon lalo na at nandon ang hinahangaan nitong businessman.

"Oo nga, pre, hindi ako tutuloy." Pagkumpirma nito.

"Tsk!" Napailing-iling si Kenneth. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga pinaggagagawa mo, Luis. Una, inurong mo 'yong kaso dahil sa kahibangan mo na ayusin ang sa inyo ni Mahana kahit alam natin na konting panahon na lang ay malalaman na natin kung sino ang may kagagawan ng pekeng kasal niyo. Tapos ngayon, nireject mo ang seminar na pinapangarap mo simula pa nong highschool tayo, para ano? Para kay Mahana na naman? Pre, ang dami mo ng sinasayang na opportunity oh." Pamamaktol nito dahil hindi na siya natutuwa sa mga desisyon na ginagawa ni Luis.

Sinubukan niyang pakalmahin si Kenneth dahil pansin nito ang pagtataas ng boses nito sa kaniya. "Ken, may susunod pa naman e, pwede pa 'kong magpasa ulit ng application para sa seminar na 'yon, malay natin maimbitahan ulit ako, 'di ba?"

"Maimbitahan tapos irereject ulit? Tsk!" Napahilot sa sentido na usal ni Kenneth. "Pre, naiintindihan ko naman na mahal mo si Mahana e, nakikita ko 'yong effort mo. Pero, hindi naman yata tama 'to, to the point na sinasayang mo na lahat e. May tamang oras para sa mga bagay-bagay, Luwi, itatak mo 'yan sa kokote mo." Panenermon ni Kenneth.

"Exactly, Kenneth, there's a perfect time for everything.  Kaya nga ginawa ko 'yon e. Nireject ko 'yon kasi naniniwala ako na perfect ang pagkakataon na ito para ayusin ang sa amin ni Mahana. Pre, nasimulan ko na oh, ngayon pa ba ako hihinto?" Pagpapaliwanag nito.
"Okay, para matahimik ka, after ng proposal ko kay Mahana, aasikasuhin ko ulit 'yong application ko para sa seminar na 'yon. Sisiguraduhin ko sa'yo na makukuha ulit ako, Ken." Pagpapakalma nito dahil ramdam niyang nag-aalala ng sobra si Kenneth sa kaniya.

"Tss. Bahala ka dyan. Dahil diyan sa ginagawa mo, talagang madedelay ang pagiging successful mo sa buhay." Inalis ni Kenneth ang kamay ni Luis na nakapatong sa balikat nito dahil sa inis.

"Kaysa naman 'yong pagiging mister ko sa kaniya ang madelay, di ba?"

"Psh! Ewan ko sa'yo. Ulul." Saka nagwalk out si Kenneth.

-

"Goodmorning.."

Hinawakan niya sa beywang si Mahana na noon ay tanging bathrobe lang ang suot nito. Walang kahirap-hirap niyang niyakap ang nakatalikod na bulto ng babae saka ipinatong ang baba nito sa balikat ni Mahana.

Akma niyang hahalikan ang babae noong mabilis na umilag ito. "Oh, hindi ka pa nakakapagtoothbrush."

Napasimangot tuloy siya kaya pinagtawanan siya ni Mahana. "Isa lang e." Sinubukan niya ulit homopya ng halik pero bigo siya kaya nakarinig siya ng pagtawa mula sa babae.

"Umagang-umaga, minamanyak mo na 'ko."

"Anong manyak? Paglalambing ang tawag dito 'no. Tsaka, anong masama, asawa naman kita e. Mamanyakin kita kahit anong oras ko gusto." Pilyong tugon ni Luis.

"Baliw ka! Magtigil ka nga. Kumalas ka na at maliligo na 'ko." Utos niya sa lalaki at pilit na inaalis ang braso ni Luis na nakayakap sa kaniyang katawan.

"Aalis ka?"

"Oo, may lakad kami ni Kayejell ngayon e. Sasamahan ko siya sa checkup niya e sakto na may trabaho si Adrian kaya walang sasama sa kaniya. Kaya bilang mabuting kaibigan, ako na ang nagprinsinta  na sumama sa kaniya. Alam mo na, buntis, hindi dapat hayaan na mag-isa." Paliwanag ni Mahana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon