Chapter 20: Signs

103 3 0
                                    


"Uy! Pameryenda ka naman dyan." Kinalabit ako ni Mahana sa may binti ko, nakahiga ako ngayon dito sa kama habang naglalaro ng online games sa selpon ko. Wala akong lakad ngayon kaya tatambay na muna ako dito sa bahay.

"Meryenda? Katatapos lang natin kumain ng lunch." Sagot ko.

Wala pa yatang isang oras matapos namin kumain ng tanghalian ay gutom na naman ang babae. Madami namang ipinahanda si Lola kanina kaya paano na hindi 'to nabusog? Akala mo naglilihi na parang..... No!

Napatitig ako ng makahulugan sa kanya. Ni hindi ko na inisip iyong paglalaro ko sa selpon kung matalo man ito dahil may kung anong enerhiya ang humigop sa akin para titigan siya at suriin ang kanyang mukha.

"Oh, bat ka naman ganyan makatingin sa'kin?" Nagtatakang tanong nito nang mahuli nito na nakatitig ako sa kanya ng makahulugan.

Napaiwas ako ng tingin sabay iling ng ilang beses. Potangina! Nag-ooverthink na naman ako. Naalala ko bigla ang mga paalala ni Rhaiven sa akin kahapon.

"Oorder na 'ko ah. Ikaw magbayad."

Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag na umorder ng makakain online. Nawala bigla ang pokus ko sa paglalaro dahil sa unang sign na sinabi ni Rhaiven sa akin. Ayoko sanang bigyan iyon ng ibig-sabihin dahil baka hindi siya nakakain ng maayos kanina kaya ito nagutom. Pero, nakakaoverthink talaga e.

"Maam, heto na po 'yong order niyo po." Dinala ng isang yaya iyong bagong dating na order ni Mahana na makakain. Nakalagay ito sa color brown na paper bag at wala siyang kahirap-hirap na inilabas isa-isa ang kanyang mga pinamili sa kama kung saan kami naroon.

"Uy! Bayaran mo na." Utos nito sa akin. Hindi ko alam kung anong mabuting hangin ang nagtulak sa akin upang tumayo at ibigay sa yaya iyong bayad sa ipinadeliver ni Mahana na makakain.

Hindi manlang ako natakam sa mga inorder niyang mga pagkain. Laking gulat ko dahil kabundok ang inorder nito na animoy hindi kumain ng isang taon. Diring-diri ako sa paraan nito sa paglamutak sa mga pagkain. Ni hindi pa yata siya naghugas ng kamay.

Nakatayo ako sa tapat niya, pinapanood lahat ng kinikilos niya. Salubong ang mga kilay ko at hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaibang takot na baka totoong buntis nga siya. Unang sign pa lang, pasado na siya. Tsk!

"Uy! My water."

Pinanood ko siya na umalis sa kama at sinundan siya ng tingin patungo sa vanity table dahil kukunin niya iyong tumbler niya. May hawak-hawak pa siyang burger sa kanyang kamay.

"Shocks!"

Parehas kaming napatingin sa nalaglag na patty ng kanyang burger. At mas napanganga pa ako sa mga sumunod na nangyari. Animoy takbo ng kabayo sa bilis ang pagpulot na ginawa ni Mahana sa patty na nalaglag sa sahig.

"What the fuck? Nalaglag na 'yan, ba't kinuha mo pa?" Nandidiring tugon ko habang nakaduro sa kanyang pagkain.

"Sayang e. Wala pa namang five seconds kaya okay pa 'to." At nakita ko kung paano niya kagatin iyong burger niya na may palaman iyong patty na nalaglag kanina sa sahig. Matapos niyang kumagat sa burger ay nilayasan na niya ako at nagtungo siya pabalik sa kama.

"Yuck! Kadiri!"

-

"Tok! Tok! Tok!"

Nabuhayan ang buong sistema ko nong marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng banyo na kinaroroonan ko. Kasalukuyan akong naliligo ngayon dahil may lakad akong pupuntahan.

"Uy! Teka lang,  naliligo pa 'ko." Sigaw ko. Hinahayaan ko na dumaloy ang tubig sa buong katawan ko dahil nagbabanlaw na ako, katatapos ko lang maglagay ng sabon sa katawan ko.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon