Chapter 25: Probinsiya

115 2 0
                                    

"Welcome to Baresbes!"

Pagkababa nila ng sinakyan nilang bus ay bumungad sa kanila ang malawak na berdeng palayan. Sariwa ang hangin at napakagandang paligid ang makikita. Hindi kagaya sa syudad, imbes na nagtatayugang mga gusali ang makikita ay mga punong ang mga dahon nito ay sumasayaw dala ng simoy ng hangin.

"Okay.." tipid na tugon ni Luis, nabuburyo ito. Sa tono ng boses nito ay halatang hindi siya masaya. Walang bahid ng tuwa ang makikita sa mukha nito.

"Hindi ka manlang ba tatalon sa tuwa? Ang ganda kaya ng tanawin tapos napakalamig pa 'yong simoy ng hangin." Nakangusong depensa ng babae. Kinuha niya kay Luis iyong bagahe niya upang siya na ang magdadala non. Alam naman niyang hindi gentleman itong si Luis.

"Hindi ako OA kagaya mo." Singhal nito, isa-isa niyang inalis ang earpods na nakasuksok sa kanyang teinga. Pagkatapos ay hinawi nito ang ilang butil ng pawis na namuo sa kanyang noo. Datapwat niyang ginamit pamaypay ang kanyang kamay dala ng init. "Saan na tayo nito? Fuck! Ang init!"

"Psh! Ang sungit." Segunda ni Mahana, sinimangutan niya pa ito ng bahagya. "Tara don, sasakay tayo ng traysikel." May tinuro niyang banda kung saan nakaparada ang mga namamasadang traysikel.

Nasa gawing labas pa sila ng barangay, wala pa sila sa Sitio kung saan ang pakay nila. Kaya para makarating doon ay kinakailangan nilang sumakay ng traysikel.

Nakasunod na parang tuta si Luis kay Mahana, tinahak nila ang napakainit na daan papunta sa paradahan ng traysikel sa gawing kanan, katabi ng computer shop.

Hindi maipinta ang mukha ni Luis hindi dahil sa init ng panahon kundi sa inis dahil nakarating siya roon na labag sa kanyang kalooban. Nag-iisip siya ng paraan kung paano tatakasan ang babae dahil kinakailangan niyang bumalik ng Manila.

"Manong, sa Sitio Taguipuro nga po." Tugon niya sa lalaking may ari ng traysikel. Tinanguan siya nito saka tinulungan na isakay ang kanilang mga gamit. 

Naunang sumakay si Mahana sa loob ng traysikel habang si Luis ay nasa labas pa rin, pinapanood ang mga nangyayari habang salubong  ang mga kilay. May kasikipan ang traysikel kaya hindi sila magkakasya sa loob.

"Tara na!" Anyaya niya kay Luis na nakatayo pa rin sa labas.

"Saan ako sasakay?"

"Dyan sa likod ni manong." Tinuro niya ng bahagya ang may space sa likod ng traysikel driver.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Luis. Hindi siya sang-ayon sa gusto ni Mahana. Never niya pang naranasan sumakay sa ganoon klase ng sasakyan. Sa buong buhay niya, hindi niya pa nararanasan magcommute dahil may sarili naman itong sasakyan.

"Huwag ka na maarte dyan, sumakay ka nalang. Marunong ka naman sigurong kumapit 'no?"

"Paano kapag malaglag ako dyan?"

"O edi tanga ka!"

"Tsk!"

"Sumakay ka na kasi para makalarga na tayo. Ang daming arte e. Wala kang ibang masasakyan kundi ito lang, wala kang choice."

"Okay! Fine!"

Ipinahawak ni Luis ang kanyang mga bagahe kay Mahana sa loob dahil hindi siya makakakapit ng maayos sa likod kung may gamit siyang hawak. Pagkatapos non ay pumaroon na siya sa likod ng driver, sa sobrang katangkaran niya ay kinakailangan niya pang yumuko para hindi mauntog sa medyo mababang bubong ng traysikel.

Habang nasa byahe sila, hindi maiwasan ni Luis ang mamangha sa ganda ng paligid. Sanay siya sa view ng syudad kaya mangha-mangha siya ngayon dahil may maganda pala sa nakasanayan niya. Hinahayaan niyang dumapo ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang mukha. Nagulo ng bahaya ang kanyang buhok na tinatangay ng hangin. Hindi siya naburyo buong byahe sa napakagandang tanawin na kanyang nakikita.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon