Chapter 23: Isiwalat

106 2 0
                                    

"Ibalik mo na 'yong passport ko."

Inilapag ni Mahana iyong kamay niya sa harapan ni Luis na noon ay nakaupo sa dulo ng kama. Pinapanood niya kanina si Mahana na nag-impake sa mga gamit nito. Tinawagan siya ni Rhaiven pagkahatid nito kay Mahana at ipinaalam ang binabalak ng babae na magsusumbong na ito sa kanyang Lola. Napasugod kaagad siya ng uwi at hindi niya hahayaan si Mahana na gawin iyon.

"You signed the agreement at nakasaad doon na saka ko lamang ibibigay ang passport mo kapag nagawa mo ng maayos ang trabaho mo, kapag naibigay na ni Lola yong reward." Malamig na tugon ni Luis na animoy walang pakialam sa paglalayas na gustong gawin ni Mahana.

Napabuntong-hininga ng malalim si Mahana. Gusto niyang pektusan sa mata itong si Luis dala ng inis pero pinigilan niya ang kanyang sarili.

"Hindi ko na kaya ang pinapagawa mo kaya mag-quit na ko sa kasunduan natin." Depensa nito. "Akin na 'yong passport ko."

"No!" Tumayo si Luis sa pagkakaupo sa dulo ng sofa at sinundan naman siya ng tingin ni Hana. Tingin na gustong kumitil ng isang buhay.

"Luis ano ba! Sabing ayoko na e. Pagod na 'ko. Pagod na ko sa pagpapanggap. Pagod na ko sa pakikisama sayo. Pagod na ko sa ugali mo. Kaya bago pa 'ko mamatay dahil sa'yo, ititigil ko na 'to ng maaga. Kaya please, ibalik mo na ang passport ko." Pagmamakaawa ni Mahana at konti nalang ay lumuhod siya sa harapan ng lalaki mapapayag lamang ito.

"Then give it back those fucking payments I gaved to you, in CASH!" pagdidiin ni Luis sa kanyang mga salita.

"Psh! Oo, ibabalik ko naman e, kung yon ang gusto mo. Huwag kang mag-alala, uunti-untiin ko yon ibabalik para matigil yang pagputok ng nguso mo."

"Ayoko ng hulugan, gusto ko ng isang bagsakan."

Napatigil si Mahana sa gulat. Hindi siya inform na kapag naniningil ang lalaki ay isang bagsakan pala ang bayaran.

"Luis, ano ba! Seryoso ako!" Nagpapadyak na sa inis si Mahana.

"I'm serious too. Ibabalik ko yong passsort mo kapag buo mo na naibalik yong pera. Buo, hindi hulugan."

Napailing-iling si Mahana sa inis. Alam niyang ginagawa lahat ni Luis para maipit siya sa sitwasyon. Gumagawa ng paraan si Luis para iurong niya ang mga binabalak niyang gawin. At mas pinapamukha ng reyalidad na wala siyang laban.

"Hindi ganitong klase ng solusyon ang gusto ko, Luis. Nakikiusap na ko ng maayos dito. Kung ganto lang din na pinagdududahan mo'ko, ano pang silbi ko? Mas mainam na itigil na natin 'to, ipaalam na natin sa lahat na peke lang yong kasal natin. Kung iniisip mo 'yong reward, Luis, makukuha mo naman yata yon ng hindi nakadepende sa lola mo."

Tinapunan siya ng tingin ng lalaki. "Hindi mo alam kung gaano kaimportate yon sakin, Hana. Na kahit alam kong mahihirapan ako sa set up natin, i take the risk just to get that fucking reward."

"Kailangan mo nga ko, oo, pero ikaw ang gumagawa ng paraan para sukuan kita, Luis."

Natigilan si Luis dahil napagtanto niyang totoo na siya ang gumagawa ng paraan para magsawa si Hana sa kanya. Siya ang tanging gumagawa ng rason para maging miserable ang lahat ng bagay sa pagsasama nila. Na kahit hindi totoo ang pagsasama nila, alam niyang nasasaktan niya si Mahana katulad ng totoong mag-asawa.

"Kaya bago humantong sa iba yang pagdududa mo sa akin, tigilan na natin 'to. Ibalik mo nalang 'yong passport ko, at oo, ibabalik ko rin ng buo yong pera. Hahayaan kita na ikaw nalang ang magsabi sa Lola mo. Binibigyan kita ng isang araw para gawin 'yon at kung hindi, ako mismo ang pupunta sa kanya at magsasabi."

Kinuha na ni Mahana ang kanyang mga gamit at walang imik na lumabas ng kwarto. Sakto na wala ang lola ni Luis kaya malaya siyang makaalis ng bahay. Hindi na siya umaasa na hahabulin siya ni Luis dahil wala naman itong pakialam sa kanya.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon