"Mamang!"
Napunta ang tingin ni Luis sa matandang babae na bagong dating lamang. Nakasuot ito ng pangbukid, at saktong nagtama ang kanilang tingin. Mukhang kilala rin siya ng ginang dahil pigil ang ngiti nito na inilahad ang kamay upang magmano si Mahana.
"May kasama ka pala, nak." Ani ng ginang, tinutukoy si Luis na noon ay napaiwas na ng tingin.
Sinundan ng tingin ni Mahana iyong titig ni Cynthia, ang kanyang mamang.
"Ah, Luis, si Mamang ko pala, Mamang si...si Luis po." Kagat-labi na pagpapakilala ni Mahana sa kanyang bisita.
Tumayo si Luis, ay walang kahirap-hirap na inilahad ang kamay nito upang makipagshakehands. Tinanggap iyon ni Cynthia na may ngiti sa kanyang mga labi. Matapos makipagkamay ay bahagya siyang napabulong kay Mahana. "Saan ka nakabili ng gayuma at kasama mo itong si Luis ha?"
"Mang! Tumahimik ka." Suway nito.
"Ah Luis, huwag kang mahihiya ah? Feel at home lang." Usal ng ginang.
"Sige po."
"Naku! Pasensya na, madumi ako, galing ako ng bukid e. Teka at magpapalit ako." Pagpapaalam nito at iniwan na ang dalawa sa may sala.
"Mama mo?" Pagkuha ni Luis sa atensyon ni Mahana na noon ay nililigpit na ang kanilang pinagkainan.
Napailing si Mahana. "Tita ko, kapatid ng mama pero para ko na siyang nanay." Paliwanag ni Mahana. "Iinom ka pa ba?" Tanong niya, itinaas nito ang ginamit ni Luis na baso.
"Busog na ko. Thanks." Sagot nito. "Then, where are your biological mother?" Pagtatanong niya ulit.
Napahinto si Mahana sa pagliligpit na kanyang ginagawa. Hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay magkakainteres si Luis sa kanyang personal na buhay. Noon lamang nagtanong ang lalaki sa kanya patungkol sa kanyang pagkatao.
"Ang dami mong tanong. Magpahinga ka nalang muna." Segunda ni Mahana, tumayo na ito habang hawak-hawak iyong mga kubyertos na kanilang ginamit.
Sinundan ni Luis ng tingin ang babae na pumunta sa kusina upang ligpitin ang kanilang pinagkainan. Alam niyang may tinatago si Mahana sa kanya at kung ano man iyon ay hindi siya papatihimikin ng kanyang isip sa kuryosidad.
Busy ang mag-anak sa paghahanda ng kanilang hapunan kaya naman naisipan ni Luis na magmunimuni muna sa likod bahay. Mainit din kasi sa loob kaya lumabas siya upang makalanghap ng sariwang hangin. Nakaupo siya sa bangko, nakaharap sa malawak na bukirin.
Sinubukan niyang gumawa ng paraan para masundo siya nina Kenneth pauwi. Ayaw niyang magtagal roon. Mahalaga ang bawat segundo sa kanya, mas gugustuhin niyang igugol ang oras sa paghahanap ng lunas sa kanyang problema.
Para makasagap ng signal ang kanyang hawak na selpon, itinaas niya ito sa ere para magsend ang kanyang text kay Kenneth. Pero ilang minuto na siyang nagtatry isend iyon ay wala pa rin, failed pa rin iyon na nasesend.
"Shit! Magsend ka naman!" Pakikipag-away niya sa kanyang selpon. Sinubukan niya ulit na isend ito pero wala pa rin.
"Mauuna ka pa yatang mamatay bago masend 'yan." Pagsulpot ni Mahana sa kanyang likuran. Umusog siya ng konti nong maramdaman niya na tumabi ng upo si Mahana.
"What do you mean?"
"Walang signal dito." Sagot ni Mahana.
"What?"
"Oum, sa bayan lang meron."
"The fuck! Argh!" Muntik maihagis ni Luis ang hawak na selpon dala ng inis. Napabuntong-hininga siya ng malalim at napamura sa loob-loob niya. Masyado na siyang paborito ng kamalasan kung kaya't sunod-sunod na.
BINABASA MO ANG
Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy
JugendliteraturIsang malaking bangungot ang pagdating ng isang marriage contract kay Luis na babago sa kanyang buhay. Matatali siya sa babaeng kinaiinisan niya ng sobra at kailanman hindi niya hiniling na maging asawa. At para makuha ang inaasam nitong mana, nakiu...