Chapter 36: Hero

65 2 0
                                    

"Mang! Ang daya mo naman e. Bakit hindi ka manlang nagsabi?"

Umiiyak na hawak-hawak ni Mahana ang kamay ng kanyang Mamang na nakahiga sa may hospital bed na walang malay. Kaaalis lamang ng doctor na tumingin sa kanya at ipinaalam ang kalagayan nito. Hindi normal ang pagdaloy ng dugo nito sa buong katawan niya dahilan para manghina siya't unti-unting naubos ang kanyang lakas. Itinago niya iyon kina Mahana dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito.

"She's going to be fine, Hana." Pagpapakalma ni Luis sa kanya. Hinahaplos-haplos ni Luis ang kanyang likuran, dinadamayan siya nito.

Kahit gusto niyang pumunta sa bayan upang maghanap ng raket, hindi kakayanin ng konsensya ni Luis na iwan si Mahana at ng Mamang nito. Siya ang kasama ni Mahana sa pagbabantay, umaga hanggang gabi. Nakita niya kung paano nalungkot si Mahana sa loob ng ilang araw. Hindi niya ito makausap ng maayos. Nag-aalala siya ng sobra. Gayunpaman, sinisikap na lamang ni Luis na huwag ipahalata ang kaba at takot niya sa babae. Sasamahan niya ito hanggang sa makalabas sila ng ospital. At habang patagal ng patagal ang pananatili nila sa ospital, mas lumalaki naman ang babayaran nila.

"Megan, samahan mo muna si Manong mo na magbantay kay Mamang ah, pupunta lang ako ng bayan."

"Sige, Manang."

Inihanda ni Mahana ng kanyang sarili para makagayak na papunta ng bayan. Isinuklib niya sa kanyang balikat ang sling bag na kanyang dadalhin.

"Samahan na kita." Prisinta ni Luis.

"Hindi na, kaya ko naman e. Dumito ka nalang."

"Pero baka mapano ka don, samahan na kita."

"Luis, okay lang ako."

" No, you're not."

Ginawaran siya ng pekeng ngiti ni Mahana. "Mabilis lang ako, babalik din ako kaagad."

Walang nagawa si Luis kundi ang magpaiwan nalang. Alam niyang kahit na anong pagpupumilit ang kanyang gawin, hindi siya papayagan ni Mahana. At sinamahan nga siya ni Megan na noon ay nilalamon rin ng antok dahil sa ilang gabi na puyat dahil sa pagtatrabaho para lang makapagbigay ng pera para bill ng kanilang Mamang.

"Manong, kain ka na muna." Iniabot ni Megan ang isang pack lunch na kanyang binili sa labas kay Luis.

"Thank you."

Nagsimula na silang kumain. Tulog na naman si Mamang matapos makainom ng gamot. Kahit papaano ay bumubuti na ang kalagayan nito na kanilang ipinagpapasalamat. Tahimik silang kumakain pero hindi mapakali si Luis dahil dalawang oras na pero hindi pa din bumabalik si Mahana.

"Megan, sunduin ko na kaya yong Manang mo? Wala pa siya e, sabi niya mabilis lang siya."

"Baka natagalan lang maghanap ng masasakyan, Manong."

Natahimik na ulit sila. May kung anong ideya na naisip si Luis. Hindi siya pinatulog ng kanyang tanong kay Mahana na wala siyang natanggap ni isang sagot. Nagbabakasakali siyang may alam si Megan sa bagay na iyon kaya susubukan niyang magtanong.

"Ahh.. Megan, can I ask?"

"Ano 'yon, Manong?"

"Na-nasaan pa ang mama at papa niyo?" Lakas loob na tanong ni Luis.

Ilang segundo ang nakalipas bago tuluyang sumagot si Megan.

"Naku! Manong, si Manang lang ang nakakaalam ng sagot dyan."

Naguluhan siya lalo. Nagtaka siya kung bakit walang alam si Megan patungkol sa bagay na iyon gayung magkapatid naman sila ni Mahana. Gusto pa sana niyang magtanong pero natauhan siya nang may ibulong si Megan na hindi nakaligtas sa kanyang pandinig.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon