Chapter 34: Suspicion

120 3 0
                                    

"Fuck! Talagang sinasagad nila ang pasensya ko."

Napatalon ang puso ni Mahana sa gulat matapos marinig ang di inaasahang pagsuntok ni Luis sa pader ng kanilang likod bahay. Kinabahan siya ng sobra noong makita ang kabuuan ng lalaki na nag-aalburuto ito sa galit.

"Luis, kumalma ka." Kinakabahan na usal ni Mahana. Sinusubukan niyang pakalmahin si Luis dahil natatakot siya sa pwede nitong gawin.

Hinarap siya ng lalaki, nasindak siya sa binigay na titig ni Luis. "Tangina! Iniipit nila tayo, Hana. Ginagawa nila lahat para hindi matuloy yong annulment natin."

"E, hi-hindi naman tayo sigurado kung sila yong may kapakanan sa pagkamatay ni Jade e. Ayon naman kay Kenneth, under investigation pa, wala pang suspek." Depensa ni Mahana, nanginginig ang bawat sulok ng kanyang labi habang nagsasalita. Hinihimas nito ang kanyang mga palad at ramdam na ramdam niya ang panlalamig ng mga iyon dala ng kaba.

"Tsk! Sino pa ba ang aasahan natin na gagawa non kay Jade? Hana, alam ni Jade kung sino ang may kapakanan ng pekeng kasal natin. At sigurado ako, sila ang pumatay kay Jade knowing na nagpadala siya ng sulat sa'kin nong nakaraan. Maraming mata ang nakamatyag sa kanya at sa takot na maisiwalat ni Jade ang katotohanan, pinili na nilang patahimikin ito habambuhay."

Nasindak si Mahana sa takot na baka sa susunod ay sila na ang madamay. Kinakabahan siya sa mga pwedeng mangyari. Hindi na biro ang sitwasyon na kinalalagyan nila. Sa bawat araw na lumilipas, may kaakibat na takot siyang takot na nararamdaman hindi lang para sa kanyang sarili kundi pati na rin kay Luis.

"Luis, ni hindi tayo sigurado kung totoong kakampi natin si Jade."

Nakakunot-noo siyang sinulyapan ni Luis. "Kilala ko si Jade, hindi niya ako tatraydurin ng ganito, Hana."

"What if siya nga talaga 'yong mastermind?"

Mas lalong namuo ng pagtataka sa mukha ni Luis. "Saan mo nakukuha ang mga salita mong 'yan, Hana? May alam ka ba sa pekeng kasal natin?"

Napailing-iling si Mahana, napabuntong-hininga muna ito ng malalim bago ulit nagsalita. "Luis, ang akin lang, hindi tayo sigurado kung totoong kakampi natin si Jade. Malay natin kung pinapaikot niya lang tayo para pagtakpan niya ang sarili niya, para pagtakpan yong ginawa niya at sa iba natin ibaling ang sisi."

Napahilot ng sentido si Luis, napapikit at napabuga ng hangin sa labis na inis na nararamdaman. Hindi na siya makapag-isip ng maayos. Naguguluhan na siya ng sobra lalo na at dumagdag yong theory ni Mahana.

Sinubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili.

"I really need to go back to Manila as soon as possible." Tugon ni Luis habang nakatingin sa malayo ngunit hindi pa rin nagbabago ang awra ng kanyang mukha na gustong pumatay. "Hindi ko na kayang patagalin pa 'to. Kating-kati na akong pumatay ng tao para sa hustisya na nararapat sa akin."

Napalunok si Mahana noong makita na nakayukom ang mga kamo ni Luis na kahit na anong oras ay handa na itong sumuntok sa galit. Hindi niya alam kung anong pagpapakalma ang kanyang gagawin para mailayo sa kapahamakan ang lalaki. Hinihiling niya na sana walang mangyari sa kanilang dalawa

-
"Pogi, gising ka na pala."

Nagmano siya kay Mamang na sumalubong sa kanya nong pumaroon siya sa kusina pagkagising. Kanyang inilinga ang mata sa paligid upang hulihin sana ang bulto ni Mahana pero ultimo anino nito ay hindi niya makita.

"Hinahanap mo ba si Hana?" Tanong ng ginang sa kanya.

Tumango siya. "Opo, nasaan po sya?"

"Ay, maagang umalis, may aasikasuhin daw siya saglit sa bayan pero mayamaya nandito na din 'yon." Ipinaghanda siya ng ginang ng makakain, inasikaso siya nito sa pagkain niya ng umagahan.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon