Chapter 18: Hotness

121 4 0
                                    

"Hindi pa rin ba kayo bati?"

Kumabog ng mabilis ang puso ko nang mapunta ang atensyon ni Lola sa aming dalawa ni Mahana. Nasa hapag kainan kami ngayon kasalo siya. Magkatabi kami ni Mahana pero wala kaming pansinan. Ni hindi kami tabi matulog kagabi dahil sa mainit na sagutan namin.

Walang sumagot sa amin ni Mahana, kahit nakayuko ako, alam kong nakatitig si Lola sa aming dalawa. Malamang pinapakiramdam niya kaming dalawa ng misis ko.  Gusto kong magsalita at ipaglaban ang sarili ko pero kusang umatras ang dila ko.

"Ayusin niyo 'yan. Walang ibang aayos nyan kundi kayo lang." Panenermon ni Lola sa amin. "Naiintindihan niyo ba, Luis at Hana?"

Nauna akong tumango at sinundan iyon ni Mahana pagkatapos ay nabalot na ulit ng katahimikan ang hapag kainan. Gutom naman ako sa tingin ko pero hindi ako kakapokus sa pagkain dahil sa wirdong presensya ni Mahana sa tabi ko.

"Aalis na po ako."  Tumayo ako, pinunasan ang labi ko gamit ang table napkin. Lumapit ako kay Lola upang humalik sa pisngi nito. Maglalakad na sana ako paalis ng dining area nang magsalita si Lola.

"Hindi ka manlang ba magpapaalam sa misis mo, Apo?"

Napalunok ako sa sinabi ni Lola. Nagtama pa ang tingin namin ni Mahana na bahagyang napahinto sa pag-kain. Halata naman sa boses ni Lola na sinadya niya iyon para magbati kami ni Mahana. Wala akong nagawa kundi ang lapitan si Mahana upang magpaalam na.

Isa sa mga malalang pagpapanggap sa buong buhay ko ang ginawa ko sa harapan mismo ni Lola. Nagkunwari akong sweet kay Mahana na animoy sinusuyo siya.

"Alis na 'ko, love." Malambing na tugon ko kay Mahana na bahagyang napahinto sa kanyang ginagawa. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa pisngi nito.

Kitang-kita ko sa gilid ng mata ko na abot hanggang teinga ang ngiti ni Lola dahil sa nakita nitong eksena sa amin ni Mahana. Konti na lang ay iisipin ko na  iniimagine niyang gumagawa kami ng bata dahil sa mga ngiti niya. Nababaliw na kumbaga ang lola ko na para bang isang teenager.

Ngiting pilit ang naisagot ni Mahana sa ginawa ko. Alam kong naiilang siya sa paghalik ko sa pisngi niya dahil hindi naman namin karaniwang ginagawa iyon.

Hindi pa ako nakuntento ay hinaplos ko ang buhok nito saka hinalikan na naging dahilan para mapatili si Lola sa kilig lalo na nang marinig niya ang tatlong salita na dapat kay Misty ko lang sasabihin.

"I love you.."

-

"Hindi pa niya alam, Kuya?"

Napahinto ako sa pagpipindot sa gaming console ko, narito ako sa kwarto ko dito sa may condo. Wala naman akong ibang pupuntahan bukod dito. Dito, payapa at malaya ako hindi katulad don sa bahay ni Lola na kinakailangang limitahan lahat ng galaw ko. Mabuti na lamang at hindi ipinagbawal ni Lola na pumunta dito kapag gusto ko

"Who?"

"Ate Misty.." sagot niya. Napatingin ako saglit sa kanya bago ibinalik ulit sa paglalaro ang aking atensyon. "Hindi pa niya ba alam yong tungkol sa inyo ni Ate Hana?"

"She doesn't need to know it.." sagot ko habang abala sa pagpipindot sa gaming console. Naisipan ko nalang na maglaro para mawala saglit yong inis ko sa mundo.

"Partida ah! Hindi mo pa siya girlfriend, nagloloko ka na what else pa kung sinagot ka na niya." Satsat ng kapatid ko dahilan para matigilan ako.

Tinapunan ko siya ng tingin. "Hindi ako nagloloko, Alyssa, it's just part of my problem. Iba yong nagloloko sa may problema. Iyong sa amin ni Hana, problema yon, walang ibang ibig-sabihin yon na involve yong sa amin ni Misty."

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon