Chapter 37: Paliwanag

79 2 0
                                    

"Sasabihin mo ang totoo o tutuluyan kong sirain yang bungo mo, ha?"

Mabilis na pinigilan ni Mahana si Luis na akmang susugurin na naman ang nakarambulan niya noong ipinagtanggol niya si Megan laban sa pambabastos ng mga ito.

"Kap, siya naman po talaga kasi ang nauna e. Hinusgahan niya po ako kaya ko po siya naisipang suntukin." Pagmamakaawa effect ng nakasapakan nito.

"Aba! Sinabihan ka lang naman ng may mas gwapo sa'yo, napikon ka na?" Tawa-tawang usal ni Luis. Nakatanggap tuloy siya ng hampas mula kay Mahana. "Mawalang galang na po ah, kaya lang naman po ako nakipagsuntukan sa mga yan dahil below the belt po yong pambabastos nila kay Megan. Kung ano-anong mga hindi malunok na salita ang binitawan ng mga pangit na yan. Kahit naman po siguro kayo gagawin yong ginawa ko para lang maipagtanggol si Megan e. Kung hindi po sila sisitahin, malamang, mas marami pa silang mabubully dyan sa gawain nila. At isa pa, wala po silang karapatan para bastusin ang sister in law ko."

Sa kuwadradong silid ng barangay hall na kinaroroonan, wala ni isang nakapagsalita dahil sa mga sinabi ni Luis. Maski yong mga tambay na bumastos kay Megan ay bigla yatang napahiya. Samantala, manghang-mangha naman si Mahana sa pagtatanggol na ginawa ni Luis sa kanyang kapatid.

Nagtagal sila sa barangay hall upang mabusising pag-usapan ang isyu na iyon. Pinatawanan ang mga tambay ng parusa saka pinagbayad ng multa habang si Luis ay wala silang parusa na ibinigay dito dahil biktima sila ni Megan.

"Manong, sorry nadamay ka pa." Paghingi ni Megan ng tawad sa lalaki nang palabas sila ng barangay hall.

"Wala 'yon. Mali naman talaga kasi 'yong ginawa ng mga pangit na yon e."

"Salamat na din."

Napatango si Luis at bahagyang ginulo ang buhok ni Megan. "Basta kapag babastusin ka ulit ng mga yon, sabihin mo sa akin at ng matuluyan ko na talaga yong mga mukha nila ah."

"Opo, Manong."

"Wala ni isa ang pwedeng umapi sa'yo dahil makakatikim talaga sila sa akin."

-

"Aray! Ang sakit, Hana. Huwag mo naman masyadong diinan."

Pigil ang iyak na reklamo ni Luis habang abala si Mahana na ginagamot ang sugat sa gilid ng labi nito dala na pakikipagsapakan nito sa mga tambay.

"Magtiis ka, ginusto mo 'to, di ba?" Sermon ni Mahana. Mas lalo niyang diniinan ang hawak na bulak panlinis sa sugat nito dahilan para mapaaray si Luis at mapailag. "Ngayon todo iwas ka sa kakarampot na bulak, e sa sapakan kanina, hindi! Akala mo nasa action movie ka kung makasapak kanina."

"Aray!" Napailag ulit si Luis dahil hindi niya kinakaya ang sakit ng panlilinis ni Hana sa kanyang sugat. "Ako na nga 'tong nagmagandang loob, ako pa napasama."

"Aba! Nakipagsapakan ka pa talaga kaysa inintindi nalang sila at nakiusap ng maayos."

"Alangan naman na hayaan ko silang sirain tong pagmumukha ko. Tsk! Ipinagtanggol ko na't lahat si Megan, mali pa 'ko? Pwede bang magpasalamat ka nalang?" Iritableng tugon ni Luis.

"Kaya mo naman ipagtanggol si Megan ng hindi nakikipagbasagan ng bungo." Sermon ni Mahana, inaayos na niya ang first aid kit na kanyang ginamit sa panggagamot kay Luis.

"E sa inubos nila ang pasensya ko e. Sila pa ang naunang sumapak sakin, gumanti lang ako. Mapapatay nila ako kung hindi ako gumanti." Depensa ni Luis.

"Ewan ko sa'yo."

Nilayasan siya ni Mahana palabas ng kwarto nito upang kumuha ng bimpo panlinis sa braso nito na may sugat din. Bumalik siya sa kwarto kung nasaan si Luis na may hawak  na maliit na batya na may laman na tubig. Nagbuhos siya ng alcohol roon at naupo sa tabi ni Luis na abalang sinusuri na noon ang kanyang mga natamong sugat sa katawan.

Playboy Series #2: Accidentally Married To A Playboy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon