Prologue

67 9 0
                                    

Prologue

Madilim. Tanging lamp post lang yata ang nagbibigay liwanag sa paligid.

Sunod sunod ang naging pagpatak ng aking luha habang panay ang hikbi. Buti na lang at walang tao dito, makakapag-emote ako ng ayos.

"Hindi ako makapaniwala" reklamo ko sa sarili

Tinitigan ko ang anino ko sa kalsada, ang lonely tingnan. My tear fell kaya nag-blur na naman ang paningin ko

"Kainis! Wala akong dalang panyo!" bulong bulong ko sa sarili.

"Here," a man's voice suddenly appear out of silence and... darkness!

"Kabayo!" gulat na gulat ako, napahawak pa sa may dibdib ko.

Nag-angat ako ng tingin, nanlalaki ang mata. Medyo kinakabahan kasi baka ineengkanto ako

Natawa sa akin yung lalaki, hindi naman klaro sa paningin ko ang mukha niya basta inabutan niya lang ako ng panyo. Tinanggap ko agad, baka magbago ang isip.

Naupo siya sa pavement, katabi ko pero may distansya pa din. Walang pagdadalawang isip akong suminga dahil kanina ko pa ramdam na barado ang ilong ko. Kadiri lang.

"Boyfriend?" he asked like we're close.

Ay, si koya?

"Ha?" nagsalubong ang kilay ko. Anong boyfriend boyfriend ang pinagsasasabi niya diyan??

"You broke up with your boyfriend?" tanong niya, naiyak ulit ako. "What's wrong?" siya na tunog kabado ang boses

Buti pa siya alam na may ganun, ako

Bakit di ako aware?!

Mas Lalo tuloy ako naiyak sa katotohanan na... wala akong jowa!

Nagbara tuloy ang ilong ko, hindi ko alam ang reaksyon niya habang sumisinga ako sa panyo niya.

Napakaswerte ko nga naman ngayong araw, ang daming ganap, grabe! Tapos mukhang ineengkanto pa ata ako!

"Sorry? I made you cry again" he apologized, patanong pa.

"Hindi ako nakipag-break!" depensa ko sa sarili.

His brow twitched. "Then, what?"

Humikbi ako, nahahabag sa sarili. "Nabawasan a-ang.." naputol kalagitnaan ang sasabihin ko dahil sininok ako.

"Ang?"

Chismoso din itong si koya. Pabayaan na, pinahiram naman niya akong panyo

Huminga ako ng malalim, ready na mag-open up

"N-Nabawasan ang f-follower ko sa you tube"

There's a pause... a long pause

"Oh!" he commented after that long silence.

I sobbed. "Nabawasan ng isa follower ko! Grabe, malalaos na ako!"

Kinuha niya cellphone sa kaniyang bulsa. "Well, then" nagkamot siya ng batok, "What's your you tube account?" he manipulate something on his phone.

"Bakit?" siyempre kailangan ko ng reason kung bakit niya hinihingi yun, noh?

Hindi siya sumagot, tinitigan niya lang ako kaya wala na akong nagawa kung hindi sabihan kahit napipilitan ako slight.

"I followed you on your socials, hope I compensated enough for your..." umubo ubo siya. "..loss"

I looked at him confused

"Its late, saan bahay niyo?" tumayo siya at naglahad ng kamay, hinawakan ko yun bilang suporta pagtayo.

"Bakit?" yun yata word of the day ko ngayon.

"Hatid na kita"

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon