Chapter 41

5 2 0
                                    

Chapter 41

Matagal din akong nakipagkulitan sa kanila. Naglabas pa sila ng alak pero dahil nadala na ako the last time na nalasing ako ay hindi ako uminom, Kahit naman magpumilit ako ay di naman din nila ako papayagan.

"Cheers" pinagbangga-bangga namin yung mga basong hawak, juice akin siyempre

Napag-alaman ko na kay Cedrick pala itong Bahay. Weird din taste niya...

"You still have work tomorrow, Kleyn. Want to go already?"

I checked the time, its still 9pm

"Later. Keri ko pa hanggang 10pm" bukas na lang siguro ako mag-ssuffer which is okay lang kasi super minsan lang kami magkita kita

Nakakamiss din pala na may kabangayan

Saktong 10pm nga akong hinatid ni Xireh, hindi na siya nagtagal sa apartment ko at kaunting silip lang ang ginawa kasi gagabihin daw siya ay traffic pa naman ng ganoong oras.

"Oh ano? Kamusta ka diyan?" si Mama habang nag-uusap kami sa cellphone

"Luluwas ako diyan, Ma sa linggo. Ipapasyal ko kayo sa Manila" sabi ko.

Matagal ko na talagang plano yun pero siyempre kailangan mag-ipon muna ako kasi di naman ako mayaman. Sunod ko namang plano na idate ay si Chin, miss ko na yun.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako habang nakikipag-usap kay Ma. Nagising na lang ako na lowbat at phone ko. Buti nagising ako! Baka di pa ako makapagtrabaho pag tanghali na naman akong gagayak.

Kaagad kong ginawa ang usual routine sa trabaho, madami-dami ding revisions ang kailangan gawin pero naenjoy ko naman kasi interesting naman mga stories na nirelease.

While i am working someone texted me pero di ko na muna chineck, mamaya na lang pag lunch time, baka masisante pa ako.

"Lunch?" umiling lang ako kay Joseph dahil hindi ko pa feel kumain, tsaka kasabay ko si Cedrick dahil malapit lang sa building na ito yung pinagtatrabahuhan ko.

I checked the time and realize its 12 noon, already. I also saw the unread message, yung nagmessage sa akin kanina

Blaux

Let's eat lunch

Kanina pa siya nagmessage mga 10 am

Ako

Sorry, i have plans

Nagretouch ako ng kaunti bago napagpasyahan na bumaba na kasi naghihintay si Cedrick sa lobby, ni-text niya ako eh

"Kanina ka pa?" tanong ko kaagad nung makita na nakaupo siya sa sofa at abala sa pagc-cellphone. Nagm-ml siguro.

"Ewan"

Walang kuwenta talaga kausap. Hindi siguro namalayan kung gaano katagal naghihintay, naglalaro kasi eh.

Ang seryoso ng usapan namin ni Cedrick nung nasa kotse na kami, nahahaluan lang ng kawalangyaan kapag ako

"Bakit Kasi di mo na lang ligawan?"

Sinamaan niya ako ng tingin. Natawa ako sa hitsura niya, sabi kasi sa akin ay napakasungit daw ng supervisor niya sa kaniya. Baka naman crush siya kaya ganoon?

"Di ko type" ngumiwi siya

Pumalakpak ako. "Napakagwapo mo nga naman"

Nailing na lang siya sa akin

"Pero seryoso na" hinarap ko siya. "Baka crush ka talaga non kaya nagpapansin-"

"Tss. She's 40" tamad na tamad yung boses niya, ganyan yan eh.

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon