Chapter 11

9 3 0
                                    

Chapter 11

Tumagal ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, tanging ingay lang yata ng paligid ang naririnig ko. Ang hirap pala ng ganito, hindi ako sanay pero siyempre kailangan maging success ito kaya gagalingan ko talaga!

"I don't understand what makes you so confused" he told me after the long silence.

Bumuntong hininga ako. "Lagi kitang kasama" dahan dahan ang bawat bigkas ng salita ko. Hindi naman siya nagsalita, hinihintay siguro na dagdagan ko ang sasabihin pero yun muna.

"So?" his brow met.

Lumabi ako. "Kung ano anong weird na yung nadedevelop sa utak ko" I shrugged

"Like?" kinagat ko yung labi ko, nagpipigil ng tawa. Paubos na talaga yung pasensya sa kin, kitang kita ko yan sa pagmumukha niya.

"Hindi mo kasi gets eh"

"Hindi ko talaga magegets. Ang gulo mo eh" sarkastiko niyang sabi.

"Mahirap, Blaux"

Bumuntong hininga siya habang nakatingin sa akin.

"Iiwasan mo ako.." mas Lalo lamang na-down yung hitsura ko

"Huh?" yung pagmumukha niya talaga litong lito na

"Maiilang ka..." dagdag ko

Mas Lalo lamang kumunot ang noo niya, tapos tiningnan niya ako na parang hopeless case na ako

I gave him the roses. "I don't want to be your friend anymore, crush" nagtindigan ang lahat ng balahibo ko sa katawan

Pota, yung goosebump!

Tinanggap niya yung flower, mukhang hindi pa nakukuha yung sinabi ko. Then, after a while, nilingon niya ako na parang baliw na ako.

Hinampas niya yung rose sa ulo ko, I glared at him. Asta talaga eh

"Aray, ha!" reklamo ko at hinimas yung ulo

Binalingan ko siya ng tingin, mukhang gusto na niya mag-walk out. Namumula na eh

"Blaux!" tawag ko, natatawa kasi tuluyan na nga siyang umalis

Aha! Nakahanap na ako ng maipang-aasar sa kaniya

Bitbit ko na yung camera

"Say hi to the camera, its a prank!" hindi niya ako pinansin at patuloy ang paglalakad ng mabilis. Tawang tawa naman ako.

Ang saya naman

"Crush ko!" sigaw ko.

Nagulat ako nang nagmadali siyang bumalik, tinakpan niya ang bunganga ko. "Tumahimik ka nga" bulong niya sa akin, nasa bunganga ko pa din ang kamay kaya naman panay ang hampas ko doon para alisin na niya.

Inalis din naman niya, humagalpak ako ng tawa.

"Crush, kamusta naman ang kalusugan natin?" ifinocus ko ang lens nga king cam sa mukha niya, tawang tawa ako nang umirap siya.

"Ang pikon" puna ko

He glared at me. "Shut up, Kleyn!" sinubukan niyang hawiin ang camera ko pero hindi ako nagpatinag. "Stop your vlog"

"Ayoko nga!" ako habang panay ang tawa

Natapos ang video at satisfied naman ako. Mukhang milyon ang magiging views ko dito, ang galing ko talaga! Gagandahan ko yung edit, akalain mo, pagkakakitaan ko pa si Blaux!

Buong oras ay inaasar ko siya, siya naman ay mukhang kaunting pihit na lang ay susuntukin na ako.

"Libre mo akong kwek kwek, crush" ako na nakasabit ng parang tarsier sa braso niya

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon