Chapter 18

12 3 0
                                    

Chapter 18

"Close kayo nung Zairah?" tanong ko kay Blaux

Umiling siya, hindi naman ako naniniwala. Bakit siya hahanapin kung hindi kilala diba?

Gulo talaga kausap, tahimik nalang tuloy pinanood yung event dahil alam ko na wala ako mapapala dito kay Blaux. The debutant is pretty, she's wearing a pink gown. Hindi ko maalis ang tingin sa kaniya, mukhang mayaman. Sa kalagitnaan ng paninitig ko sa kay Zairah, naramdaman ko yung tingin ni Blaux

Tinaasan ko siya ng kilay

"Do you want to throw party at your debut?" he whispered, maingay kasi kaya kailangan niyang bumulong para marinig ko.

Napaisip naman ako sa tanong niya, Oo nga, noh? Hindi ko pa kasi naiisip yang bagay na yan, isa pa medyo matagal pa bago ang birthday ko. Ang advance talaga mag-isip.

Umiling ako. Parang ayaw ko, mag-debut. Gastos lang

"Why?" pangungulit ni Blaux, ngumisi ako tapos umiling, nakatingin ako sa unahan.

"Ayaw ko lang" tanging sinabi ko.

I just don't get it sense, nakapag-seven seven naman na ako so okay na kung walang debut

"It only happen once, Kleyn. You sure you won't regret it?"

Hinarap ko tuloy siya, ang lalaking ito hindi man lang nagfofocus doon sa program at talagang chinichika akong maigi. Pati tuloy ako hindi makafocus.

"Pwede naman na pag 60 years old na lang ako magdebut ah"

Tumango naman siya, titig sa akin

Ngumisi ako. "Bakit mo naitanong?"

He shook his head. "Just wondering..." he said nonchalantly, shrugging

Natawa naman ako. "Alam mo dapat ang iniisip mo yung debut ng pinuntahan natin hindi debut ko"

Abnong ito pinatatanda agad ako

Natawa na lang din siya at nanonood na nga sa program

Sa totoo lang naenjoy ko naman ang panonood doon sa celebrant, nakakatuwa yung mga pinapakitang pic and vid niya. She also looks so happy. Sanaol na lang diba?

"Kuha lang ako food" paalam ko kay Blaux na nakatingin nga sa unahan halata namang wala doon ang isipan

Ibang klase. Siya yung nagyaya tapos di man lang nagp-pay attention. Buti na lang at hindi ako nagmana sa kaniya

"I'll get you" pigil niya sa kin, magp-protesta na sana ako pero mabilis na agad siya Nawala sa paningin ko. Alam ba niya gusto ko kainin ha?! Lakas magpresenta

Sinundan ko siya ng tingin at Nakita na pumunta siya doon sa mga sweets, napaawang ang labi ko. Paano niya nalaman?

Natatakot na ako kay, Blaux

Stalker ko ata siya

"And now as we proceed, let us welcome Mr. Blad Xion as he perform a song for the debutant" nagpalakpakan ang mga bisita, inaasahan ko na aakyat na si Blaux kasi narinig naman at niya yung sabi ng emcee pero ang lumipas na ang ilang sandali ay wala pa ding umaakyat.

Napalingon tuloy ako sa kaniya at Nakita siya na walang pakialam habang idini-dip yung marshmallow doon sa chocolate fountain. Napaawang ang labi ko sa inaasta niya.

Ang lalaking iyon talaga!

Hindi ko alam kung anong gagawin, kung pupuntahan ko ba siya doon o ano. Bago pa ako makapagdesisyon ay kita ko na siyang papalapit sa akin. Nag-iwas ako ng tingin, hinihiling na wag na siya dumiretso siya sa akin kasi gumawa siya ng eksena

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon