Chapter 40

6 2 0
                                    

Chapter 40

"You left this"

Literal na napatalon ako ng marinig ang boses ni Blaux. Sinundan niya pala ako! Shet na yan, dapat pinabayaan niya na lang ako!

"O?" kinuha ko yung bag ko na hawak hawak niya pero inilag niya ito sa akin.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Trip nito?

"Eat breakfast first" he told me.

Ngayon ko lang napansin ang suot niya. He's wearing a white shirt and jersey. Mukhang walang lakad.

"Hindi na-"

Hindi niya ako hinayaang umangal, hinawakan niya ang palapulsuhan ko at tinangay ako papasok sa condo niya, hindi pa kasi ako nakakalayo eh. Napakataas naman nga ng floor niya!

"I made you coffee, sayang kung hindi mo iinumin"

Labag sa loob na lang tuloy akong umupo sa high chair niya

Inabot niya sa akin ang kape, Nakita ko na may mga nakahanda na ding pagkain, kumalam tuloy ang sikmura ko.

"11 na pala, shet"

"Yeah. Late na late ka na sa trabaho niyan. Bakit ka kasi naglasing?"

I pouted, nakapalibot ang kamay sa mga tasa. "Hindi ako naglasing" mahina kong sabi.

Naghila siya ng upuan sa tabi ko. Sinulyapan ko siya ng makita na titig na titig siya sa akin.

Umangat ang kilay ko

He smirked, hindi inaalis ang tingin sa akin. "Eh ano? Uminom lang?"

Nabulonan ako. Ewan kung anong katangahan yun

Hinagod-hagod niya ang likod ko, hindi naman ako matigil sa pag-ubo

Lintek, sino naman kayang tanga ang nakaalala sa akin?

"Alis na ako pagkainom ko nito" sabi ko nang mahimasan na

Tumango siya, ang bilis kausap ah. Kala ko ay pipigilan ako eh.

"Kailan ka pa nakauwi?"

Naalala ko na nagtext nga pala siya sa akin, hanggang ngayon ay hindi ko pa narereplyan.

"Ha?" hindi kasi nagwowork ang utak ko dahil ng alak

Hindi ko na taalga uulitin yun, lintek na alak yan. Iyon ang papatay sa akin eh.

"Manila. Kailan ka pa nakauwi? Bakit di mo sinabi sa akin"

Natawa naman ako. "Bakit ko sasabihin eh hindi na naman tayo nag-uusap?"

His head tilted

"Weird naman na out of nowhere sabihin ko yun" dagdag ko, nonchalant lang ang tono ng boses siyempre.

Suminghap siya. "It wouldn't be weird. You could've text me. I'll fetch you"

"Di ko naman alam na di ka nagpalit ng number"

He nodded then watched me closely

"You watched... our performance"

"Oo" tipid kong sagot abala sa pag-inom ng kape.

His stare never falter, kunot noo ko tuloy siyang tiningnan. Umiling siya, nagkibit balikat na lang ako at nagpasya ng hugasan yung tasang ininuman ko. Ang awkward eh.

"Tapos na ako, pwede na umalis" anunsyo ko.

Nilingon ko siya kasi di nagsasalita eh. Naabutan ko siya na nakahalukipkip, prenteng nakaupo habang panay ang paninitig sa kin.

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon