Chapter 44

9 2 0
                                    

Chapter 44

He stiffened

I took that as a chance to move my lips, aggressively tasting his. Sinubukan niyang lumayo pero ikinawit ko na ang braso sa kaniyang leeg, patuloy pa din ang paghalik sa kaniya. I bit his lower lip teasingly and move my lips in aggressive manner, devouring his. I even force an enter in his mouth, tasting his tongue before finally moving away

Nakangisi ako nang bumitaw, seryoso naman ang ekspresyon niya. Nandoon pa din sa kaninang puwesto Kahit bumitiw na ako.

Hindi pa din nabubura ang ngisi sa labi ko. "Layas na. Doon ka sa girlfriend mo, mas masarap yun humalik" pangtataboy ko pero di siya natinag at nakuha pa na balutin ako ng kumot. Sinamaan ko siya ng tingin kasi pati mukha ko, tinabunan niya din ng kumot

Inangat ko ang kumot, hinarap siya at sinamaan ng tingin. Natigilan ako kasi mas mukha siyang galit. Magkaharap kami ngayon, masama ang tingin sa isa't isa.

"Saan mo natutunan yan?" he asked glaring at me.

Bigla akong nahilo kaya napahawak ako sa sentido. I felt him holding my arm, pagmulat ko ay magkalapit ang mukha namin. Nginisian ko siya, akmang ilalapit ang mukha para makapang-asar pero mabilis siyang nakailag.

"Your drunk. Sleep"

"Tss. Just say your girlfriend will be mad"

He scoffed. Tapos sapilitan akong hiniga sa kama. "Matulog ka na. Pag-uusapan natin yan bukas kapag hindi ka na lasing"

Hindi ko na naalala ang sunod na nangyari, i just remember dozing off sleep afterwards

Naalimpungatan ako ng naramdaman ang halik sa noo. "You'll regret this, for sure" he whispered before i finally fell asleep for real.

The morning, nagising ako na may nakadikit sa noo ko na sticky notes. Binasa ko iyon.

Good Morning! Eat your breakfast, drink your meds as well. I have a work now so have to go. We'll talk later

-Blaux

Nakita ko yung dalawang ticket sa side table ko, tiningnan ko iyon at napansin kaagad ang isa pang sticky note.

Bring your friend later

-Blaux

Napahawak ako sa ulo sa sobrang kirot non, kinuha ko tuloy yung isang baso ng tubig at inisahang inom iyon. Puta, ano bang pinaggagawa ko kagabi at parang mabibiak ang ulo ko?

Habang nakapikit ay may naalala akong eksenang hindi kaaya-aya. Shet, tunay ba?

... i kissed Blaux

Did i really do it?

Napakatino ko naman para gawin yun

Nagmulat ako ng mata at inumpog ang sarili sa pader

"Imposible" bulong ko sa sarili.

Napahawak ako sa labi at naramdaman ang lambot nito. Shet naman, gusto kong maiyak ng tunay Lalo pa nung naalala ko ang ginawa ko! O ginawa ko ba talaga?

Labo kasi eh

Imposible. Di ako yun.

Nalingonan ko ang oras at halos mahulog sa kama sa pagmamadali

Lintek, malalate na naman ako!

Nakita ko nga na may nakahanda ng almusal sa lamesa, nakatakip ito. Niluto siguro ni Blaux. Inilagay ko na lang sa ref kasi malalate na ako pag kakain pa ako

Kumain na lang akong sandwich habang papuntang opisina tapos ininom yung gamot, naibsan naman ang sakit ng ulo ko

Gaya nga ng kadalasan ay traffic. Ano pa bang aasahan ko sa Pilipinas?

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon