Chapter 26

8 2 0
                                    

Chapter 26

Humupa naman ang nararamdaman ko. Habang naglalakad kami pauwi ni Blaux ay hiyang hiya ako na halos hindi ko siya matingnan. Hindi maalis sa isipan ko yung huli niyang sinabi

Lintek naman talaga yang si Blad Xion

"Sleep immediately" he told me to which i only nodded at

Kinabukasan ay medyo mahapdi ang mata ko. Lintek, pakiramdam ko namumugto iyon. Nang tingnan ko sa salamin ay hindi nga ako nagkakamali. Napapoker face na lang ako kay self

Ayan, iyak pa

"O, Kleyn? Alis ka na agad?" tanong ni mama na naghuhugas ng plato.

"Opo, Ma. May kailangan akong tapusin now"

Tumango tango siya. "Hindi mo na hihintayin si Blaux- O ayan na pala siya. Magsabay na lang kayo"

Napapikit na lang ako ng mariin

"Alis na kami, tita" paalam ni Blaux kay mama. Kaagad naman sumang-ayon si Mama at sinabi pa kay Blaux na aalis na sana ako.

"Mabuti na lamang at maaga kang nakapunta. Ito daw si Kleyn ay may kailangang tapusin, uuna na dapat sa iyo kanina. Buti dumating ka!"

Hindi ko alam ang irereact, honestly
Nasa akin na ang mata ni Blaux

"Inagahan ko po sadya tita, alam ko na uuna si Kleyn ngayon" pangchika ni Blaux kay Mama, tss. Chikahan pa more, iwanan ko kaya kayo? Charot.
Napaisip naman ako sa sinabi niya, alam niya na uuna ako?

"Alis na po kami"

Buti naman, nangangati na ang paa kong makaalis

"Sige, sige. Mag-iingat" habilin ni Ma bago pa man kami tuluyang makaalis.
Tahimik lang kami naglalakad ni Blaux, ang awkward. Di ko naman kasi alam ang sasabihin.

Naramdaman ko na sumulyap siya sa akin pero hindi ko siya tiningnan, mas pinagpatuloy ko na lang ang pagc-cellphone ko kahit naglalakad. Kaysa naman harapin ko awkward atmosphere, diba?

Natigil ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko. Napatingin ako sa kaniya.

"You fine now?" pagtatanong niya.
Simple akong tumango, nagtagal ang titig ko sa kaniya, nag-iisip ng maioopen na topic dahil hindi naman kami ganito katahimik pero wala talaga akong mahagilap na salita ngayon. Super sariwa pa sa akin yung nangyari kagabi.

Pinilig ko ang ulo. Ayaw ko na nga maalala yun! Kabanas! Ba't ba ganoon ang asta ko?

Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive nung umagang yun. Tulala tuloy ako habang napaggigitnaan nina Sol. Kinaltukan ako ni Keir, bilang siya naman ang mapanakit sa grupo. Sinamaan ko siya ng tingin, nawala tuloy ang pangangalumbaba ko.

"Pinoproblema mo diyan?" kumunot ang noo ni Selena sa akin
Umiling lang ako tapos nagpanghalumbaba ulit, nakasimangot

"Nag-away kayo?" usual na tanong ng gagang si Sol everytime na wala ako sa disposisyon. Umiling lang ako kasi di naman talaga kami nag-aaway.

The holiday is fast approaching
Mas mauuna ang periodical pero syempre ang utak ko ay bakasyon na agad. Bakit ko pa pakakaisipin ang darating na delubyo sa buhay ko kung after naman non ay kaligayahan?

"Ta sa lib" pag-aaaya ni Sol na akala mo naman ay tunay na napaka-studious na tao.

Sumang-ayon naman kami. Halos walang klase ng araw na ito, pinagbigyan kami actually na gumamit ng lib dahil wala pa daw nagbibigay ng coverage ng periodical, ibibigay daw yun sa mismong araw

Putragis

Hayaan na. Sanay naman na kami na ganiyan

"Nakakaubos ng talino," bumuntong hininga si Keir na parang sobrang bigat ng dinadala niya

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon