Chapter 15

7 3 0
                                    

Chapter 15

Sobrang sakit ng ulo ko pagkatapos ng mahabang pagpapanggap na masipag akong estudyante. Ininat ko pa ang aking leeg sa pagkangalay, hindi na talaga ito mauulit. Wala nang review sa susunod, tutal ay multiple choices naman.

Parang mga lalaki lang, multiple choices para pag nagkamali, may pamalit.

Humagikhik ako sa naisip ko

Ang witty ko dun

I tied my hair into bun para naman di sagabal sa mukha ko, mas madalas kasi na nakalugay ako at naka-hairpin lang. Using my compact mirror, chineck ko muna kung ano na ba ang kalagayan ng pagmumukha ko.

Napabuga na lang ako ng hininga nang makita kung gaano ako mukhang stress

Nilabas ko tuloy ang liptint ko at nag-apply ng kaunti sa labi

Yang pag-aaral na yan talaga ang sisira sa ganda ko

"Pahiram ng suklay," parang demonyong bumulong si Selena sa tainga ko, kinuha ko iyon sa bag ko at binigay sa kanila.

Nagsuklay naman siya, wag lang siya papahuli sa librarian kung hindi malalagot siya. Napakaarte pa naman ni Miss Dimaano, ni hair strand ay ayaw dumapo sa sahig. Hindi naman nakakamatay yun.

"Thanks," she smiled sheepishly

Tahimik ko na lang na nilagay ang suklay sa bag, inayos ko na din ang mga gamit ko

Sakto lamang na next period pero wala naman daw ulit na klase kasi nagchat si Sir Jay na hindi siya makakapagklase ngayon.

"Ang sakit ng ulo ko!" reklamo ni Sol pagkalabas sa library bilang siya naman ang reklamador sa grupo

Sa amin sigurong apat nasa kaniya lahat ng negatibo

"Putulin mo" pangbabara ni Keira na ang putla na

Natawa ako sa pagmumukha niya

Nagbabangayan lang sila ni Sol habang kami naman ni Selena ay taimtim na nag-uusap lang, hindi naman kasi kagaya nung dalawa na may lahing aspin.

"Aray ko, punyeta ka talaga!" daing ni Sol nang hampasin siya ni Keira.

Tumawa ako kasi alam ko na hindi normal na hampas lamang iyon dahil ang sakit talaga manghampas niyang si Keira, siya yung pinakamaliit pero pinaka-mabigat ng kamay niya

Lumayo kami ni Selena ng kaunti, nagpapanggap na hindi namin sila kakilala. Nakakahiya sila, ang dami pa naman na poging football player. Shet! Pasimple tuloy akong lumilingon, kunwari hindi nag-star gazing

Kay gandang tanawin nga naman kung ganiyan ang matatanaw

"Ang pogi nung no. 10" malanding bulong ni Selena

"Sadly, taken ka na" pambabasag ko sa kalandian niya

Inismidan niya ako. "Hindi naman niya alam"

Ang gagang 'to! May balak pa ata na mag-cheat

I showed her my phone. "Recorded" I remarked.

"Play mo nga"

Ngumisi lang ako at umiling

Napayuko ako ng may hayop na bumitin sa balikat ko. Sinamaan ko ng tingin si Keira, pakiramdam ko mababali ang collarbone ko

"Aray ko! Tarsier ka ba, ha?" reklamo ni Selena na mukhang nasaktan din

Dambahan ka ba naman, ewan kung di ka masaktan

Tinawanan lang kami ni Keira. "Anong pinag-uusapan niyo diyan ha?"

Memories' SilhouetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon